βœ•

Pamahiin ng matatanda

Ka-nanay's out there.. Oct 23 6am in the morning, may pusang meow ng meow sa gilid ng bahay namin (bakanteng lote). Kuting. Di pa sya makadilat, di pa din makalakad. Baby'ng baby pa. Nung una di ko pinapansin kasi baka kako iniwan lang saglit nung nanay na pusa. Then lumipas ang oras kinahapunan until oct24 panay ang ulan. Pero andun pa din yung kuting so nahabag na ko kasi kung tao nga giniginaw sa sobrang lamig, yun pa kayang kuting. Hindi ko alam kung paano ko sya makukuha kasi mataas ang bakod namin. Wala rin access para makapasok dun. Oct24 ng gabi sobrang lakas ng ulan, hindi ako pinatigil ng konsensya ko kasi yung kuting andun pdin. Puro putik na at walang masilungan. Marami ng nakapansin pero ni isa walang tumulong. Oct25 ng umaga wala akong naririnig na meow, then i saw the cat andun padin at nanghihina na. Imagine 2days syang walang kain at tinitiis yung ginaw basang basa pa ng ulan. So nagdecide ako na kunin na sya. Buti nalang at tinulungan ako ng asawa ko. Gumawa sya ng pwedeng ipangkuha sa kuting. (Dustpan at kawayan pinagdugtong) And finally, nakuha na namin sya. Agad akong naghanda ng matutulugan nya at tubig na may hot water para paliguan sya. After nyang mapaliguan binalot ko sya ng damit na di na ginagamit then saka ko sya nilagay sa isang box na may sapin magsisilbing tulugan nya mula ngayon. At ayun, comfy na yung feeling nya dun di na din sya umiiyak (meow) at nakatulog na sya. Nung tanghali na, pinainom ko sya ng gatas using dropper. Then tulog ulit, nung gabi na gatas ulit sya. Thank God di na sya kagaya nung nakaraang araw na iyak ng iyak, nakakainom na din sya ng milk kahit paano may laman na tyan nya. Today oct26 habang pinapainom ko sya ng milk dumaan yung kapitbahay naming matanda. Sabi nya ano daw bang hawak ko? Sabi ko "pusa po" Sabi ng matanda, "bitawan mo yan, buntis ka baka maging kamukha ng anak mo yan" So ako hindi ako naniwala, tinuloy ko pa din pagpapainom ng milk sa kuting at pinatulog ko na sya. Guys, kayo ba? Naniniwala ba kayo don? Seriously hindi ako mahilig sa pusa, tbh dog lover ako. Hindi ko kinuha yung kuting para paglihian or what. It's just that awang awa ako sa kuting so gusto ko syang alagaan until lumakas at lumaki sya then saka ko sya ilelet go pag kaya nya na mag isa. Saka matagal na kong hindi naglilihi. 8months pregnant na ko ngayon. Nahabag lang talaga ako sa kuting kaya tinulungan ko. Syempre may buhay din naman sila at dapat inaalagaan din Just wanna know your opinion guys if naniniwala kayo sa sinabi ng matanda naming kapitbahay?

13 Replies

Sad to say, naglet go na si kahel kahapon 😭 hindi ko alam kung bakit. After ko sya painumin ng milk pinalitan ko pa yung higaan nya at sinanitized ko. After nun hinayaan ko sya matulog para makapag rest, from 1pm to 5pm wala akong meow na naririnig. so chineck ko sya tapos nagtaka ko bakit di nagbago posisyon nya at nakanganga na sya. tinitigan ko tummy nya if humihinga pa, paghawak ko wala na 😭 matigas na sya 😭😭😭Naiyak at nalungkot talaga ko nung nakita kong wala na sya pero wala naman akong magagawa baka hanggang dun lang talaga sya. Sana mas maaga ko sya nakuha para hindi sya nabilad, naulanan, gininaw at nagutom ng 2days dun sa pinagkuhanan ko sa kanya 😒 Run free kahel ko, Iloveyou 🧑

awww πŸ˜” poor kitty.

VIP Member

Nasa sayo po yan mommy kung naniniwala ka sa mga pamahiin, ako nung buntis ako pinaglihian ko yung balot, isaw, paa ng manok and my baby looks normal at kamukha ko ng lumabas. Nasa genes po yung magiging hitsura ng anak nyo, I respect pamahiin pero may iba kasing pamahiin na ewan.

actually di po ako mapamahiing tao, nabother lang po ako ng very light sa sinabi po ng kapitbahay namin kasi naisip ko agad yung kuting kawawa naman kung papabayaan ko nalang din basta basta.

VIP Member

Wag po kayo mag alala mommy, wala naman pong ambag ang pusa sa paggawa kay baby kaya di siya magiging kamuka ng anak mo. Hehe. Kidding aside, ingat nalang po momsh ha, mabaho dumumi yan. πŸ˜…

haha Hindi ako naniniwla. pero ingat pa rin. practice good hygiene. may sakit n nakukuha sa dumi Ng pusa. . Lalo sa langaw n dumapo sa dumi Ng pusa and dadapo sa food at utensils natin.

hindi yan momsh kase ako naadik ako sa panood ng mga dogs noon halos araw araw gusto gusto ko manood ng mga aso hindi naman nag kakatotoo yun. naawa kalang talaga sa pusa

not true po mommy basta nag ingat ka sa paghawak hawak sa kanya. sad naman that he passed away din after you took care of him. bless you mommy

nakakalungkot po talaga, thank you po. God bless you too po.

no po mommy. kasi dati din yung japanese spitz namin kinagigiliwan ko Rin yung mga anak nya dati yung tipong ayaw muna bitiwan hehe

di po yan totoo πŸ˜† pero bawal ka po mag linis ng poop nung cat kase may bacteria daw po na di maganda para sating mga buntis.

eto nga pala yung kuting. I gave him a name "Kahel🧑"

okay po noted, thankyouu πŸ™‚

wag kang maniwala sa kapitbahay nyo momsh pamahiin lang yun

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles