I miss my baby everyday...

Jan 20,2020- "your baby's heart just stopped" that's the worst news a mother may hear from her OB... Oo mga mamsh, biglaan na lang huminto ang heartbeat ni baby ko.. 32weeks pregnant ako nun.. prior that day, okay ang lahat, malikot si baby at kinakausap ko pa sya.. but then nanotice ko the next day di sya gumagalaw so nagpunta kami ng husband ko sa hospital at kabadong kabado na ko dahil never di naglikot si baby, noong time Lang na Yun.. sabi ko "joke Lang to baby di ba at di totoo?".. lahat ng ultrasounds, CAS and lab tests normal lahat kay baby, and pati ako healthy according din sa mga check ups ko. Wala akong manas, GDM or UTI or hypertension, even my amniotic fluid- normal.. Kaya para akong pinagsakluban ng sabihin sakin na Wala na si baby.. Stillbirth... ? Jan 24,2020-"baby out" Sabi NG OB ko and still hoping/waiting for my baby's cry pero Wala talaga ?. I delivered my stillborn baby girl via NSD thru induced labor.. Yung feeling na in pain na in pain ka for 26hrs labor pero ilalabas mo si baby ng lifeless at wala na talaga and di sya pwedeng magtagal ng sobra sa tummy ko... sobrang iyak ko nung nakita ko sya for the 1st and last time... Para lang syang natutulog... Ang Ganda, Ang puti... Ang tangkad..??? Please pray for me and my husband's recovery.. until now everyday umiiyak ako lalo pag naaalala ko ang Angel ko...

118 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sobrang sad neto, feel kita momsh πŸ˜” namatayan din ako ng baby girl, 5 mos yun , induced labor din ako kasi need kona talaga ilabas si baby , kasi nga no heart beat na siya, sobrang hirap nung labor na almost 2 days ako naglalabor. Tapos ilalabas ko lang si baby ng walang buhay , sobrang sakit sa feeling , iyak kami ng iyak ng asawa ko, namatay baby ko last feb, 10, 2019. Hirap makarecover, hirap makamoveon , pero pinilit namin kasi sabi nila, kung para sayo , para sayo. Sobrang dream come true sana yun kasi wish ko na baby girl panganay ko πŸ˜”πŸ’” pero after 10 mos momsh, nabuntis ako ulit pero this time is a baby boy, hahaha siguro hindi pa talaga para sakin yung baby girl na wish ko, thanks parin kasi kahit papaano binalik ni papa god yung baby ko 😘πŸ₯° tiwala lang momsh, ibibigay ni god yung para sayo. Basta fight lang, parehas na tayo may guardian angel πŸ’‹πŸ˜˜

Magbasa pa
6y ago

Normal lng po ba gnun mamsh wla nmn ako spotting kumikirot lng tyan ko minsan..un lng tlga.. db kc pg makunan mg spotting sakit balakang at tyan..? Hirap dn makasakay bus dto 3hrs ung interval 😭