I miss my baby everyday...

Jan 20,2020- "your baby's heart just stopped" that's the worst news a mother may hear from her OB... Oo mga mamsh, biglaan na lang huminto ang heartbeat ni baby ko.. 32weeks pregnant ako nun.. prior that day, okay ang lahat, malikot si baby at kinakausap ko pa sya.. but then nanotice ko the next day di sya gumagalaw so nagpunta kami ng husband ko sa hospital at kabadong kabado na ko dahil never di naglikot si baby, noong time Lang na Yun.. sabi ko "joke Lang to baby di ba at di totoo?".. lahat ng ultrasounds, CAS and lab tests normal lahat kay baby, and pati ako healthy according din sa mga check ups ko. Wala akong manas, GDM or UTI or hypertension, even my amniotic fluid- normal.. Kaya para akong pinagsakluban ng sabihin sakin na Wala na si baby.. Stillbirth... ? Jan 24,2020-"baby out" Sabi NG OB ko and still hoping/waiting for my baby's cry pero Wala talaga ?. I delivered my stillborn baby girl via NSD thru induced labor.. Yung feeling na in pain na in pain ka for 26hrs labor pero ilalabas mo si baby ng lifeless at wala na talaga and di sya pwedeng magtagal ng sobra sa tummy ko... sobrang iyak ko nung nakita ko sya for the 1st and last time... Para lang syang natutulog... Ang Ganda, Ang puti... Ang tangkad..??? Please pray for me and my husband's recovery.. until now everyday umiiyak ako lalo pag naaalala ko ang Angel ko...

118 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Condolence po sa inyo ng mister mo. I feel you. Nawalan na din ako ng baby, first baby ko sya actually. Baby boy. Nakasama pa namin sya malakas pa, walang kaming nakikitang mali o mararamdaman na may sakit sya kase ang healthy nya eh. Malusog. Umabot pa sya ng 1month after few days bigla na lang sya nawala samin. Ayaw na lang namin sana maalala yung nangyare. Pero nagpakatatag kaming mag asawa, lumaban ulit kami, nilabanan namin yung lungkot. At eto ngayon bliness kami ulit ni god binigyan nya kami ng chance 😊 i am now 6months pregnant sa baby girl ko. ❀️ Di sya mawawala sa isip namin at lalo na sa puso dahil may angel na kami at guardian angel ang baby ko ngayon alam kong gagabayan sya ng kuya nya sa lahat hanggang sa lumaki sya. ❣️ Kaya wag po kayong mawalan ng pag asa malalagpasan nyo din pu yan ng husband nyo. FIGHTING!!πŸ’ͺ❀️

Magbasa pa