CHUBBY BURITTO HEHE

January 26, 2020 Via Emergency CS 3.36kgs 40weeks 2 days Hi everyone! Finally nakaraos na! Thank you Lord. Meet our baby girl Heaven Klaire. ❤️ January 24 niyaya ako ng mga pinsan ko na mag korean food daw kasi para daw makatulong ang spicy food sa paghilab ng tiyan para mag labor na daw ako, so ayun gora ako... ? Inorder nila lahat ng maanghang. After nun, wala pa din... January 25 whole day umalis ako sa bahay nagpaka busy busy pumunta ako sa haus ng pinsan ko, doon ako tumambay ng whole day. Akyat baba ako sa hagdanan nila. So wala pa din signs of labor hanggang sa nakauwi na lang ako sa bahay ng 6pm. January 26 ng 12:30am sa himbing ng tulog ko bigla ako nagising dahil na feel ko may biglang tumutulo sa pempem ko, my gosh! My water broke! ? So, relax lang ako.. punta ako sa CR hala biglang lumakas and yung tubig napansin ko color green, at may nabasa ako sa google kapag color green meaning naka poop na si baby and delikado. Pero relax lang ako.. tinawag ko agad si hubby, tinawagan ko din si mama na timing doon natulog sa tita ko, biglang drive agad sila papunta sa bahay. Nakarating kami sa hospital ng 12:47am, dami pa interview pagdating ko sa ER. Contact pa nila OB ko, I texted my OB din. In-IE nila ako sa ER hala close pa din ? ano yun ... So, dumating na si OB , in-IE ulit ako 1cm na daw, ahhh.. at least my improvement ? Nararamdaman ko din yung contractions every 5mins yata. Grabe ang sakit, pero 1cm pa lang ha, and mataas pa daw si baby. Nag decide si OB na i-CS na ako, sabi ko hala go na. Kasi time is Gold. Hehe! Hindi ko na alam anong oras ako pinasok sa operating room, basta ang alam ko gising ako the whole duration ng operation. Narinig ko na lang "baby out , baby out" tapos biglang iyak si baby..... Waaaaaaaahhhh!!! What a relief! Napa THANK YOU LORD ako! OHMYGOOOSSSHH! I can't believe. Tapos pinakita na nila agad si baby sa akin, ahhhh... ?????? Pagkatapos nun, nakatulog na ako. Nilabas ako sa operating room ng 6:50am. Super worth it!!! I'm still here sa hospital pero no dextrose na and kahapon pa sana ako discharge kaso sabi ni doc today na lang daw kasi obserbahan nya muna yung pain reliever na pinainom sa akin kung allergy pa din ako. But baby is still nasa NICU , mag stay pa siya ng 7days kasi nag antibiotic nakakain na daw kasi ng poop. Huhuhu. Please pray for my baby Heaven Klaire. ❤️❤️ Hanggang dito na lang muna... I will not leave this app, kasi ang laki ng tulong nito sa akin and sa mga momshies na naka interact ako dito may mga natutunan din ako sa inyo. God bless sa atin. ❤️ Ooooppss! Any tips pala paano magka gatas kasi until now wala pang lumalabas na milk sa akin. Huhuuhu. HELP! ?

CHUBBY BURITTO HEHE
65 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

First week mahina tlaga milk. Pero don't worry marami ways para magka milk. Consider mo rin ang mixed feed. Meaning kung kulang ang gatas mo mag formula ka pero wag mo i-let go ang pagpapadede ng breastmilk. Ganyan ginawa ko. Then nung 2nd week nag start ako mag electric pump. Kahit masakit every 2hours nagppump ako. Konti lang nakukuha ko 1oz per breast. Then etong pang 3rd medyo dumami na. 2-3oz na nakukuha ko per breast. Then pinapa latch ko pa rin si baby kasi matakaw siya kulang sa kanya ang 2oz per feed 😂 Ngayong week din nagstop na kami sa formula. Very important ang pag eestablish ng milk supply. Pag okay na milk supply mo nothing to worry. Wala na ko iniinom pampagatas ngayon. Lagi nalang ako umiinom ng maraming tubig. Mas okay kung maligamgam. Then sa umaga hot milk. Sa gabi hot choco.

Magbasa pa
5y ago

Thank you momsh sa info. Big help! ❤️❤️

Sa wakas mamsh nakaraos kna! Cute ni baby,congrats!! I-pump mo nalang since nasa nicu pa si baby mo. Or kapag kasama mo sya unli latch lang lalabas din yang milk mo. Ganyan din ako day 2 na yata nung lumabas milk pump lang ako ng pump tapos ipadede kay bebe. But now, mix ako kasi mahina milk supply. Congrats ulit

Magbasa pa
5y ago

Thanks momsh ❤️❤️

Tiyaga sis ginawa ko pasip lng tapos iniipit ko yung nipple then sabayan breast pump finally may gatas na ako natulondi man ganun kalakas pa pero may napapainom ako mix na kay baby tiyaga pa para mag full open para madami gatas ansakit pero kakayanin masarap kasi mag breast feed na feel ko na hehe

Same tayo ng case pero si baby hindi na pinagantibiotic.healthy nmn sya, sabay kami nakalabas ng ospital. Ako nga lang nagantibiotic kasi nakatae na rin sya sakin. Pumutok n rin water bag ko pero 1cm pa rin. Thank you Lord. Magiging okey rin si baby mo.

VIP Member

Ipadede mo Lang sa baby mo magkakaroon din Yan ganun Lang din Kasi ginawa ko Sabi Kasi Ng nurse SI baby Lang din makakapagpalabas Ng gatas natin sa breast .effective siya masakit Lang sa una pero tiis Lang mas masustansya parin Ang milk Ng nanay .

VIP Member

Ipa latch mo lang si baby sayo.. parama stimulate ung breast mo at lumabas ang breastmilk. Drink lots of fluids.. mag malunggay ka. Congratulations!

5y ago

Thanks momsh. I will ❤️❤️

Congrats mami.. Lusog ni baby kaya niya yan pray for fast recovery ni baby gusto mo na din siya makasama maalagaan na

Mag pump ka pra mag kamilk ka at ipa dede mo sa kanya lagi meron nalbas jan konti lang sakto na yun sa baby

5y ago

Pump lang muna ako, next week pa siya labas sa nicu. Thanks momsh ❤️❤️

congrats sis.. more sabaw.. like nilagang baka.. then malunggay capsule ung natalac.. cgurado yan sis..

5y ago

I will try that. Thanks momsh!

napaka cute namang baby yan.. same tayo momsh na NICU din baby ko kase nakakain ng poop