Yes or No?

Kapag palagi ba kumakain ng mga chocolates or dark na pagkain pagkalabas daw ni baby maitim kahit na ang tatay po ni baby is koreano maputi naman ako at tatay ni baby kaya may posibilidad daw na umitim si baby dahil sa panay kain ko ng mga chocolate, since hindi pako buntis kinahihiligan kona po talaga kumain ng chocolate & hindi ko rin po pinaglilihian ang chocolate. NAKAKABADTRIP SOBRA MASYADO NILANG PINANINIWALAAN ANG MGA KASABIHAN!!!

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello momshie.. Naku same tau. Chocolates, coke, sunog n barbeque yan ang pinaglihian ko. Lets check if totoo nga ung ksabihan n un. Pero sabi din ng iba wala nmn daw kinalaman un.. Nsa genes p din daw

not true, ako po naglihi sa hershey's chocolate with almonds at champorado ,pati po talong kumakain ako... mestiza po kulay ko si hubby ko sakto lang. pero paglabas ng panganay ko mestizo din.

VIP Member

Not true. Sa genes nyo pong mag asawa makukuha ni baby ang features and skin color nya :) pero hinay paren po sa chocolates nakaka cause po yan ng gestational diabetes.

Hindi naman totoo ang pamahiin pero less nalang din sa kain ng chocolate kasi meron sya halong caffeine, at nakakalaki ng baby ang sugar mahirapan ka manganak.

Super Mum

No, not true. Genes po magdedetermine ng magiging color ni baby. Hehe. Minsan talaga yung mga tao talaga sa paligid natin ang nakakapagpa stress satin. 😂

5y ago

sobra po!! thankyou ulit

VIP Member

Nasa genes po yan. Wag mo na lang po sila pansinin. Masstress ka lang at yun ang bad kay baby. Medyo iwas na lang din po sa chocolate para iwas diabetes.

Di totoo yun. Sabi nila excuse lang daw un kapag d sure ung nanay kung sino ang tatay ng baby haha. Kasi genes naman ang pagbabasehan.

Myth lang yun momsh pero wag ka masyado sa chocolates nakakataas ng sugar saka nakakalaki masyado ng baby baka mahirapan ka ilabas.

5y ago

33w2d nako wala naman nabanggit si ob kanina na mag diet pero ang lakas ko sa kanin kaya minsan hirap ako huminga kapag hihiga.

VIP Member

Hindi po nakakaitim sa baby ang pagkain ng chocolate sis. Hindi po yun totoo. Maputi baby mo kasi Korean ang ama.😍

Super Mum

Di nmn totoo yan sis kasi ako mhilig ako sa mga chocolate drinks tapos ang puti ni baby pglabas hehe nsa genes po yan