Safe po ba kapag naka condom and withdrawal method padin ang ginawa? Kinakabahan po kasi ako.

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mukhang bata ka pa at hindi pa handa sa responsibilities kaya ka kabado kaya kung magkaroon ka ngayong buwan aralin muna ang mga contraceptive methods. Mahirap magka-anak ng hindi pa handa. Enjoyin ang pagkabata dahil masagwa na magparty kapag matanda na. Mahirap na rin mag-travel at masakit na agad sa katawan kaya yung mga dapat na ineenjoy mo ngayong bata ka, yun muna ang iprioritize. Ngayon, dahil hindi ka naman mababantayan ng parents mo 24/7 at posibleng maulit yan dahil nagawa na. Always practice safe sex. Kapag sinabihan ka ni guy na ayaw nya ng may condom, wag kang pumayag unless nag-pipills ka. Kapag makulit, hiwalayan mo na. Isang gabi na pagtatalik, ilang taon mong paghihirap. Kami nga dito na mga handa na, nahihirapan pa sa 1st trimester, mas lalong ikaw sigurado dahil haharapin mo galit ng magulang mo pati panghuhusga ng ibang tao kaya laging magdalawang-isip bago gawin ang isang bagay. ☺️

Magbasa pa