Miracle
Kami ng hubby ko sobrang gusto na non magka baby. Lalo na sya. We had so many tries for so many months, kahit mag do kami pag fertile ako, di kami nabibigyan. Minsan nalulungkot na chubs ko saying "love kelan tayo magkaka baby :< " Feeling ko na nun infertile ako. Since 2019 pa kami nagt-try. (Fast forward) Feb 13 2020 natapos regla ko. I know di naman agad or likely mabubuntis ang babae JUST RIGHT AFTER the period. So Feb 15 after anniversary, Feb 17 and 18 nag do kame ng hubby ko. 2 weeks later gumising ako na nahihilo. Na parang ang gaan ng ulo ko parang lobo. Then tanghali sumuka ako ng sumuka. Maraming beses ako sumuka, ang hapdi na ng lalamunan ko. Tapos march 6 dapat may regla nako. Then 10 days ago wala padin. So friday nag pt ako. I dont know di lang ako makapaniwala. Positive pt ko. And kahapon feeling full and unwell ako lalo na pag nakatayo (pag nakahiga kasi ako ayos lang pakiramdam ko) tapos kinagabihan nagsuka na naman ako. Nothing but I'm thankful. Hindi nasayang yung pag asa na magkaka roon?? Walang masama sa patuloy na pag try mga mamsh. Don't stop hoping for a child. You deserve a greatest gift from god. I'm sharing this to you para mainspire narin mga momshies and to motivate. Try and try lang mommies!