Nagsasama lang kasi walang choice.
Kami lng ba ng partner ko ung ganito? Magdadalawa na anak namin, nung una masaya naman kami. Mahal ko sya feeling ko mahal nya din ako. Kaso lately parang nagsasama na lang kami kasi wala kaming choice dahil magiging dalawa na anak namin. Hindi ko na ma feel ung dati na para ko syang bestfriend na handang makinig sa lahat. Ngayon kasama ko sya sa iisang bubong pero ung mata nya nasa cp na lang. Nagkkwento ako hndi ako matapunan ng tingin. Bagyat kibot away na kami haha kbwanan ko na pero away dito away doon pa din kami. Tsaka bakit kaya ganun? Wala syang tiwala sa kakayahan ko bilang isang ina, bilang isang ako. Haaaay. Ni hindi nya ko kayang i-lift. Parang pakiramdam ko ambaba ng tingin nya sakin. Degree holder ako, may lisensya. Working mom. Pero bakit ganun? Di ko maramdaman ung suporta. Na kaya mo yan mommy malaki tiwala ko sayo ung mga ganung bagay. Nawawala na din talaga ung love ko sakanya. 😔 Sa mga nangyayare samin. Advice naman mga mommy. Hirap na hirap na kalooban ko. Manganganak na ko anytime. Pero ayoko sya makasama hahaha ayoko sya makita. Mas knkabahan pa ko manganak ngayon na sya kasama ko kesa sa panganay namin na wala sya, na naka abroad sya at mama ko kasama ko manganak. Dba dapat mas kampante ako kasi partner ko kasama ko? Pero bakit ganun 😔