Team July here,5 mos already tanong ko lang po kung madalas bang gumalaw c bb ?

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same po 5 months , and yes po apaka likot na ni Baby sa tyan ko lalo kapag gabi po then kapag kinikiss ng hubby ko tummy ko titigil sya sa kalikot pag umalis na hubby ko maya maya balik na naman , ako lang ba yung may baby na ganito pero nagre response naman sya kapag kinakausap ni Hubby tyan ko

2y ago

kapag kinakausap naman sya ni hubby responsive sya sige nyang galaw galaw pero yung sipa nya ako lang nakakaramdam unlike kapag kausap ko sya kita mong gumagalaw puson area ko sa likot nya sabi tuloy ni Hubby favoritism tayo nak ahh hahahaha , pero before kay hubby lang sya malikot at responsive eh sakin wala masyadong movement

Yes mommy, madalas din baby ko gumalaw lalo na pag wala akong ginagawa like naka-upo o naka-higa ako. Nagigising din ako sa madaling araw para umihi kasi sumisipa siya sa tyan ko. Ma-iinterupt ang tulog ko. Pagkinakausap namin siya ng daddy niya nag reresponse na ng sipa sa tyan. Baby boy po ang sa amin.

Magbasa pa

yes mi,sobra galaw niya. visible narin yung paggalaw niya kitang kita. mas malikot din po siya pag nakatihaya ako. totoo po ba kaya na healthy si baby pag magalaw po?

Minsan akala po natin hindi nagalaw si baby pero gumagalaw daw po sa loob. Kapag gutom ako, kapag nakahiga nagpapahinga sa gabi doon ko madalas ramdam galaw niya.

Yes po yung sakin madalas na syang gumalaw 🥰🥰 Lalo na pag na feel na nya na andyan na ang daddy nya parang masaya din sya sa loob 😊

yes po mie..madalas po gumalaw c baby ko sa bandang puson ko nararamdaman minsan nagugulat ako bigla hehe🥰.. 21 weeks na din po ako mie.

5mos preggy din here mommy.yes mommy lalo kapag nakahiga ako tapus kinakausap siya ni hubby lakas ng galaw niya sa puson ko...

Yesss! hahaha nakakatuwa nga e sobrang likot na sa loob ng tyan ko kambal pa yung saken kaya mayat maya may ngalaw 🥰

5 months preggy din ako opo madalas din po sakin gumalaw Lalo na kapag naka tihaya ako matulog hehe

sken mommy sobra dalas nya gumalaw bandang puson ung tipong mapapaihi kna lhan sa sobrang kulit nya