Privacy

kailangan bang may privacy ang mister nyo? Like, nagagalit asawa ko kapag naoopen ko messenger nya, wala daw syang privacy! Agree po ba kayo mga momsh?? Lagi ko kasi syang nahuhuli magsinungaling sakin noon pa. Hindi siya marunong magsabi or magpaalam. Kung hindi ko pa mahuhuli, hindi sya magsasabi. Tapos nagbubura ng convo. Kabit ako pero not literally na inagaw/ karelasyon ko sya habang sila pa nung asawa nya. Yung asawa nya ang nagloko at iniwan siya. masama loob ko kpag makikipag kita/inuman siya sa bilas nya, mag delete convo ng gc kasama hipag, makikita ko kase magsesend ng pic nya with his ex wife. Nasasaktan ako, andmi ko kasing what ifs! kaya nagagalit sya, wla dw aq tiwala, natatakot lang aq?

65 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kapag mag asawa na wala na yang privacy na yan! Yan ang sabi sakin ni hubby simula nung kinasal na kamì kasi takot akong hawakan cp nya dati dahil baka magalit pero mali ako. Sya mismo nakikipag palit ng cp minsan kung ano nalang mahawakan parehas naman may games na nilalaro nya like ML. Account nya sa google yan gamit ko. Sabi ko sa kanya wala na syang privacy pero sinagot nya. Nakilala mo na pamilya at barkada ko pati ibang classmate ko dati nakilala mo na teacher ko halos lahat na tapos ultimo kalyo ka sa paa ko nakita mo na tapos hihingi pa ko ng privacy kapag mag asawa na wala na yun kasi iisa nalang tayo..

Magbasa pa