CHUBBY BURITTO HEHE

January 26, 2020 Via Emergency CS 3.36kgs 40weeks 2 days Hi everyone! Finally nakaraos na! Thank you Lord. Meet our baby girl Heaven Klaire. ❤️ January 24 niyaya ako ng mga pinsan ko na mag korean food daw kasi para daw makatulong ang spicy food sa paghilab ng tiyan para mag labor na daw ako, so ayun gora ako... ? Inorder nila lahat ng maanghang. After nun, wala pa din... January 25 whole day umalis ako sa bahay nagpaka busy busy pumunta ako sa haus ng pinsan ko, doon ako tumambay ng whole day. Akyat baba ako sa hagdanan nila. So wala pa din signs of labor hanggang sa nakauwi na lang ako sa bahay ng 6pm. January 26 ng 12:30am sa himbing ng tulog ko bigla ako nagising dahil na feel ko may biglang tumutulo sa pempem ko, my gosh! My water broke! ? So, relax lang ako.. punta ako sa CR hala biglang lumakas and yung tubig napansin ko color green, at may nabasa ako sa google kapag color green meaning naka poop na si baby and delikado. Pero relax lang ako.. tinawag ko agad si hubby, tinawagan ko din si mama na timing doon natulog sa tita ko, biglang drive agad sila papunta sa bahay. Nakarating kami sa hospital ng 12:47am, dami pa interview pagdating ko sa ER. Contact pa nila OB ko, I texted my OB din. In-IE nila ako sa ER hala close pa din ? ano yun ... So, dumating na si OB , in-IE ulit ako 1cm na daw, ahhh.. at least my improvement ? Nararamdaman ko din yung contractions every 5mins yata. Grabe ang sakit, pero 1cm pa lang ha, and mataas pa daw si baby. Nag decide si OB na i-CS na ako, sabi ko hala go na. Kasi time is Gold. Hehe! Hindi ko na alam anong oras ako pinasok sa operating room, basta ang alam ko gising ako the whole duration ng operation. Narinig ko na lang "baby out , baby out" tapos biglang iyak si baby..... Waaaaaaaahhhh!!! What a relief! Napa THANK YOU LORD ako! OHMYGOOOSSSHH! I can't believe. Tapos pinakita na nila agad si baby sa akin, ahhhh... ?????? Pagkatapos nun, nakatulog na ako. Nilabas ako sa operating room ng 6:50am. Super worth it!!! I'm still here sa hospital pero no dextrose na and kahapon pa sana ako discharge kaso sabi ni doc today na lang daw kasi obserbahan nya muna yung pain reliever na pinainom sa akin kung allergy pa din ako. But baby is still nasa NICU , mag stay pa siya ng 7days kasi nag antibiotic nakakain na daw kasi ng poop. Huhuhu. Please pray for my baby Heaven Klaire. ❤️❤️ Hanggang dito na lang muna... I will not leave this app, kasi ang laki ng tulong nito sa akin and sa mga momshies na naka interact ako dito may mga natutunan din ako sa inyo. God bless sa atin. ❤️ Ooooppss! Any tips pala paano magka gatas kasi until now wala pang lumalabas na milk sa akin. Huhuuhu. HELP! ?

CHUBBY BURITTO HEHE
65 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ang cute,, congrats mommy, lactation nyo lang po breast nyo and malunggay soup.😇😇

VIP Member

Pag b gising k during c.s.session as in wla kng mrramdamang pain.or anything

5y ago

Wala talaga momsh. As in wala. Hehhee!

Taba taba naman breast pump increase intake ng malunggay and oatmeal

congrats po. same po tayo via emergency cs din po ako ☺️

Congrats po. Sobrang cutiee ng baby buritto na yan. ❤️

😍😍..antaba taba ng pisngi..sarap kurutin..congrats!!

3.3 cs na agad sis? Yung baby ko 3.6 normal thanku lord!💗

5y ago

Kasi naka poop na siya, pumutok yung panubigan ko color green na. Kaya emergency cs talaga

VIP Member

Congratulations momshie!! Sooo cutie! ❤️❤️❤️

5y ago

Puntahan mo lang si baby lagi sa nicu momsh para maglatch.. Yun kasi ang magsstimulate ng let down.. And clam soup po! With ginger and lemongrass/tanglad. Yan po unang sabaw na nilafang ko after CS. Ika 4th day po lumabas ng dahan dahan ang milk ko 😊

Hala ang laki ni baby. 😍😍 Congrats ang cute sobra.

5y ago

Thank you momsh ❤️❤️

Congrats 😊 ang ganda ng baby,, ang chubby👶