Ang Sakit Mawalan ng Anak

January-17-2021 4am palang naglalabor na ako subrang sakit na ng tiyan ko umiiyak na ako sa asawa ko 8am pumunta na kami sa hospital ing IE ako 3cm palang daw nakiusap ako na iCS nalang nila ako kasi hindi kuna kaya pero pinauwe nila ako nung time na yan umiiyak na ako kasi yung sakit hindi kuna talaga kaya hanggang hapon umiiyak ako sa sakit nanghihina na din kaya naka alalay na sakin yung asawa ko tapos 3pm bumalik kami hindi parin nila ako tinanggap naglalabor na daw ako pag dinugo na daw ako tsaka ako bumalik pinauwe nila ako ulit nakiusap ako ulit sa kanila na iCS na nila ako kasiyung sakit hindi kuna kaya hirap na hirap na ako hinang hina pero kailangan kudaw eh Normal si baby umuwe na kami hanggang nasa bahay na kami nanghihina na ako wala na akung lakas naka alalay na sila sakin 7:30 bumalik kaming hospital ayon tinanggap na nila ako pumutok na pala yung panubigan ko puro nadin ako dugo nun sa panty ko pinahiga na nila ako pinilit inormal si Baby kahit hindi kuna kaya sa dalawang oras ko sa loob umiire isang oras at kalahati din akung naka Oxygen nun hirap siyang ilabas kaya kinakapos nadin ng hininga pinupush na ng doctor yung tiyan ko kasi hirap na hirap talaga ako na ilabas siya diku talaga siya kayang ilabas hanggang sa ing pwersa na ng doctor (lalaki po yubg doctor) yung pag push niya malabas lang si baby nalabas na nga siya pero yung tiyan ko subrang lamog na lamog na pag labas niya hindi na siya humihinga pero my heartbeat pa siya nung time na narinig ko yung doctor kahit hinang hina na ako at pikit na pikit na pinilit kung imulat yung mata ko para makita yung lagay niya sinusurvived siya ng doctor nung time na yun dinala na siya sa NICU tinawag na nila yung asawa ko para my mag pump kay baby sa loob ng NICU kasi nilagyan na siya ng Tubo buong gabi andon ang asawa ko nakabantay at nagpapump kay baby ako wala akung kasama sa higaan ko hindi alam ang nangyayare buong gabi gising nagdadasal . Jan.18 pinapunta namin ng hospital yung kapatid ko nagpa swabtest muna siya bago nakapasok sa hospital para my kapalitan yung asawa ko para my magbantay na din sakin at kay baby palitan sila Jan.18 3pm nakaya na niya yung Oxygen nakakapaglikot likot nadin siya subrang likot na nga ehh hanggang 11pm ng gabi tinawag ulit yung asawa ko kailangan daw niya ipump ulit si baby ganun nanaman yung sitwasyon nila ng kapatid ko palitan every 2hrs Jan.19 pinalabs na ako ng hospital pero bawal pa ako umuwe kasi magpapadede pa ako pag okey na si baby kaya ayon kahit bagong panganak nasa labas lang ako ng hospital sa kubo kubo 9pm time na ng kapatid ko nagpalit na sila ng asawa ko sa pagpapump paglabas ng asawa ko sa NICU sumuko na si baby pinalabas lang niya yung daddy niya ang hirap ang sakit hindi nila alam kung pano uumpisahan na sabihin sakin yung nangyare kay baby kasi tulog ako nung time na yun hanggang sa narinig ko yung asawa ko siya yung nagsabi sakin Kasi kailangan na ako sa NICU para sa pepermahan ang Sakit hindi namin alam kung pano mag Uumpisa ulit Nawalan kmi ng 1st Baby 😭😭 Masakit para sa isang ina ang hindi mo manlang naalagaan ang baby mo 😔 #1stimemom #firstbaby

Ang Sakit Mawalan ng Anak
333 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sobrang sakit po tlga nian... i feel u mamsh dun din sa First baby ko 2 years bago tinanggap pagkawala nia at saka nakapagtrabaho naisip ko kelangan ko lumaban dahil yung asawa ko lumalaban din pra sakin at pinagdarasal ko nlng non na ibibigay ni God ang tamang baby para sa amin, naCS ako non kaya after 3years nabuntis ako at ngayon going to 7years old na Princess ko. God always has a plan. Be strong and keep praying for ur fast recovery.

Magbasa pa

Condolence po mommy..sakit po sa dibdib..kaya po nag private hospital ako nung nanganak last nov.2020 kasi dala ako sa public hirap na hirap na ako di pa nila ako pinapansin...sa private 3cm ako di na ako pinauwi kahit di pa ganun kasakit ang tyan ko minonitor na nila ako bantay talaga bawat oras...tapos oorasan ka lang gaanu katagal dapat umire at di parin nalabas si bebe automatic cs ka nila..base on my experience po sa public and private

Magbasa pa

shocks baka napulupot ung cord kay baby pero pinilit na inormal kahit hirap na si baby.. nung nanganak ako na check kaagad na humuhina ung heartbeat ng baby ko kaya na CS ako kaagad... sana nacheck muna ng pinagpaanakan mo kung ok ung heartbeat nya or kung kakayanin nya.. sakin kasi sabi ni doc pag ipilit na inormal ma stress si baby mag drop tlga heartbeat.. condolence momsh.. pray lang.. 🙏🙏🙏

Magbasa pa

Nawalan din po ako nang first baby 😭😭 15 hours lang po namin sya nakasama. Hanggang ngayon parang pa ulit-ulit pa rin akong sinasaksak kahit 4 na buwan na ang nakalipas. Wala nang mas sasakit pa kapag nakikita mo na parang okay lang ang asawa mo pero sa gabi po naririnig ko syang umiiyak. Sobrang sakit nyan mommy pero kay God ka humugot nang lakas ng loob. Kaya natin to! May awa ang Dyoa

Magbasa pa

condolence po pareho po Tayo ng pinagdaan sa unang baby ko ganun din po nangyari sakin nung 2014 sa sobrang sakit napagpasyahan namin na wag na mag anak Kasi nandoon na yung takot pero di Namin inasaan na mabubuntis ulit ako kaya nitong jan2021 nakaraos din at masaya kasi kahit mahirapan ako sa panganganak nitong sa pangalawa masaya parin Kasi malusog at maayos naman si baby.

Magbasa pa

condolence momy.. grabe pahirap sayo lalo na kay baby. i do understand bakit ayaw ng mga doctor magCS kasi may covid pero sana kapag nirequest na ng patient na magpaCS, pagbigyan na nila because tayo yung nanay, tayo nakakaramdam. kapag kasi hirap na ang mother, apektado din si baby. nadistress siguro siya sa loob palang dahil na rin sa hirap ka na.

Magbasa pa

Kaya ayaw ko sa public hospital... Naglalabor n aq ng gabi pero pinaabot ko p ng umaga n manganak... Tinxt ko ob ko diretso kn ER sabi nia... Un pla maccs n aq kc mabilis n heartbeat ni baby... Buti nlng sa private hospital aq kht mahal ang bayad pag alam nilang nasa alanganin na d kna nila pababayaan..and now my baby is 1month na..

Magbasa pa

condolence po mommy.. pakatatag ka, I know how it feels na mawalan ng anak, sobrang sakit at nakakabaliw. Mag 2 months na in heaven ang baby girl ko 1st born din. Ano man yung sakit na nararamdaman natin idulog natin lahat kay Lord, kausapin natin Sya at wag tayo mawalan ng pananalig sa Kanya..

condolence po mommy ifeelyou po nawala din panganay ko august 18 2020 sobrang nakakapanghina po to the point na parang galit na galit kana sa buong mundo😩pero alam ko po na ibabalik at ibabalik agad sila satin tulad po ngayon pregnant po ako ulit stay strong mommy malalagpasan mo din po yan

☹️☹️☹️😭😭😭 grabe po ngyri sa inyo..di po b un kpbyaan ng doctor un..?sorry ah dhl sa kwento mo po parang may mali dn sa part nila(doctor)..ikaw n ngrequest n i cs k pero di nila gnawa..baka nkaapekto po un..condolence po .kaya niyo po yan..😭😭🙏🏼