Kuko

Isang linggo higit na nung nanganak ako pero ayaw pa din nila akong mag gupit ng kuko. Mabibinat daw ako. Bakit nakakabinat ang pag kukuko? Ang layo naman sa bituka. Lol. Ps. Dagdag ko na din mga ibang pamahiin dito sa side ng partner ko. *2 weeks na si baby pero ayaw pa nila ipalabas ng bahay kahit hanggang sa bakuran lang mababati daw. *bawal daw ako kumain ng adobong sitaw kasi wala pa akong isang buwan na nanganak duduguin daw ako. Ewan ko din kung bakit *pag lalagay ng lipstick sa noo ni baby. Ngayon tuloy may rashes rashes na sya sa noo. Madami pa yan di ko na sinama iba

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pwede na yan momsh, mas delikado kung hindi ka mag gugupit kasi hahawak ka kay baby