Work from home grab order victim
Kailangan ko ng tulong niyo mga mamsh Lumalapit po ako sa inyo upang humingi po ng tulong upang makapagpuhunan ng negosyo at makaahon sa pagkakabaon sa utang. Nagkaroon po ako ng maraming utang dahil sa pagbabakasakali kong kumita ng pera gamit ang cellphone. Ito po ay ang bagong nauuso ngayon at naglalabasan sa tiktok na work from home na sa una ay nagbibigay talaga ng pera at kumikita ng malaki. Noong una ang 300 pesos ko po ay naging 500 pesos. Isa itong website na kailangang maggrab ng orders kuno at pagkatapos ay bibigyan ka ng commissions. Mayroon pong quota na tasks bago makapagwithdraw. Sa hindi ko po namamalayan, malaki na po ang nailagay kong pera, pero hindi ko pa po natapos ang mga task at wala na akong kakayanan na humanap ng pera para dito. Nais ko lang po sanang humingi ng tulong upang bayaran ang mga inutangan kong lending dahil ako po sa ngayon ay housewife lang at walang pinagkakakitaan dahil sa hirap ng buhay. Sana po ay matugunan ninyo ang aking hiling. Hindi ko na po nais ipagpatuloy ang nasabing online job, bagkus ay nais ko na lang pong mamuhunan ng maliit na tindahan upang magkaroon ng pagkakakitaan matapos makabayad sa aking pinagkakautangan. Ang mga sumusunod po ang aking mga pinagkakautangan dahil sa aking pagaarimunhan sa pera na akala ko ay maiibalik ko pa: Tala app- Php2200 Gcredit- Php2500 Homecredit- Php18500 Sana po ako ay matulungan ninyo sapagkat alam ko po na busilak ang kalooban ninyo. Isa po akong biktima ng grab order scheme.