Pamahiin ng matatanda

Ka-nanay's out there.. Oct 23 6am in the morning, may pusang meow ng meow sa gilid ng bahay namin (bakanteng lote). Kuting. Di pa sya makadilat, di pa din makalakad. Baby'ng baby pa. Nung una di ko pinapansin kasi baka kako iniwan lang saglit nung nanay na pusa. Then lumipas ang oras kinahapunan until oct24 panay ang ulan. Pero andun pa din yung kuting so nahabag na ko kasi kung tao nga giniginaw sa sobrang lamig, yun pa kayang kuting. Hindi ko alam kung paano ko sya makukuha kasi mataas ang bakod namin. Wala rin access para makapasok dun. Oct24 ng gabi sobrang lakas ng ulan, hindi ako pinatigil ng konsensya ko kasi yung kuting andun pdin. Puro putik na at walang masilungan. Marami ng nakapansin pero ni isa walang tumulong. Oct25 ng umaga wala akong naririnig na meow, then i saw the cat andun padin at nanghihina na. Imagine 2days syang walang kain at tinitiis yung ginaw basang basa pa ng ulan. So nagdecide ako na kunin na sya. Buti nalang at tinulungan ako ng asawa ko. Gumawa sya ng pwedeng ipangkuha sa kuting. (Dustpan at kawayan pinagdugtong) And finally, nakuha na namin sya. Agad akong naghanda ng matutulugan nya at tubig na may hot water para paliguan sya. After nyang mapaliguan binalot ko sya ng damit na di na ginagamit then saka ko sya nilagay sa isang box na may sapin magsisilbing tulugan nya mula ngayon. At ayun, comfy na yung feeling nya dun di na din sya umiiyak (meow) at nakatulog na sya. Nung tanghali na, pinainom ko sya ng gatas using dropper. Then tulog ulit, nung gabi na gatas ulit sya. Thank God di na sya kagaya nung nakaraang araw na iyak ng iyak, nakakainom na din sya ng milk kahit paano may laman na tyan nya. Today oct26 habang pinapainom ko sya ng milk dumaan yung kapitbahay naming matanda. Sabi nya ano daw bang hawak ko? Sabi ko "pusa po" Sabi ng matanda, "bitawan mo yan, buntis ka baka maging kamukha ng anak mo yan" So ako hindi ako naniwala, tinuloy ko pa din pagpapainom ng milk sa kuting at pinatulog ko na sya. Guys, kayo ba? Naniniwala ba kayo don? Seriously hindi ako mahilig sa pusa, tbh dog lover ako. Hindi ko kinuha yung kuting para paglihian or what. It's just that awang awa ako sa kuting so gusto ko syang alagaan until lumakas at lumaki sya then saka ko sya ilelet go pag kaya nya na mag isa. Saka matagal na kong hindi naglilihi. 8months pregnant na ko ngayon. Nahabag lang talaga ako sa kuting kaya tinulungan ko. Syempre may buhay din naman sila at dapat inaalagaan din Just wanna know your opinion guys if naniniwala kayo sa sinabi ng matanda naming kapitbahay?

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

myth. alagaan mo kung anong gusto mong alagaan mamsh haha

Wala lang masabe ung kapitbahay nio meses 😅

Hindi yun magiging kamukha ng anak mo mommy.