Help ?
Kanina tumawag yung papa at mama ko, gusto daw ako kausapin ng papa ko, pagkausap namin namimiss daw nila ko kesyo ganto uuwi na daw sila mgtrabaho nalang daw ako huhu lalo ako natatakot na sabihin sakanila na preggy ako. 3months na pero dikopa din masabi sabi ? Ano po magandang gawin mga momsh? ??
i'll hide my identity hehe kasi same tayo ng nging sitwasyon. 3mos na tyan ko nung nalaman nmin ng bf ko dati na asawa ko na ngaun. sobra stress, iyak dto iyak dun, lgi ngaalala, which is sinisi ko sarili ko dhil hndi lang ako apektado, mas apektado c baby. sya kasi nakakakuha ng bad vibes na nararamdaman ko. kaya sis, sabihin mo na. akala ko rn dti papalayasin ako ng magulang ko or itatakwil, pero tgnan mo, andto ako probinsya muna pra raw maalagaan muna ako, dhil bc c hubby ko sa work. wlang magulang ang makakatiis sa anak, my nagawa man yang mali, pgsasabihan ka lang, pero mhal ka pa rn. mahirap mgdala ng worry at stress, c baby mgsusuffer. 33weeks preggy here. kaya mo yan!
Magbasa paSauna lang yan ganyan din sakin e kase nakakatakot naman talaga lalo pag mataas expectation nila sayo pero if ako sayo sabihin muna habang maaga pa kasi pag late panila nalaman baka mas lalong magalit. Wag muna lang biglain talk to ur mom firsr kse ako gnun gnwa ko kase mas maintindihan tyo ng nanay naten tas yun after nun hinahon nsya sya ngsabi sa papa ko. Kastress pero unti unti matangap nila yan 😊😊
Magbasa paTell them na po. Nakakagaan sya kalooban. Matatangal stress mo sa pagiisip. Lalo na kung kasama mo pa magsabi ang partner mo. Unlike ko, hindi ko sya kasama at hindi na kami nung sinabi ko sa parents ko na buntis ako at wala ng tatayong ama kay baby. Mas lalo ko kinailangan ang support nila. Ganun ka din po. Sobrang laking tulong ang magagawa ng suporta ng family mo sayo.😊
Magbasa paSabihin mo na momsh. Yung younger sister ko kasi tinago niya 6 months na nung nalaman namin. Nakakapanghinayang yung binitbit niyang worry the whole time, nastress yung baby niya. Tinanggap naman siya ng parents namin at sila pa nag-alaga sa pamangkin ko habang nagtapos siya ng college.
Bait naman. Huhu sana nga magka lakas nako ng luob sabihin momsh 😥
sabihin mo na maiintindihan nla yn. Ako nga usapan nmin asawa ko magsasabi pero pansin ko nun kinakabahan xa kya ako nlng ngsabi. D nmn cla nagalit tuwang tuwa p nga cla kc 27 n ko..new yr nun cnb ko haha ang ganda dw ng pasok ng bagong taon sknla.. 31weeks preggy nq ngaun
Mas mabuti po kung sasabihin nyo ng maaga ang dami kong excuses bago ko nasabi naitago ko for almost 7 months mas nagalit sila dapat daw sinabi agad.. Magagalit sila pero mapapatawad ka naman nila walang magulang ang natitiis ang anak Mag sorry ka din sa kanila
7? Aw grabe. Pano nyo po natago yun hehe e ang laki na po nun diba. Kaya nga po balak ko sana pag alam kona po gender e
Ako din 6months preggy na ako. Di parin alam ng parents ko. Di nman po kasi halata kasi chubby po ako. Natatakot akong sabihin di kasi ako pinanindigan ng ex ko. Nahihiya din ako kasi lahat ng family ko successful tas ako nabuntis lng. Hayss. 😔
Buntis ka ate. Hindi "buntis lang". You're carrying God's greatest gift a woman can have. Saka hindi mo kailangan nakipagsabayan sa success ng iba kung hindi mo pa time. Malay mo after lumabas ni baby, nakapila na ang mga blessings sa inyo. Tell your parents na po para iwas stress ka na rin. Dahil yng stress nafefeel din ni baby. Isang galit lang siguro yan, or hindi pa nga e. Maiintindihan ka nila. 😊btw i'm Soon be "single" mom. Haha 😊
Ganyan nangyari saken, umabot ng 3mos tas sa chat ko sinabi kay mama. Anw, magagalit at magagalit naman talaga sila kaya wag mo ng patagalin, sabihin mo na now na, matatanggap din nila ang sitwasyon afterwards, bago ka manganak for sure.
Mahal ka ng mga magulang mo, obviously. Sabihin mo na at wag patagalin pa. Kung ano man ang maging reaksyon nila, tanggapin mo. Normal sa isang magulang na magreact ng gulat o disappointment sa umpisa, eventually, magiging okay ang lahat.
Kaya nga momsh. Pag kasi naiisip ko na parang nawawalan ako ng pag asa hehe
Sabihin mo na habang 3 months palang ang tyan mo para may mag aalaga sayo habang buntis ka. Wag mong hayaan na lumaki ang tyan mo ng hindi nila alam, mahirap. Isipin mo ang baby mo at ang kalusugan niyo pareho
Walaman po ksi sila dito sa pinas. Bali kasama ko lang po pinsan ko. 😥 sana nga po mgka lakas nako ng luob na sabihin saknila 😥
Preggers