Kuwentong Kilig

Kailan ka huling pinakilig ni hubby? Ano'ng ginawa niya? Yiheeeee...

Kuwentong Kilig
158 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

actually Yung last talaga nuon pang mag jowa palang kami. ginawan pa nga ako ng kanta hahaha.. paglipas ng panahon nawala ung parang magjowa style na Pa sweet2 mga gnun naging mas serious para bang pa matured.. nuon nagtatampo ako pero ngayon Hindi na naisip ko Kasi nd narin Naman talaga kami mga bata pa. at mayrong mas importanteng bagay na pagtuunan ng pansin kesa Ang mag inarte ako na kesyu nd sya sweet sakin.. naisip ko stress n nga sya sa work pag uwe pa ba sa bahay mag iinarte pa ba ko sakanya na nd sya sweet sakin at maging dahilan pa ng tampuhan at away.. parang para sakin ay parang childish ganun.. pero Hindi Naman kami cold sa isa't-isa actually ako pa nga Ang mahilig mag cuddle at magkiss sakanila na mag ama ko. kaya ako nalang nalapit sakanya. parang dadaan Lang ako sakanya sabay ikkiss ko na sya ihhug ko na sya. natutuwa din sya duon nkikita Kong kahit ppaano nbbawasan ko stress nya sa work .. okay Lang na nd na ganun ka sweet katulad ng dati importante Masaya kami ngayon kahit Wala ng kilig2.. practical at be matured enough para intindihin Ang sitwasyon. pero Kung nd n mga sweet tpos may iba pa iba n un hehe

Magbasa pa

nung bday ko..nag make xa ng vedios ng fave song nami with pictures namin..tapos post nya sa fb..with makalaglag panty na caption but i know di nya ugali yun kaya nah ask ako..ayun tawang tawa pinagawa nya daw sa kasama nya sa barko at yung caption copy paste pa sa ibang post nakita nya hahahahahaha but atleast he tried..buntis daw kasi ako.πŸ₯΄πŸ₯΄πŸ₯΄ kinilig na lang din ako atleast nag effort mag copy paste🀣

Magbasa pa

kahapon lng birthday q kc kahapon sabi nia straight daw cia so expected walang ganap gulat aqo aga umuwi mga 2 pm time nia kc 7am to 8pm dapat cia yun pla nakipag palit lng sa schedule sure happy q kahapon cia ng luto ng pancit at bumili ng pizza 😘😘😘

VIP Member

Hahaha almost everyday. Bigyan lang ako ng food kilig na ako. 🀣πŸ₯° Lalo na ngayong magkakababy kami mas excited pa siya sakin. Madalas din kausapin baby namin bago matulog . Natuwa nung naramdaman niya na gumagalaw. Excited na daw siyang may makalaro ng PS4 niya. hahaha

Kahapon lunch time. First time nmin lumabas at kumain.xa tuwang2x xa nabbntay kay lo tapus ako full-time teacher sa araw at may part time din sa gabe.. Kya ngayun lng kmi nklabas.. C lo iniwan ko sa kpatid. Ang hirap pa la no.. Ung iniisip mo c lo palage.. Haha.

VIP Member

As always, sa mga simpleng gestures lang nya like nagpapakita ng concern at pinaparamdam yung love nya sobrang naaappreciate ko yun at sa mga bagay na yun kinikilig na ko πŸ˜πŸ€—

kanina lang hahaha.. always naman xa nag-aadvice skn na wag ako magpapakapagod.. simpleng paalala pero super touch para skn kase d nya nakakalimutang alalahanin ako

Kanina. He has this way of greeting me pag nagigising ako sa morning. He would say the sweetest "good morning" and "I love you" habang yakap ako ng mahigpit. Ang saya ng gising ko araw-araw. 😊

every day with matching fruits and foods pag sinabi kong parang gusto kumain ng ganito bili agad siya πŸ˜… every hour laging may i love you na chat kahit nasa work 🀣

madalas stress ung alam niyang pagaawayan niyo pero sige pa din gagawin pa din abnormal lang tapos mangaasar na toyoin eh siya gumagawa ng ikakagalit mo muntanga lang