Seizure advice

Kaninang umaga bigla nalang nanigas, nanginig at nangitim yung baby ko, kaya itinakbo namin sa ER. natakot kami kasi hindi namin alam yung gagawin. Habang papunta kami tumigil yung seizure pero nanghihina at namumutla padin sya. Chineck yung sugar nya, normal naman. Nakatulog, tapos paunti unting bumabalik yung kulay nya. Ang pwedeng cause lang ay yung almost 2 months nyang ubo na walang lagnat, wala ding sipon. Hindi nakuha sa over the counter na gamot during ECQ. Nang nag GCQ na, nakapunta na kami sa pediatrician kaya niresetahan ng anti-biotic pero hindi nawala yung ubo, kaya pina x-ray, tapos binigyang ng gamot for 6months para sa primary complex. Pang 4days palang nya today. Ang sabi sa ER ipaadmit para maiunder observation, pero lahat ng puntahan namin na ospital puno, kaya o choice kami, uuwi nalang. Normal naman na ulit sya, parang walang nangyari sakanya kanina. Pero paano pang naulit? Ano pwede namin gawin habang nagse-seizure? Nakakamatay ba yun? Ano ang mga ways para maiwasan na maulit?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Start ng seizure: arch their back, stiffen their body and clench their fists. You may also notice their eyes roll upwards and they may hold their breath. First aid: Ihiga sa kama, huwag pipigilan ang katawan na mag-seizure baka mabalian pa ang bata. Tingnan ang palagid dapat safe, tanggalin ang mga gamit na maaring mauntog siya at malayo sa wall. Itagilid para hindi malunok ang laway niya. Huwag maglagay ng kahit ano sa bibig mas lalong hindi siya makakahinga. Bilangin ang minuto ng seizure at ilang beses sa buong araw. Make sure na maluwag ang damit, pwede rin tanggalin ang pangtaas. Make sure your child is breathing okay. Kapag tapos na ang seizure, itagilid ang bata at medyo itingala ang ulo para makahinga ng maayos. Huwag muna padedehin hanggang hindi pa bumabalik sa normal ang bata. Magstay sa tabi ni baby kapag nakatulog siya hanggang magising. Seek emergency care kapag nangitim or nagbluish ang bata. Nagseizure ng 5mins at paulit-ulit. Nahihirapan huminga. Nauntog habang nagseseizure. Unconscious pa rin for few minutes. Nakamamatay kapag hindi nakahinga ng maayos kaya lagi niyo ichecheck ang breathing niya. If kaya niyo iconfine sa ibang hospital, go, need niya ng further check up lalo na bata pa po yan. Ang haba na pala ng comment ko. Sana makatulong po.

Magbasa pa
5y ago

Thank you po! Malaking tulong po ito. Salamat.

yes, pwede maging fatal ang seizure. kung pano mapreprevent? di po namin masasagot yan. doctor mas nakakaalam nyan. you should've asked all those things to the pedia. anyways, just make sure na on-time mga meds ni baby...and pray na gumaling na sya 🙏🏻

5y ago

Thank you po. Since wala talaga kaming nahanap na ospital buong araw, pupunta nalang kami sa pediatrician nya bukas.