18 and pregnant

Kabuwanan ko na po ngayon. And sobrang stressed and depressed ko na masyado. Di na ako makakain at makatulog ng maayos. Palagi na lang ako umiiyak. Mas pinapa worse pa ng family ko kase walang tigil sa pagdada about sa pagkakamali ko. Di ko na alam gagawin ko, parang gusto ko nang mag give up pero kakayanin para kay baby. How to handle this stress and depression po? Tsaka paano ko po ba maiiwasan isipin yung mga sinasabi ng ibang tao? ?

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Philippians 4:6-7 New King James Version (NKJV) 6 Be anxious for nothing, but in everything by prayer and supplication, with thanksgiving, let your requests be made known to God; 7 and the peace of God, which surpasses all understanding, will guard your hearts and minds through Christ Jesus. ------ Pray lang tayo sis. Pagpepray din kita. 😊 Dumaan din kasi ako sa ganyang sobrang stressed. Kahig 25 na ko ngayon at buntis, ang hirap sabihin sa parents kasi feeling ko madidisappoint ko na naman sila. But He listens. Keep your faith lang. Hindi madali alam ko pero magiging okay din ang lahat. Wag na masyado isipin sinasabi nila. Mahalaga e kung anong relasyon niyo ni baby. Masama mastress ha. 😘

Magbasa pa
VIP Member

Kung kailangan mo ng kausap para mabawasan ang bigat na nararamdaman mo, pm mo lang ako. Same name sa fb. 😘 Wag mawawalan nv pag asa. Isipin mo na hindi na to para sa iyo lang. Kailangang magpakatatag kasi dalawa na kayo. Laban lang. 😘 Wag mo masyado dibdibin mga sinasabi nila. Labas lang agad sa kabilang tenga. Ifocus mo sarili mo sa mga positive thoughts. I know ang hirap sa ngayon, pero eventually makakayanan mo yan. Believe me, dumaan na ko sa ganyan kaya I know. 😊

Magbasa pa
6y ago

No prob! Basta be strong ha. Nararamdaman din ni baby ang nararamdaman mo. Nagkamali ka lang, pero hindi ibig sabihin niyan e wala ka ng kwentang tao. Ipakita mo na kaya mo kahit di nila gusto kung anong sitwasyon mo. Tiwala lang be. 😊

Wag mo masyadong isipin ganyan din aq dati.. Peru naging strong aq para sa baby q.. 36weeks pregnant na rn as ngayon.. At tanggap na rn nlang lahat.. Wag mong isipin yung sa family mo matatanggap naman nla yan paglumabas na baby mo.. Kaya ngayon magpakalakas ka para sa inyung dalawa.. Isipin mo baby mo..mas masakit pa kunq mawala ang baby magsisisi ka talaga😊 Ok.. Wag ma stress mommy kasi pag malungkot ka malungkot din c baby.. Kausapin mo sya.. Kantahan mo

Magbasa pa
6y ago

Haha ewan.. Ganyan ang life ngayon ei.. Kaya wag mo clang intindihin..kasi d cla nkakatulong sayu.. Kundi ikaw lang mismo mka intindi sa sarili mo😊

nako sis same sitwasyon kaka 19 ko lang and 37 weeks na ikaw sis? kaya naten to sis malalagpasan din naten to tulad nga nga sabe nila pag lumabas na si baby mawawala na yan lahat ng galit nila hooping buti nga ikaw buong fam mo nakaka alam saken mother and sisters ko lang and till now tinatago ako uuwi nalang ako pag nanganak na ako and my baby is doon muna sa BF ko oh diba mas mahirap pa nga sitwasyon ko sayo kaya naten to sis

Magbasa pa
6y ago

38 weeks na po ako tomorrow. Nagtatago ako sa family ko for almost 2 months kase alam kong mangyayari to, dun ako sa boyfriend ko nagstay pero kinuha nila ako dun. Tapos eto lang para mararanasan ko dito. It makes me hate my family. 😔 Tapos ngayon gusto nilang lumaki yung baby namin na walang tatay kay mas nakakadagdag ng depression. Ayaw kong lumaki yung baby ko na walang tatay. 😔 Ang unfair lang para sa boyfriend ko, marami na syang naisakripisyo na opportunities para sa amin ng baby namin tapos ganito lang pala. 😭

Pray sis.totoo yan.it works..wag mo isipin sinasabi nung ibang tao..i will pray na matanggap ng family mo kase kailangan mo talaga yun..in my case,ganyan din nung una sakin family ko..pero inendure ko hanggang sa tinanggap din nila sitwasyon ko..ang pagkakamali ko..36 weeks na ako next week and excited na sila kay baby ko..prayers lang ginawa ko sis.

Magbasa pa
6y ago

Always praying po. Pero mahirap din po talaga. 😭 Wala man lang ako makausap buong araw kaya sobrang nakakadepress. They all hate me. 💔

Ngayon lang yan sis... paglabas ng baby mo magiiba din yan sila.. di nila matitiis ung baby.. at kung ako sayo sis maglibang ka wag mo isipin ung problema makaka apekto pa yan sa inyo.. mas okay kung may nakakausap ka lagi para malabasan mo sama ng loob at may magpapasaya din syo

6y ago

Ganyan talaga hindi ksi nila lubos maisip na nangyari sayo... 18 din ako nung nag buntis sa panganay ko sis... masakit sa kanila sobra dahil iisang babae ako samin.. lahat ng pangarap nila para sakin gumuho bigla ng nalaman nilang buntis ako... galit iyak sama ng loob kahit d ako pansinin tiniis ko lang... pero nung tumagal tagal ayun ok na lalo na nung nakita na nila apo nila.. kaya lakasan mo lang loob mo.. mahal ka nila hindi lang nila pinapahalata.. kasi baka iniintay din nila na lumapit ka sa kanila..

Simple lang wag mo pansinin lahat ng sinasabi ng ibang tao ! Wlaa namn matutulong sayo mga yun jusko .. pinapastress mulang sarili mo at ang baby mo .. iwasan mo mga bagay o tao na di namn importante para less stress... Yes its hard but you have to be strong para sa baby mo

6y ago

Opo. ❤️

Isipin mo you have to be strong kay baby. Anything you feel mararamdaman yun ni baby. Kaya you have to discipline yourself. Oo napa aga ang pagbubuntis mo. Pero walang kasalanan si baby and your baby deserves to feel na welcome siya sa buhay mo kahit di man sa lahat ng tao.

6y ago

Yes po.

kawawa ka naman mommie, basta eto tandaan mo. you will be more blessed by god for carrying a life inside you. gift of life yan eh at maswerte ka isa ka sa nagdadala ng buhay na bigay nia. always pray lang po, everything will be alright.

6y ago

Yes po. Biggest motivation para sakin si baby. ❤️

Sana sis wag mo damdamin masyado, para di maapektuhan si baby. Need po kumain. For the sake of your baby wag mo po masyado entertainin negative vibes

6y ago

isipin m lng po baby mo sis 😊😊