Mahal na mahal ko asawa ko kahit Gago

Hi itago nyo na lang ako sa pangalang Elle marami nagkakagusto sakin nun dahil simpleng babae ako at maganda halos marami akong manliligaw nung college 21 na ako ngayon kinasal ako sa kanya nung buntis ako pero mahal na mahal niya ako kaso parang biglang nag iba ang ihip ng hangin ,Mahal na mahal ko asawa ko kahit napakagago nahuli ko siya tatlong beses na may kausap na babae ,katrabaho niya ,ex at ibang babae ,nung buntis ako nahuli ko siya na kalandian niya katrabaho niya at sabi niya sa katrabaho niya``Pano kung mainlove ako sayo alam kong mali pero gusto kita di lang sa maka sex "tapos sabing babae ayoko naman makasira ng relasyon nyo " basang basa ko pakikipaglandian nila tumatawag ang babae at ako nakasagot dahil tulog siya sa ka lasingan pinagmumura ko yun sa sobrang galit at tinigilan niya asawa ko tapos di ne deny niya na hindi daw siya nagtxt nun halos kilala ko mga txt niya at alam kong siya yun mag 1 year na yun at hindi mawala sa isip ko ginawa niya katarantudahan kaya lagi na ako paranoid ,Sobrang sakit sakin mga momshie kasi buntis ako nun at panay stalk niya sa ex niya at nung nanganak ako may ka chat siya babae,niyaya niya uminom PALAINOM SIYA HALOS WALA NA KAMI NAIIPON ,SINAKTAN NIYA DIN AKO NUNG LASING SIYA KASI SINAMPAL KO SIYA KASI SABI NIYA KADIRI DAW AKO NANGGIGIL AKO AT NASAMPAL KO SIYA At sinaktan niya kami ni Baby kargakarga kosibaby nun at natatamaan na din si bby kundi lang kami inawat ng biyenan ko patay na siguro ako ,pagkatapos nun nagpa comfort siya ex niya ,nakikiusap ako balikan kaming mag ina kasi mahal na mahal ko siya siya yung first bf ko at pinakasalan niya ako gusto ko siya maginglast sa buhay ko sa tuwing di niya kami inuuwian ng anak ko masakit dahil nagpapalulong siya sa alak puro na lang siya alak ,panay selos ko sa ex niya kasi magkapitbahay lang yun at nagalit siya kasi binabalikan ko yung mga tapos na daw EH HINDI NAMAN TAPOS PARASAKIN YUN KASI WALANG SAGOT SA MGA KATANUNGAN KO AT AYAW NIYA UMAMIN. Galit pa siya kakahinala ko daw papatunayan niyang maybabae siya at pinatunayan niyang may nilalandi siyang babae ngayon .Tama pa bang mahalin ko asawa ko ? ang Dami ko nang chance at umaasa ako na magbabago siya mahal na mahal ko asawa ko, alam ko balangaraw may marereliaze siya.DAHIL AYOKO NANG BROKEN FAMILY AT BABAE ANAK KO INIISIP KO PAANO NA KAMI :( AYOKO NANG SIRANG PAMILYA DIKO PINANGARAP YUN :(

86 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kaya pro ako sa live-in muna bago kasal. Ngayon ang hirap na kumawala nyan mommy. Ewan ko ba sa mga lalaki, for some reason pag natali na sila o nagkaanak na sila nagiging complacent na sila at nakakalimutan na nila ung mga promise nila nung nililigawan pa lang nila tayo.. Mommy ako ung LIP ko di talaga sya babaero, at alam ko un kasi alam ko password ng phones nya. Kahit kalikutin ko wala akong nakikita. Di din sya pala facebook, wala din syang IG. Ni tumingin nga sa babae di nya ugali. Bigla syang nagbago nung nabuntis ako, tinutulugan na lang ako ng nakatalikod sya, ni goodnight o hug wala. Minsan di na nya ko inaalagaan. Etong quarantine wala kaming katulong. At sya lang ang pwedeng bumili ng food, minsan nalilipasan na ako ng gutom, tulog padin sya. Wala syang pakeelam. Nagdudududa na ko kasi di naman sya ganon. Super clingy sya sakin at pinagluluto. Aun, umuwi na ko samin dahil baka mamatay na ko kakakain ng canned goods sakanila. Nilog in ko fb nya sa phone ko. Aun nahuli ko kausap ang ex at balak pa kitain kinabukasan. Eh pinablock ko na sakanya un dati. Wala syang lusot sakin at di nya talaga madedeny dahil may mga screenshots ako at nababasa ko bawat reply nya. Aun chinat ko sya sabi ko masarap kausap ex mo? Tapos minura mura ko sya at sabi ko sakanya di na nya kami makikita ng anak nya. Ang sakin kasi once na lokohin mo ko o pagbuhatan mo ko ng kamay. Kahit isang beses lang, di ako magdadalawang isip na iwanan ka. At kaya ko talaga syang iwanan dahil may small business naman ako. Makakaraos kami ng anak ko kahit wala sya. Aun. Todo sorry sya sakin. Punta ng punta sa bahay namin at sinusuyo ako.. Advise ko lang mommy wag mo pakita na dependent ka sakanya. Pakita mo na you can be happy mawala man sya o hindi. Tignan mo mababaliw yan ulit sayo. Ganyan yang mga lalaki eh. Pag lumalayo ka na sila naman ung naghahabol. Be strong mommy. Kaya mo yan.

Magbasa pa