tahi
ka momshie sa mga normal delivery na natahi like na hanggang pwet? gano po katagal naghilom ang tahi nyo ano po best na gamot pra mabilis maghilom ang sugat sakit pa dn kc ang hirap 1mos. and week na po medyo maga pa huhu

Sa akin mommy 2 weeks medyo naging okay naman na. Nakaka ere na ako pag nag popo. Nacocontrol ko na din muscle sa may pwet ko. May niresita sa akin ob ko for 1 week after delivery na antibiotic cefalexin. Pero dumudugo parin daw tahi sa labas. Yung sa loob daw okay na. Kaya niresitahan nya ako ulit ng antibiotic na mahal. 2k plus yung pang 1 week 3x a day. Ika 17 days na ngayon simula nanganak ako. Tapos gumagamit din ako ng betadine fem wash. Ang ginawa ko bumili ako ng plastic bottle na pang spray at nilagay ko betadine dun since masakit nga yung tahi. At 2 times ko ginagamit. Iniispray ko tuwing umaga pag pee ko at pag naliligo ako. Di pa naman sya totally healed pero di na gaanong masakit. Punta ka sa ob momshie at pa check ka baka na infection kaya di pa namamaga.
Magbasa pa