"SINO ANG KUMATOK?"

JAN 22, 2021 10:00PM Kami lang dalawa ng anak ko sa bahay. Mahimbing na ang tulog ng baby ko habang ako naman ay nagpapalipas ng oras sa kalalaro sa cellphone ko. Lahat ng ilaw ay nakapatay na except nalang yung ilaw sa CR namin. Hinihintay ko din kasi ang asawa ko galing sa work niya at alam kong 11:00PM pa sya makakauwe. But suddenly... *Dugdug* *Dugdug* (Knocked door) May kumatok sa pinto namin at napaisip ako napakalakas naman. Habang ako ay nagpapadede sa anak ko, sabi ko naman "Love sandali lang.. akala ko ba mamayang 11PM ka pa uuwe." Ngunit walang sumagot sakin at tila natahimik ang paligid. Nagtataka din ako kung bakit wala akong motor na narinig na dumating. Biglang nagring ang phone ko, yun pala ang asawa ko ang tumatawag at sabi niya baka 12MN na sya makakauwe kasi mag-inventory pa daw sya. Doon na ako nagtaka. "Sino ang kumatok sa pinto?" "Buti at hindi ko binuksan." JANUARY 22, 2021 10:30PM Nagchat ang tita ko na nagbabantay sa lolo kong na-hospital. "Yel wala na si papa" Natahimik ako at napaisip... "Siya kaya ang kumatok?." #MagandangGabi

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

๐Ÿ˜ฑ๐Ÿ‘ป๐ŸŽƒ๐Ÿ˜ฑ