just ask
Kaintindi intindi ba na mas malaki pa ang binibigay na budget ng inyong mister sa pamilya nya kesa sainyo ng baby mo? Na mas uunahin pa nya ang gustong pangangailangan ng pamilya nya kesa sa mga mas importanteng kelangan para sa pamilya nyo? Tama pa bang umintindi?
Kasal po ba kayo? Kc kung kasal na kayo hinde talaga tama kayo dapat ang Priority na niya. Kung hinde naman pa kayo kasal dapat kayo parin ang First Priority niya kc may anak na kayo kayo parin ung Pamilya niya.. Kaya lang may mga magulang na pag hinde pa kasal ang kanilang anak na lalaki ay hinde nila un iniintinde na may Pamilya na anak nilang lalaki at ung asawa morin hinde pa niya talaga maisip na May asawa na siya kahit na may anak na siya iniisip kc nila na sa kasal lang matatawag na Pamilyado sila. Galing ako diyan ung kailan magrabahi ako kahit may sakit kc laging nakamonitor ung pamilya niya kung hinde ba ako pabigat sa anak nila. At ung asawa ko ganun din although binibigay naman niya sa akin lahat ng sahod niya pero napapriority oarin niya pamilyan niya kaya tagahawak lang ako kahit piso hinde ako kumukuha at lagi din kami share sa bahay pinapakita din niya sa pamilya niya na parang housemate lang kami na hinde ako nakaasa sa kanya sakit diba.. Ang masaya pa diyan pati sa trabaho niya ay astang binata din kc nga hinde pa kami kasal noon. Pero ngayon kasal na kami Priority parin namin pamilya niya pero hinde na katulad ng dati simula pa din noon hinde ako nakikialam kung magpadala siya sa pamilya niya sabi ko lang sa kanya na siguraduhin niya pagdating ng araw na siya mangangailangan ay matakbuhan niya ang pamilya niya kc sabi ko hinde naman masamang magbigay dahil magulang mo yan peto dapat magtira para sa sarili oh para sa pamilya niyo.
Magbasa paparang d naman ata maganda na may pamilya nang sarili e mas priority pa ung pamilya nya, di masama mag abot/bigay paminsan minsan kung may sobra, pero kung ndi naman kaya y force ang sarili makapag abot? kung ang natitipid nya is sarili nyang anak and pamilya.. never naman pagiging madamot ang wala ka maiabot, and sana sa side ng pamilya ng guy naintidihan din nila mismo yung sitwasyon ng anak nila this time, na sana sa knila na manggaling na wag ka na masyado mag ano samin unahin mo ung sa pamilya mo mag ipon kayo para sa anak nyu, kasi sa totoo lang po, gnyan magulang ng hubby ko, never ko nadinig un humingi, and sila nag sasabi lagi na d na kelangan magbigay, manlibre kung sahod, o mag abot kung meron, unahin muna ako pang vitamins ko pag kain ko habang nag bubuntis ako, makapag tabi para sa bata gamit panganganak gatas and following gastos. kung ikaw nga po naiintindi mo, sana sila dn mismo, pag napaliwanagan naman nila anak nila, susunod nmn yan and para dn malaman na nya ano responsibilities nya na di mo na dpat pa ineexplain sa knya... again di masama magbigay, basta meron. and di pag dadamot ang wala maiabot..
Magbasa paKahit gaano ka ka-maunawain mapupundi ka sa ganyang sistema. Kapag nag asawa kana lalo pag lalaki pinakauna na sa list mo sarili mong Pamilya tho hindi naman masama na magbigay talaga sa Magulang kasi nga magulang nga. Pero hindi naman ok yung inuuna pa talaga sila tas kinakapos kayo mismong Mag-ina that’s not fair. Kausapin mo asawa mo at ipaunawa mo na dapat KAYO na ang priority nia dahil kayong magina nia ang makakasama na nia pagtandan nia, di masamang lingunin ang Magulang Dahil obligasyon nating mga anak yon, pero sa kaso mo dapat kayo lang talaga ang pinakauna sa lahat. Kung dka nia kayang unawain bigyan mo nang ultimatom, aba hindi naman pwede yung ganyan ano. May trabaho kaman o wala obligasyon niang kayo ang mauna sa lahat. Kausapin mo sia mabuti mag inarte ka o mgdrama ka chos! Haha. Maiintindihan nia yan basta daanin mo sa magandang usapan.
Magbasa pawell for me oo okay lang na mas malaki ang binibigay ng mister ko sa magulang nya kc kung hindi naman dahil sa kanila eh hnd magkakaroon ng magandang buhay mister ko, okay lang sakin ang SAPAT kht hnd kalakihan bsta hindi kulang para sa baby ko, hnd ko naman din pwedeng iasa ung sarili ko sa mister ko kc taung mga babae di naman tau pinalaki ng magulang natin para umasa sa mister ntn... kaya dapat bago nag aasawa or nag bebaby make sure ntn na may enough savings tayo na pansarili lang ntn in case na makaasawa tau ng walang kwenta, batugan, madamot or what... kaya be patient nalang muna sa kung ano kaya ibigay ng asawa mo... :) for sure d naman tatagal na ganyan palagi... for the mean time lang muna... makakabawi din asawa mo sayo.. intindihin mo lang..
Magbasa paDepende nalang po cguro. Baka nman po may nkalaan na plan c mister para sainyo ni baby. Kung naibbgay nman po ni mister ang sapat na pangangailangan nio ni baby, cguro mas lawakan nio pa po pang unawa nyo. Baka po kase kailangan lang ng pamilya ang tulong nya tlga lalo na ng magulang. Baka tinatapos lang ni mister ung dapat maayos sa pamilya nya. Sooner nman po pag ok na ang lahat. Kayo nman po ang giginhawa at tuloy tuloy na po ang pag sagawa ng inyong plans para sa sarili nio pong pamilya na binuo. Pwede nio nman po kausapin c mister about budgeting. And baka mas need din po ni mister na maintindhan nyo po yung ginagawa nya.
Magbasa paYour husband should explain why is it so. Lahat ng pera na pumapasok sa pamilya nyo ay pera nyong dalawa dahil mag-asawa kayo (kung kasal kayo ha.) Nevertheless, he should provide your needs first kasi pinili nyang bumuo ng sarili nyang pamilya. Biblical po yan. There should be an explanation why he is giving more of his earnings to his family. You deserve to know it. Then if the reason is valid, respect it. If you find it unreasonable let him know. You should also think of your family's future.
Magbasa paHindi ok. Dapat pag may pamilya na tamang suporta na lang sa mga magulang o kapatid. Di naman pwede na pagbawalan natin hubby natin kasi pamilya nha yon. Pero ako po kinakausap ko kmsi hubby. Sinasabi ko sakanya yung dapat na priorities nya lalo't may sarili na syang pamilya. May mga kapayid at magulang kasing abusado ag makasarili, gusto nila sa kanila lang. Di man lang marunong mag isip at umunawa. Kaya di nagkalasundo madalas ang asawa at in laws dahil sa ganyan. Kala mo inagawan sila. Hayst
Magbasa paNung bagong kasal kmi ganyan asawa ko inoobliga sya ng nanay nya na magbigay. Tapos mababasa ko sa chat na para sa luho lng nmn mapupunta or kaya ibibigay kung kanikanino ang pera kesyo daw mapera ang tingin sa kanila at nag abroad dati ang mister ko.. halos lahat ng sweldo napupunta sa pamilya nya at allowances nya lang. Pero nung kinausap ko at sinabi kung bumalik na lang sya sa nanay nya natauhan saka pinaiintindi ko na yung sweldo ko nga di nmn napupunta sa parents ko..
Magbasa paAko naman pag d nagbigay hubby ko, ang dami dami na nilang sinasabi. Kaya hinahayaan ko na lang kahit kame ang mawalan ng budget. Gusto pa ng family nya na doon kame tumira.. Jusko, isang araw nga lang kame sa kanila, ubos agad 4k namin. Kame lahat gumagastos, ni piso wala silang ginagastos. Akala nila ang laki ng kita ng anak nila e. Pa gig gig lang naman sya. Due date ko na nitong October pero parang nakikipag sabayan pa sila sa gastos. Every week humihingi.
Magbasa paAko nga binibigyan na sya ng partner ko at kapatid ng partner ko every sahod bali 10k per month ata nakkuha nya. Tapos pag may pera yung partner ko tulad ng nakakota sya sa work nya. Kelangan meron ren sila. Tapos pag hindi nabigyan sasabihin "swerte naman ng anak mo, sa kanya lahat binubuhos pera". Nakakainis. Parang di binibigyan.. Di nalang ako naimik kase sa kanila ako nakatira. Pero sana maisip naman nila na nag iipon kame para kay sa pag labas ni baby
Magbasa pa