Ang Sakit Mawalan ng Anak

January-17-2021 4am palang naglalabor na ako subrang sakit na ng tiyan ko umiiyak na ako sa asawa ko 8am pumunta na kami sa hospital ing IE ako 3cm palang daw nakiusap ako na iCS nalang nila ako kasi hindi kuna kaya pero pinauwe nila ako nung time na yan umiiyak na ako kasi yung sakit hindi kuna talaga kaya hanggang hapon umiiyak ako sa sakit nanghihina na din kaya naka alalay na sakin yung asawa ko tapos 3pm bumalik kami hindi parin nila ako tinanggap naglalabor na daw ako pag dinugo na daw ako tsaka ako bumalik pinauwe nila ako ulit nakiusap ako ulit sa kanila na iCS na nila ako kasiyung sakit hindi kuna kaya hirap na hirap na ako hinang hina pero kailangan kudaw eh Normal si baby umuwe na kami hanggang nasa bahay na kami nanghihina na ako wala na akung lakas naka alalay na sila sakin 7:30 bumalik kaming hospital ayon tinanggap na nila ako pumutok na pala yung panubigan ko puro nadin ako dugo nun sa panty ko pinahiga na nila ako pinilit inormal si Baby kahit hindi kuna kaya sa dalawang oras ko sa loob umiire isang oras at kalahati din akung naka Oxygen nun hirap siyang ilabas kaya kinakapos nadin ng hininga pinupush na ng doctor yung tiyan ko kasi hirap na hirap talaga ako na ilabas siya diku talaga siya kayang ilabas hanggang sa ing pwersa na ng doctor (lalaki po yubg doctor) yung pag push niya malabas lang si baby nalabas na nga siya pero yung tiyan ko subrang lamog na lamog na pag labas niya hindi na siya humihinga pero my heartbeat pa siya nung time na narinig ko yung doctor kahit hinang hina na ako at pikit na pikit na pinilit kung imulat yung mata ko para makita yung lagay niya sinusurvived siya ng doctor nung time na yun dinala na siya sa NICU tinawag na nila yung asawa ko para my mag pump kay baby sa loob ng NICU kasi nilagyan na siya ng Tubo buong gabi andon ang asawa ko nakabantay at nagpapump kay baby ako wala akung kasama sa higaan ko hindi alam ang nangyayare buong gabi gising nagdadasal . Jan.18 pinapunta namin ng hospital yung kapatid ko nagpa swabtest muna siya bago nakapasok sa hospital para my kapalitan yung asawa ko para my magbantay na din sakin at kay baby palitan sila Jan.18 3pm nakaya na niya yung Oxygen nakakapaglikot likot nadin siya subrang likot na nga ehh hanggang 11pm ng gabi tinawag ulit yung asawa ko kailangan daw niya ipump ulit si baby ganun nanaman yung sitwasyon nila ng kapatid ko palitan every 2hrs Jan.19 pinalabs na ako ng hospital pero bawal pa ako umuwe kasi magpapadede pa ako pag okey na si baby kaya ayon kahit bagong panganak nasa labas lang ako ng hospital sa kubo kubo 9pm time na ng kapatid ko nagpalit na sila ng asawa ko sa pagpapump paglabas ng asawa ko sa NICU sumuko na si baby pinalabas lang niya yung daddy niya ang hirap ang sakit hindi nila alam kung pano uumpisahan na sabihin sakin yung nangyare kay baby kasi tulog ako nung time na yun hanggang sa narinig ko yung asawa ko siya yung nagsabi sakin Kasi kailangan na ako sa NICU para sa pepermahan ang Sakit hindi namin alam kung pano mag Uumpisa ulit Nawalan kmi ng 1st Baby 😭😭 Masakit para sa isang ina ang hindi mo manlang naalagaan ang baby mo 😔 #1stimemom #firstbaby

333 Replies

Condolence po, Rest well baby😭 Naalala ko nanaman yung panganganak ko 5 months ago grabe ding kalbaryo ko na pinipilit ng ibang doctor na inormal ako kahit sabi ng OB ko na iccs nya ako kasi maliit ang sipitsipitan ko. Protocol ng hospital na hanggat walang komplikasyon, hindi pwede ics kahit hirap na hirap kn ang masakit pa pinahirapan nila si baby. Pinaire din nila ako ng pinaire. 21hours labor grabeng sakit sa pakiramdam. Nakipagtalo pa OB ko para lang ics na ko kasi bumababa na heartbeat ni baby. Awa naman ni papa God naligtas nya kami, ECS. hay. Bakit ba may mga doctor na ganyan. Nakakaiyak.😭

ganyan talaga sa public dun dun napabayaan ung anak ko. pinacofine agad ako ng doctor after makitang paubos na ung tubig ni baby mahina na ung heartbeat pero nung naconfine na ko Walang nag asikaso sakin anggang mawala ung heartbeat ung baby ko.nag rerequest kami ng CS para maligtas pa sya total 7months na sya pero hindi kami pinagbigyan.anggang nawala na sya.linabas ko syang matigas na.kaya ngaun binalik sya ni papagod samin nag private na ko kahit mapagastos kami ng sobrang Mahal basta maging safe Lang baby namin 🥺 Condolence mommy🥺 pakatatag ka Lang babalik din sya sau ni papagod tiwala lang

I lost my first baby on Christmas Day of 2019 due to an accident. I was at my 38th week back then. Our little angel saved our life. Of 15 people na sakay sa AUV, kami lang ni baby namalmaan, at si baby ang nagbuwis ng buhay. Pinilit pa ng doctor nq inormal ko si baby kahit wala ng heartbeat. Nagpumilit pa kami makalipat ng ospital para lang maemergency CS ako. Had it been late, magkasama na siguro kami ni baby kasi durog yung placenta e. It's been a year and I'm better now and expecting for our second already. I hope you get better soon. Condolences .

momsh ftm dn po ako team june-july ako.. ako po ay mselan ang klgyan ko, sbe sken ni oB once dko kyanin mag Normal pde daw ako mgpa ospital for cS ako nman daw nag decide ble sa lying in pa kse ako for now.. by march ako cguro li2pat sa public hospital.. anyways condolence po momsh.. for me may kakulngan ata ung hospital? for emergency kna.. sna pina confine nlang kesa pina balik2 pa, sbrang sket po nian na naisilang mo nsya msigla sya sa womb mo tpos mwwla sya kng kelan naisilang mo na miske ako sbrang naiiyak sa ngyre sau momsh.. dpat ireklamo ung hospital

jusme, ang sakit 😭 hindi ko alam gagawin ko kung sakaling nangyari sakin yan, 9 months mong dinala tapos mawawala lang sayo 😭 mabuti na lang safe kami lalo na si baby kahit na sa public ako nanganak, hindi ako pinabayaan ng mga nurse pero grabe sermon kasi wala akong swab pero after naman nun inasikaso na nila ako, hay momsh condolence 🙏🏻😭 kayanin mo momsh binabantayan ka na ng baby mo ngayon magpakatatag ka para sa kaniya, wag kang gagawa ng bagay na ikasasakit niya, be strong lang momsh 🙏🏻🥺

Condolence mommy ☹️ I feel you. Ang sakit mawalan ng anak. 2019, nagpreterm labor ako 23 weeks. Nadepress ako non kase 1st baby rin namin sya. Then now, nalaman ko didelphys uterus ako tapos need ko ulit iraspa kase walang heartbeat si baby. 2nd baby na sana namin, nawawalan na rin ako pag asa pero pray lang tayo momsh. Maybe, di pa natin time. Everything happens for a reason. Di naman tayo bibigyan ni lord ng pag subok na hindi natin kaya. In God's will, magkaka healthy baby rin tayo

same tau.. nawalan dn ako ng baby last Oct. 1, 2020.. sobrang sakit mawalan ng anak.. kahit na sabhin na moveon na dhil may 1 pa daw akong anak.. d lang nla kung gano kahirap mawalan ng anak.. pero pinpilit ko parin till now magmoveon.. pero d parin maiwasan na d ako malungkot o umiyak.. miss ko na cya.. ni d ko man lang cya nayakap, nahalikan, nakarga o naalagaan.. 😭 pero laban tau momsh.. para maging happy cla sa heaven.. playmates na mga angels naten sa heaven..👼💜

condolence po 😢😢 public hospital pu ba kayo. nanganak o private? para tuloy nakakatakot mag public hospital khit gustohin mu magpaCS na cla pa may ayaw kala naman hindi mababayaran 😢 don pa naman samin may mga case na ganyan, baby ng ate ko muntikan na din puro turok pampahilab lang ginawa sa kanya kase hindi humihilab tyan nya pero pumutok na panubigan nya nong sinugod sya, ayaw sya ipalipat ng ibang hospital kaya tinakot ng tyahin ko, ayun sinugod sa ibang hospital tas naCS sya don, hays!

dapat cs kna tlga may tendency d nakaya ni baby ung labor un sabi saken ng ob k nun kaya cs na nya ako

Stay strong mommy. Nakakaiyak kase ako kakapanganak ko lang din nitong January 26, and nakakain na ng poop ung baby ko. Medyo nahirapan din sya huminga nung una kaya need ioxygen. Pero thanks God naging okay na sya until now. Un nga lang panay antibiotics. Habang binabasa ko post mo can't help but to cry. Pero kaya mo yan sis. Pakatatag ka. May reason ang lahat. Pray lang and stay strong. Alam naming mga mommy's ung burden mo. Kaya lakasan mo lang loob mo.

Siguro kung hindi ako nag prenatal sa exact date na dapat check up ko baka nawala din si baby. Kasi emergency CS ako yung nanay ko kasi nagsabi sa doctor na iCS ako. No sign of labor ako. Dapat kasi i-induce ako pero sabi ni nanay CS na lng kasi baka hindi ko din makay kung normal delivery. Hanggag sa na stress na si baby sa loob nanghihina na yung heart beat niya kaya ayon agad-agad akong pinasok sa OR para ma CS. Condolence po mommy and sa family

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles