Any suggestion of healthy foods na matagal masira?

Kamote fries po kayo jan Mommies ? May maarte po kasi akong kasama sa bahay ayaw kumain ng nilagang kamote lang... Kanina, namalengke ang Papa ko, hindi po kami umaasa sa relief dahil kahit dati pa wala talaga dumadating samin. Eto na nga kasama sa listahan ko ang mga pagkain na healthy hindi madaling masira at tatagal kahit walang ref. Kamote Kamoteng kahoy Patatas Saging na saba (yung green pa para tumagal) Singkamas Luya ( mahilig po kasi kami sa ginger tea) Bawang at sili (for chili garlic sauce; pwede rin hiwa hiwain nyo na po ang bawang ilagay sa bote at lagyan ng oil para kukuha nalang tuwing kailangan) Oatmeal (food po ito ng baby at mama ko, kung mahilig po kayo sa pancake at walang harina, pwedeng pwede ito gawin lang pulbos ang oatmeal) Harina ( gumagawa po ako sarili namin tinapay) Kayo Mommies, share naman po ng mga healthy foods na pwedeng tumagal lalo nakaquarantine tayo, May madadagdag pa po ba kayo? ?Thank you and Godbless

Any suggestion of healthy foods na matagal masira?
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Monggo.. ❤️❤️

3y ago

Thank you Momsh, will also try to make toge :)