34 Replies
Ganyan dati yung set up namin nung bago palang kaming kasal, may baby na rin kami nun 3 months na. Mas inuuna niya yung needs and wants ng nanay niya kesa sa anak niya. Ang ginawa ko po, kinausap ko siya ng mahinahon. Sinabi ko lahat ng hinanakit ko sa kanya. Sinabi ko rin na wala namang masama kung magbibigay siya basta ba extra na namin yun. Dapat priority na yung anak namin dahil bumuo na siya na sarili niyang pamilya.
para sakin, hindi naman masamang bigyan mga kpatid nya ng mga bagong cellphone kaso kase nag iipon kami para kay baby. Sana isinasantabi nya muna mga luho ng kapatid nya. Kase pag ako humihingi ng kunting tulong , hiram ang tawag nya don 💔 nagagalit pa nga. Ang sakit lang sa part. Pag nahingi ako ng pambili ng fruits para samin ni baby nagagalit sya puro daw ako gastos. Sakit lang sa part yon lalo na pag buntis ka 💔
Kami non bf/gf p lang na iintndhan ko sya breadwinner sknla panganay kasi kaya bago mag baby pina unawa ko sknya na lahat mag babago. Before sya lahat bigas kurynte kahit may mga asawa n kapatid nya... So inexplain ko once na mag baby kami priority na lang papa nya... Tutulong sa mga kapatid pero di gaya ng dati tas ipon... Ayun ako na humhawak ng pera pag may need sknla sakin muna tatanong.... Basta pag usapan lang
Hindi na po makatarungan and hindi na kaintindi intindi. Same problem. Im bot working kaya kami mismo kapos na kapos. Pero todo bigay padin si hubby sa family niya. Okay lanh naman sana if madaming sobra. Pero samin palang di na enough kasi. Di ko nga sure if magkano talaga sweldo ni hubby. Wala kasi siyang pinapakitang payslip or basta withdraw lang sya certain amout at sabi yun daw sweldo nya.
Ako po nsnay n lng ako, dati kc umiiyak tlga ako dhil nga di nbibigay ng aswa ko yung dpt s baby nya, inisip ko n lng may work nmn ako at may shod, kya ako n lng binili pra s baby ko kung magbibigay cya edi thank u pag onti n nmn edi ok n din. Kya gusto ko mag work pra s baby ko pra mbili ko lhat ng need nya n di me dedepende s ibibigay ng aswa ko.
Ako saka lang sya nagbibigay pag alam nyang kailangan ko nakakainis man wala akong magagawa baka mamaya sabhin mukha akong pera. Sa parents nya lagi nagpapadala halos kalahati ng sahod nya . Dku alam kung kailan kami magiging priority ni baby. My work naman ako kaya Ok nalang tas di naman kami pinapabayaan sa pagkain. 19 weeks preggy.
No. dapat kayo na unahin nya kaya nga sya nga asawa para bumuo ng pamilya. Hindi pa pala sya tapos sa obligasyon nya di sana di na muna nagpamilya. Ok lang magbigay kung sobra sobra budget nyo pero kung kayo naman nawawalan eh masama na yun. Talk to your husband at ipaintindi nya na may anak na sya.
Sa tingin ko ok lang as long as di kayo nakukulangan ng budget. Kami ng asawa ko before kami ikasal nagpapadala talaga sya for his family. Pero sya na din mismo nagsabi once na lumaki ang family namin syempre kami na priority nya. Wala naman sigurong masama if once in a while magbibigay sa family nya.
Feel kita.. masakit lang isipin.. minsan iniisip ko sana hindi muna sya nagpamilya kung ganun lang din gagawin hindi ko naman iniiwas na magbigay sya pamilya nya yun e.. yung sa akin lang dn naman . Dapat alam na nya ang priority sa important . Nakakainis lang kasi ..
No sis. I mean don't get me wrong, understandable naman if nag bibigay sya ng onting tulong, but kelangan unahin and I prioritize nya ang sarili niyong pamilya. Hindi na muna siya dapat nag pamilya kung may duty pa pala siya sa family nya na mag provide.
Andeng Muller