What to do? ?

Kapapalit lang namin ng gatas ni baby nung july 11 ng Bonamil(6-12 months). Hindi na kac nya nauubos yung dede nya na Bonna(0-6months) kaya tinry naming palitan. Matakaw naman sya ang problema nga lang tae sya ng tae, 5x a day nung una tpos kinabukasan 4x a day na. Kahapon nabawasan, tatlong beses na lang. Yung poop nya parang mashed potato yung hitsura pero yellow naman, hindi matubig tsaka hindi masangsang yung amoy. Nag aadjust pa din po ba yung tiyan nya hanggang ngayon? Kelan magiging normal yung poop ng baby pag nagpapalit ng f.milk?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy baka ayaw ng tyan ni baby ng murang formula milk.. Nung new born baby ko enfamil 0-6 months milk nya okay naman poops nya then nabigatan na ko simula nung lumalaki sya kase antakaw ma sa gatas so nag try ko ng isang maliit na box ng bonna 0-6 and grabe yung changes sa poops nya sobrang sabog na nag lleak sa diaper nya and nakakailang tae mag hapon mag damag not like nung sa enfamil sya na okay naman poops nya at 2 x lang sya mag poops mag hapon mag damag. Kaya back to enfamil ako

Magbasa pa
VIP Member

Better ask your pedia