Mahal na mahal ko asawa ko kahit Gago

Hi itago nyo na lang ako sa pangalang Elle marami nagkakagusto sakin nun dahil simpleng babae ako at maganda halos marami akong manliligaw nung college 21 na ako ngayon kinasal ako sa kanya nung buntis ako pero mahal na mahal niya ako kaso parang biglang nag iba ang ihip ng hangin ,Mahal na mahal ko asawa ko kahit napakagago nahuli ko siya tatlong beses na may kausap na babae ,katrabaho niya ,ex at ibang babae ,nung buntis ako nahuli ko siya na kalandian niya katrabaho niya at sabi niya sa katrabaho niya``Pano kung mainlove ako sayo alam kong mali pero gusto kita di lang sa maka sex "tapos sabing babae ayoko naman makasira ng relasyon nyo " basang basa ko pakikipaglandian nila tumatawag ang babae at ako nakasagot dahil tulog siya sa ka lasingan pinagmumura ko yun sa sobrang galit at tinigilan niya asawa ko tapos di ne deny niya na hindi daw siya nagtxt nun halos kilala ko mga txt niya at alam kong siya yun mag 1 year na yun at hindi mawala sa isip ko ginawa niya katarantudahan kaya lagi na ako paranoid ,Sobrang sakit sakin mga momshie kasi buntis ako nun at panay stalk niya sa ex niya at nung nanganak ako may ka chat siya babae,niyaya niya uminom PALAINOM SIYA HALOS WALA NA KAMI NAIIPON ,SINAKTAN NIYA DIN AKO NUNG LASING SIYA KASI SINAMPAL KO SIYA KASI SABI NIYA KADIRI DAW AKO NANGGIGIL AKO AT NASAMPAL KO SIYA At sinaktan niya kami ni Baby kargakarga kosibaby nun at natatamaan na din si bby kundi lang kami inawat ng biyenan ko patay na siguro ako ,pagkatapos nun nagpa comfort siya ex niya ,nakikiusap ako balikan kaming mag ina kasi mahal na mahal ko siya siya yung first bf ko at pinakasalan niya ako gusto ko siya maginglast sa buhay ko sa tuwing di niya kami inuuwian ng anak ko masakit dahil nagpapalulong siya sa alak puro na lang siya alak ,panay selos ko sa ex niya kasi magkapitbahay lang yun at nagalit siya kasi binabalikan ko yung mga tapos na daw EH HINDI NAMAN TAPOS PARASAKIN YUN KASI WALANG SAGOT SA MGA KATANUNGAN KO AT AYAW NIYA UMAMIN. Galit pa siya kakahinala ko daw papatunayan niyang maybabae siya at pinatunayan niyang may nilalandi siyang babae ngayon .Tama pa bang mahalin ko asawa ko ? ang Dami ko nang chance at umaasa ako na magbabago siya mahal na mahal ko asawa ko, alam ko balangaraw may marereliaze siya.DAHIL AYOKO NANG BROKEN FAMILY AT BABAE ANAK KO INIISIP KO PAANO NA KAMI :( AYOKO NANG SIRANG PAMILYA DIKO PINANGARAP YUN :(

86 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag sana madamay baby girl nio sa kalokohan ng asawa mo :'( Dapat nag titino na sia kase babae anak niya e hays! Naalala ko tuloy nung first na nagbubuntis ako. Yung lip ko di naman siya tlaga babaero, nagkaka crush sa iba oo, at inaamin nia sakin yon pero nung lumipat sia ng ibang work, my mga nakilala siya na bagong tropa. At feeling ko dun sia naimpluwensyahan. Mabilis kase maimpluwensyahan lip ko e. Di ko naman siya inawat makipag kaibigan kase di naman tlaga yon pla labas ng bahay at di pala barkada. Hindi rin sia palainom. Ang bisyo lang nia yosi at dota. Pero dumating s point na, napapabarkada na sia, ung mga kawork nia lagi nia kasama, minsan di sia pumapasok, nag iinom sila, wala na dn siyang time skin. Di na rin sia tumatawag skin pg breaktime nia. Yun pla may nagugustuhan siyang ibang babae. Ang dami niyang ginawang kalokohan, binigyan ko sia ng chance, pero wala pa din pagbabago. Hanggang sa nakikipag hiwalay na dn ako kase di ko na kaya e. Inaantay ko sana na sia na ung unang bumitaw pero ayaw nia. So namamangka sia s dalawang ilog. Kaya ang ginawa ko tinigil ko muna ung communication namin, na pabor na pabor sknya syempre walang istorbo. Tas tinext ko siya na tinatapos ko na tlaga lahat samin sa ayaw nia at sa gusto. Pero inayos nia relasyon namin, sinubukan niya ule at dun nabuo ung panganay namin. Akala ko magiging okay na ang lahat noon pero di p pla. Buntis ako non wala na sia work kse tinanggal sia. Akala ko mg babago n sia, hindi pa palaaaaaa. My pumangalawang babae pa, ang worst don simpleng malandi ung babae. Parang sa lip ko, sinusulit nia pagiging binata nia bago tlaga maging isang lip at ama sia. kung sino2ng babae mga nkaka chat nia, hanggang sa nahuli ko. Pinagmumura ko sia kse di ko ineexpect na kaya nia gawin sakin at s magiging anak namin n saktan kame e. Pinalayas ko sia, wala akong balak makisama sknya kase ayokong ung anak namin ang magbayad s mga kalokohan nia. Pero di siya tumigil na ayusin ule relasyon namin. Syempre mahal ko tinanggap ko, nagsama kame at naging okay naman na ang lahat. Hanggang sa 5months na yung tiyan ko biglang nwala smin baby namin. Simula non hanggang ngayon nagbago n sia. Naging responsible na ule sia at hindi na dn sia nagkakagusto s iba. Ngayon buntis na ule ako sknya at 4yrs na kameng nag sasama. Going strong and smooth ang lahat kahit my mga di pagkakaunawaan. Pero never nia ako sinaktan pisikal kase kahit anong gawin nia pag nsaktan nia ako pisikal tlagang tapos na kame. At lagi kong sinasabe sknya na kung di nia kaya magtino, di ko sia kelangan s buhay namin ng magiging anak ko dahil ayoko na madamay anak ko s mga kagaguhan nia s buhay. Pero Thanks God, okay na okay kame ngayon. Grabeeee napashare tuloy ako hehehe :D

Magbasa pa