Humingi Ng Tulong

Hello po mga kapwa ko FTM, Gusto ko lang po sana humingi ng tulong sa inyo para sa baby ko wala pa po kase syanh mga gamit dipa po ako makabili gawa ng wala pang trabaho yung asawa ko 21 yrs old po ako at 7months nang buntis nagalala po ako para sa Baby ko pag lumabas kase wala po akong maipapagamit sa kanya, ang tanging meron lang po ako ngayon ipang pirasong baru-baruan na hingi ko po sa mga kakilala ko na nanganak, naawa napo ako sa asawa ko kakahanap ng work ngayon pero wala padin pong tumatawag na pagtatrabahuan nya, sana po may makatulong po sa akin dito sa App nato pasensya napo sa abala kosa inyo gusto ko lang po talaga humingi ng konting tulong para po sa baby ko.

Humingi Ng Tulong
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

may mga magulang naman po siguro kau, na pwede muna kaung suportahan. Dpaat po kasi pinaplano ang pagb-baby, kasi sa totoo lang po talagang malaking gastusan yan.

VIP Member

Okay na po yung ilang pirasong barubaruan. Breastfeed po paglabas ni baby para di na kailangan magbote and bumili ng milk. For diapers naman po, use lampin.

Related Articles