βœ•

Mahal na mahal ko asawa ko kahit Gago

Hi itago nyo na lang ako sa pangalang Elle marami nagkakagusto sakin nun dahil simpleng babae ako at maganda halos marami akong manliligaw nung college 21 na ako ngayon kinasal ako sa kanya nung buntis ako pero mahal na mahal niya ako kaso parang biglang nag iba ang ihip ng hangin ,Mahal na mahal ko asawa ko kahit napakagago nahuli ko siya tatlong beses na may kausap na babae ,katrabaho niya ,ex at ibang babae ,nung buntis ako nahuli ko siya na kalandian niya katrabaho niya at sabi niya sa katrabaho niya``Pano kung mainlove ako sayo alam kong mali pero gusto kita di lang sa maka sex "tapos sabing babae ayoko naman makasira ng relasyon nyo " basang basa ko pakikipaglandian nila tumatawag ang babae at ako nakasagot dahil tulog siya sa ka lasingan pinagmumura ko yun sa sobrang galit at tinigilan niya asawa ko tapos di ne deny niya na hindi daw siya nagtxt nun halos kilala ko mga txt niya at alam kong siya yun mag 1 year na yun at hindi mawala sa isip ko ginawa niya katarantudahan kaya lagi na ako paranoid ,Sobrang sakit sakin mga momshie kasi buntis ako nun at panay stalk niya sa ex niya at nung nanganak ako may ka chat siya babae,niyaya niya uminom PALAINOM SIYA HALOS WALA NA KAMI NAIIPON ,SINAKTAN NIYA DIN AKO NUNG LASING SIYA KASI SINAMPAL KO SIYA KASI SABI NIYA KADIRI DAW AKO NANGGIGIL AKO AT NASAMPAL KO SIYA At sinaktan niya kami ni Baby kargakarga kosibaby nun at natatamaan na din si bby kundi lang kami inawat ng biyenan ko patay na siguro ako ,pagkatapos nun nagpa comfort siya ex niya ,nakikiusap ako balikan kaming mag ina kasi mahal na mahal ko siya siya yung first bf ko at pinakasalan niya ako gusto ko siya maginglast sa buhay ko sa tuwing di niya kami inuuwian ng anak ko masakit dahil nagpapalulong siya sa alak puro na lang siya alak ,panay selos ko sa ex niya kasi magkapitbahay lang yun at nagalit siya kasi binabalikan ko yung mga tapos na daw EH HINDI NAMAN TAPOS PARASAKIN YUN KASI WALANG SAGOT SA MGA KATANUNGAN KO AT AYAW NIYA UMAMIN. Galit pa siya kakahinala ko daw papatunayan niyang maybabae siya at pinatunayan niyang may nilalandi siyang babae ngayon .Tama pa bang mahalin ko asawa ko ? ang Dami ko nang chance at umaasa ako na magbabago siya mahal na mahal ko asawa ko, alam ko balangaraw may marereliaze siya.DAHIL AYOKO NANG BROKEN FAMILY AT BABAE ANAK KO INIISIP KO PAANO NA KAMI :( AYOKO NANG SIRANG PAMILYA DIKO PINANGARAP YUN :(

86 Replies

Wag sana madamay baby girl nio sa kalokohan ng asawa mo :'( Dapat nag titino na sia kase babae anak niya e hays! Naalala ko tuloy nung first na nagbubuntis ako. Yung lip ko di naman siya tlaga babaero, nagkaka crush sa iba oo, at inaamin nia sakin yon pero nung lumipat sia ng ibang work, my mga nakilala siya na bagong tropa. At feeling ko dun sia naimpluwensyahan. Mabilis kase maimpluwensyahan lip ko e. Di ko naman siya inawat makipag kaibigan kase di naman tlaga yon pla labas ng bahay at di pala barkada. Hindi rin sia palainom. Ang bisyo lang nia yosi at dota. Pero dumating s point na, napapabarkada na sia, ung mga kawork nia lagi nia kasama, minsan di sia pumapasok, nag iinom sila, wala na dn siyang time skin. Di na rin sia tumatawag skin pg breaktime nia. Yun pla may nagugustuhan siyang ibang babae. Ang dami niyang ginawang kalokohan, binigyan ko sia ng chance, pero wala pa din pagbabago. Hanggang sa nakikipag hiwalay na dn ako kase di ko na kaya e. Inaantay ko sana na sia na ung unang bumitaw pero ayaw nia. So namamangka sia s dalawang ilog. Kaya ang ginawa ko tinigil ko muna ung communication namin, na pabor na pabor sknya syempre walang istorbo. Tas tinext ko siya na tinatapos ko na tlaga lahat samin sa ayaw nia at sa gusto. Pero inayos nia relasyon namin, sinubukan niya ule at dun nabuo ung panganay namin. Akala ko magiging okay na ang lahat noon pero di p pla. Buntis ako non wala na sia work kse tinanggal sia. Akala ko mg babago n sia, hindi pa palaaaaaa. My pumangalawang babae pa, ang worst don simpleng malandi ung babae. Parang sa lip ko, sinusulit nia pagiging binata nia bago tlaga maging isang lip at ama sia. kung sino2ng babae mga nkaka chat nia, hanggang sa nahuli ko. Pinagmumura ko sia kse di ko ineexpect na kaya nia gawin sakin at s magiging anak namin n saktan kame e. Pinalayas ko sia, wala akong balak makisama sknya kase ayokong ung anak namin ang magbayad s mga kalokohan nia. Pero di siya tumigil na ayusin ule relasyon namin. Syempre mahal ko tinanggap ko, nagsama kame at naging okay naman na ang lahat. Hanggang sa 5months na yung tiyan ko biglang nwala smin baby namin. Simula non hanggang ngayon nagbago n sia. Naging responsible na ule sia at hindi na dn sia nagkakagusto s iba. Ngayon buntis na ule ako sknya at 4yrs na kameng nag sasama. Going strong and smooth ang lahat kahit my mga di pagkakaunawaan. Pero never nia ako sinaktan pisikal kase kahit anong gawin nia pag nsaktan nia ako pisikal tlagang tapos na kame. At lagi kong sinasabe sknya na kung di nia kaya magtino, di ko sia kelangan s buhay namin ng magiging anak ko dahil ayoko na madamay anak ko s mga kagaguhan nia s buhay. Pero Thanks God, okay na okay kame ngayon. Grabeeee napashare tuloy ako hehehe :D

Eto lang po masasabi ko.. nalagay na din ako sa kalagayan mo mommy before..sabihin na natin kabobohan at katangahan ang sasabihin ng iba kapag nagbigay ka ng unli chances sa partner mo..pero believe me mas malala naranasan ko sayo though kahit naman naging gago dati asawa ko Alam ko deep inside mahal nya pa din ako at mga anak namin..mas bata ako sayo mommy nung nag.asawa ako 18? Sya 20 imagine? Halos dipa namin na eenjoy buhay binata at dalaga.natali kami agad kase nga nabuntis ako..sadly panganay ko yun pero nawala dahil sa sobrang stress ko.. ewan ko ba tanga na nga ako martir pa? Pero anong magagawa ko? Naaawa akong iwan sya kase feeling ko mas magiging gago pa sya lalo..so yun tiis2 nga hanggang nabuntis ako sa pangalawa at pangatlo kong baby.. pero responsable sya bilang isang padre de pamilya..kahit alam ko may mga fling2 yun di ako sumuko.. mas inasikaso at inalagaan ko pa sya.. lahat na ng pag intindi mas pinakita ko na kapag kami iniwan mo magsisisi ka dika na makakahanp ng katulad ko na kayang kaya kang unawain ano pa kamalian mo..kaso dadating talaga sa point na susuko ka din kase mag sasawa ka..nkipag hiwalay ako bitbit ko 3 anak ko sabi ko bahala kna sa buhay mo.. sana mkahanap ka ng aalagaan ka at mamahalin ka.. pero siguro nung nawala kmi sa knya na realized nya lahat ng pagkakamali nya..so ayun hinanap nya kami kase di namn nya alam kung nsaan kmi diko sinabi kahit sa byenan ko ..basta nalang kmi umalis..hanggang sa pinakita nya nagbago sya..humingi ng tawad.. sino ba naman ako mahal ko sya at alam ko mahal nya din ako pati mga anak nmin..at syempre para na din sa mga anak namin pumayag ako mkipag balikan..now okay na kami masaya pinapakita nya na todo effort para maging masaya sagana pamilya namin.. di ko po sinasabi na gayahin mo ko mommy.. kanya kanya tayo ng desisyon at paniniwala..in the end ikaw pa din makaksagot nyan kung ano na dapat mong gawin.. ako kase di ako madaling sumuko hanggat kaya ko Go ako..mas importante sakin kaligayahan ng mga anak ko.. thankful nalang ako Naawa si Lord sakin kaya lahat ng paghihirap ko napalitan ng Ginhawa.. Be strong ang always Pray po..Godbless you!

Kaya pro ako sa live-in muna bago kasal. Ngayon ang hirap na kumawala nyan mommy. Ewan ko ba sa mga lalaki, for some reason pag natali na sila o nagkaanak na sila nagiging complacent na sila at nakakalimutan na nila ung mga promise nila nung nililigawan pa lang nila tayo.. Mommy ako ung LIP ko di talaga sya babaero, at alam ko un kasi alam ko password ng phones nya. Kahit kalikutin ko wala akong nakikita. Di din sya pala facebook, wala din syang IG. Ni tumingin nga sa babae di nya ugali. Bigla syang nagbago nung nabuntis ako, tinutulugan na lang ako ng nakatalikod sya, ni goodnight o hug wala. Minsan di na nya ko inaalagaan. Etong quarantine wala kaming katulong. At sya lang ang pwedeng bumili ng food, minsan nalilipasan na ako ng gutom, tulog padin sya. Wala syang pakeelam. Nagdudududa na ko kasi di naman sya ganon. Super clingy sya sakin at pinagluluto. Aun, umuwi na ko samin dahil baka mamatay na ko kakakain ng canned goods sakanila. Nilog in ko fb nya sa phone ko. Aun nahuli ko kausap ang ex at balak pa kitain kinabukasan. Eh pinablock ko na sakanya un dati. Wala syang lusot sakin at di nya talaga madedeny dahil may mga screenshots ako at nababasa ko bawat reply nya. Aun chinat ko sya sabi ko masarap kausap ex mo? Tapos minura mura ko sya at sabi ko sakanya di na nya kami makikita ng anak nya. Ang sakin kasi once na lokohin mo ko o pagbuhatan mo ko ng kamay. Kahit isang beses lang, di ako magdadalawang isip na iwanan ka. At kaya ko talaga syang iwanan dahil may small business naman ako. Makakaraos kami ng anak ko kahit wala sya. Aun. Todo sorry sya sakin. Punta ng punta sa bahay namin at sinusuyo ako.. Advise ko lang mommy wag mo pakita na dependent ka sakanya. Pakita mo na you can be happy mawala man sya o hindi. Tignan mo mababaliw yan ulit sayo. Ganyan yang mga lalaki eh. Pag lumalayo ka na sila naman ung naghahabol. Be strong mommy. Kaya mo yan.

Kong kaya mo pag pagtyagaan yang gagu mong asawa ,so be it.tau lang din namn makakatulong sa asawa natin kong gagu ba ot anu man ang ugali nla,,,ako nga sis,may pagka gagu rin hubby ko,ganyan din sau may ka fleng2x na mha babae at nag sesekretong nag chachat sa X nya,at halos araw2x yan nagtatagay,kya lagi kami nag aaway nyan noong bagu p lang kami nagsasama,,at lahat2x ng un tinitiis ko lang fahil ayuko n maulit mkaanas ng broken family,oo sis,broken family n ako sa una kong nakarelasyon nagkatoon p nga kami ng tatlong anak kaso ndi ko n ipinaglaban un dahil pagod n ako sa set up namin noon,nag abroad kalang fahil pra sa pamlya mo tapos un nakbuntis sya ng ibang babae,nkatatlong babae n kc sya ung pangatlo ang napuruhan nya nabuntis nya kc kapitbahay lang cla,so ito balik tau sa partner ko now,un nga marami din pagtitiis ko kc ayuko n maulit muli na ma brokwn family ako ulit pero sa awa ng Dios,habang tumatagal kmi,nagbabago namn sya kc nakikita nya khit ganun sya ndi ko namn sya pinabayaan ,kahit pa pagod na ako ,galing sa trbho.nkikita namn nya lahat ng effort ko,heto sa awa ng Dios ndi na sya halos nagtatagay,bihira nlang kapg ka may okasyon,iba n namn kawiwilihan nya,mobile legendπŸ˜‚pero atleast ndi na sya ganun dati,at kong pag cnabi kong tumigil kna sa kakalaru mo ng mL,kita nya kc galit n ako,aawat n tin sya,basta malaki na pinagbago nya kysa dati😊kaya heto now 16weeks pteggy na ako,at going strong kami,kaya ikaw lang tlga makapgdesisyon kong anu dapat mong gawin sis,sana maging okey n kau,at Gudluck...

ayaw mo ng broken family? pero gusto mo bang lumaki ang anak mo sa magulong pamilya? sa panay away na magulang? sa panay inom na tatay? gusto mo bang dahil dun masira ang buhay ng anak mo? isipin mo yung magiging future ng baby mo kung magtitiis ka sa asawa mo. magtitiis kayo pareho. yung pananakit nya sayo habang hawak mo ang anak nyo napakalaking rason na nun para iwan mo sya. pano pa pag laki ng anak nyo? baka pati anak nyo saktan na nya. mahal mo sya pero diba mas mahal mo ang anak mo? kalahati ng buhay nating mga babae ang anak natin. hindi pala, sila na yung nagiging buhay at mundo natin. kung sa tingin mo na mas mapapabuti ang buhay nya ng hindi kasama ang tatay nya, then leave. wag mo munang isipin kung pano mo sya matutustusan. isipin mo na kaya mo para sa ikabubuti nyong mag ina lalo na ng anak mo. kayanin mo. iisipin mo palagi ang anak mo bago mo gawin ang isang bagay makita mo kahit mahirap pa yan magiging madali kapag inisip mo na para yun sa ikabubuti ng anak mo.

VIP Member

Move on mommy iba na po panahon ngyon kahit gsto ntin ng buong pamilya kung mismo ung mahal natin at panahon na ngsasabi ndi na kau para sa isat isa hayaan mo sya lumaya hayaan mo sya mgisip sa mundo ngyon wala ng tumatagal sa labas na relasyon lalo na may mga anak kau mapapaisip din sya at babalik sau ang landi at sex andyan lang yan d nawawala pero ang pamilya habang buhay kasama mo parehas na kau nsasakal sa isat isa at nkakapanakit na kau at yun ang ndi po mabuti bgyan nyo ng space ang isat isa at makikita mo liliwanag ang mundo mo kasama ang mga anak mo kahit wala ndi lang aq ang nwalang ng asawa madami kami pero fighter kami at pinapakita na d cla kawalan qng babalik mgpasalamat pero pag may lamat na maccra at mccra parin kapag pinag pilitan moπŸ‘πŸ» ndi lang po ikaw ang single mom sa mundo at ndi lang ikaw ang dumadanas ng ganyan mas may malala pa sau ung isipin mo πŸ‘πŸ» be positive pra sa anak mo poπŸ˜ŠπŸ‘πŸ»

Kahit ayaw mo mag hiwalay kayo dun parin patungo yan di sya masaya sayo kaya sya ganyan wag mong hayaan inaapakan ka lang nya di purkit kasal na kayo wala ka ng laya hayaan mona sya saka babae pa anak mo lalaki anak mo makikita ganyan ang relasyon nyong dalawa. Ako never ko rin pinag siksikan sarili ko sa taong ayaw na sayo. Masakit talaga lalo mahal mo sya pero kailangan mong piliin ang tama. Di na tama ginagawa nya sayo kahit may anak na kayo. Ngayon masaya nako sa ka live in ko mag dadalawa na anak namin 7yrs na kami nag sasama pero nadun parin yung lambing nya di nawala yun kahit nung una palang kami mag on ganun parin sya gang ngayon. Lalo na sa mga anak namin mas naging maalaga nga sya kasi buntis ulit ako. Makakahanap karin ng taong mag mamahal talaga sayo wag mo itali sarili mo sa taong ayaw sayo kasi sa inyong dalawa ikaw lang ang pinaka masasaktan

Happy for you sis ,salamat noted ko sinabi mo kaso ang sakit lang

Ang masaktan ako o kaya ang anak ko ang biggest no no sakin. magaalsabalutan ako oramismo. gusto mo buong pamilya kahit nasasaktan kayo magina? yan ang ikatakot mong kalakihan ng anak mo lalo nat babae sya. baka tumatak sa isip nya na kasi babae sya kaya okay lang saktan. baka inormalize nya na ang ganyang bagay. mas mabuting makita ka niyang tumayo sa paa mo para protektahan sya kesa nagpadaig sa damdamin. anong iisipi. nya? hindi sya mahalaga para sayo kasi tinitiis mo kahit sya na ang nasasaktan. kung ako yan, oras na makanti ang anak ko, maghalo na ang balat sa tinalupan. matapos kong dalhin sa sinapupunan ko ng siyam na buwan, pagpuyatan ang pagaalaga, babasta bastahin nya lang. maiitak ko yan. naku. magdidilim talafa paningin ko jan. wag mo na pairalin ang damdamin mo. you and your child should come first. kagigil ng mga taong ganyan susko.

Kung di mo sya kaya iwan, kayanin mong iignore lahat ng kagaguhan na ginagawa nya sayo. Wag mo tignan mga texts or messages sa fb nya, wag ka magstalk, unfriend mo sya, wag mo sya pansinin pag umuwi sa bahay nyo, focus ka lang kay baby nyo tapos pag may oras kana sa sarili mo magpaganda ka mommy. Iparamdam mo na hindi sya kawalan. Kung maging sweet sya bigla hayaan mo lang. Wag mo kibuin kung di naman importante. Matuto ka mag enjoy ng wala sya. Enjoyin mo ang pagiging nanay. Pag aalis sya hayaan mo lang wag mo bulyawan. Basta act like wala ka ng pakealam. Sinasaktan mo kasi sarili mo pag inaalam mo kung sino yung mga kachat at kalandian nya. What you dont know wont hurt you. Yan lagi mo tandaan. So mind your own business for now. Hayaan mo lang sya. Makikita mo, isang araw sya naman maghahabol.

Salamat noted ko yan sis ,ang sakit sakitπŸ˜₯

sad nman mommy.. para po saakin.. mahirap talaga i let go ang isang tao n mahal mu pero po kung sinasaktan kna nya at sabi mu pti baby mu dapat siguro mag pahinga muna kayo sa isat isa.. or try mu sya kausapin ng maganda ang mood nya ung bang di sya lasing.. wag ku sabayan amg init ng ulo nya .. kase wala mangyayari sa usapan nyu. minsan n din kami nag away ng asawa ko .. nag kasabayan kami ng init ng ulo kaya siguro may nasabi ang asawa ko n masakit n salita.. pag katapos nun di kami nag usap.. pero saglit lang away namin.. pinhupa lang nmin ang init ng ulo namin.. baka kailangan nyu muna mag hinay hinay.. Sa away...yaan mu muna sya.. i comfort mu sarili mu .. para maalagaan mu ng maayos ang baby mu... i pray kita mommy n maging ok n kayo ng asawa muh.. godbless sau at sa pamilya mu..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles