Abortion ?

Kahit saan naman tingnan, mali talaga ang abortion. Kahit pa naging legal 'yon sa ibang bansa, hinding-hindi magiging tamang paraan ang abortion. Naiinis ako na kinakaya nilang pumatay ng sarili nilang anak, hindi nila binibigyan ng pagkakataon na makita ang mundong ginagalawan natin. Kaya nastrestress ako sa mga nagpopost dito na nagpapalaglag lalong-lalo na sa mga walang kwentang dahilan. Nakakadismaya. Di pa natin sila hinuhusgahan, kahusga-husga na ang ginagawa nila. Naiintindihan ko yung iba na natatakot kasi ang agang nabuntis, wala sa plano, natatakot sa magulang, natatakot masira ang pangarap. Ganyan din naman ako, maaga ring nabuntis, napatigil sa pag-aaral, natakot din sa magulang at sa mga sasabihin ng tao. Pero kahit kailan diko naisip na ipalaglag ang baby ko. Nung ginawa ko ang tama, naging okay ang lahat. Magaan sa pakiramdam. Kaya sana sa mga nagpaplanong magpaabort, maawa kayo sa baby niyo. Karapatan nilang mabuhay.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

True... Pagdating ng PANAHON na gustuhin na nila magkaanak Hindi ipagkakaloob.. nasa huli Ang pagsisi...

5y ago

Totoo pooooo.

VIP Member

Agree..