Ang issues with DUE DATE

Impossible talagang mapredict exactly kung kelan ipapanganak si baby (unless scheduled CS syempre). Pero for centuries na, nagrely tayo sa tradisyon na tumatagal ang pagbubuntis ng 40 weeks mula sa unang araw ng huling regla. Ang method na ito ay gawa sa assumption na ang regla ng isang babae ay 28 days at yung conception ay nangyayari 2 weeks mula sa first day ng mens (kaya yung 40 weeks ay kasama yung 2 weeks bago magconceive meaning wala pang nabuo sa first 2 weeks na yan). Ngayon kasi most providers use LMP (last menstrual period) or a first trimester ultrasound para ma-compute ang due date. So ang due date na ito ay ginagamit as a guide kung kelan pwedeng maipanganak si baby, pero dahil maraming factors involved, mas nagiging stressful tuloy na mag-identify ng range like the “due date.” Only 4-5% ng mga babies ang pinapanganak on their due dates. Ayon sa mga pag-aaral ang haba ng normal, healthy pregnancy ay pwedeng mag-iba by up to 5 weeks at most babies ay pinapanganak between 37 and 42 weeks. Ang average length of pregnancy, kapag nagsimula ito ng kusa, ay 40 weeks and 5 days. Pero tandan nyo na average ito, hindi sya rule or a guideline na dapat masunod. May mga babies kasi na handa ng lumabas sa mundo ng mas maaga at yung iba naman need some extra time para maging ready. Bukod pa sa iba iba din ang needs ng bawat baby, ang daming variables that makes dating na hindi sakto, like kelan ba ang conception date, yung menstrual cycle length etc. Kung healthy naman ang mommy at baby, mas magandang maging pasensyoso sa paghihintay at hayaan na kusang mag-on ang labor. Just make sure na idiscuss ang options nyo sa provider nyo kapag lumagpas kayo sa due date nyo. Ako kasi for my patients, lalo na kapag nasa 40 weeks or more na, ang main issue ko ay dahil mas matagal ang baby na tumira sa loob ng matres, pwedeng mas malaki ito like 4kg or more. Sa kainipan kasi kaka-antay mag-on maglabor, nag-stress eating usually. 🤣 I handled as long as 42 to 43 weeks pregnancies. Healthy naman ang baby at clear ang amniotic fluid (ang dami kasing naniniwala sa inyo na nagpu-poop na ang baby pag lumagpas sa due date, pero hindi naman lahat). May mga nagnormal din as long as good size. Kaso most ay big babies na nakatingala pa. Madalas kasi ang mga babies na nakatingala ay start stop-start stop ang labor. Nahirapan ang babies na umayos kaya madalas kailangan tulungan through exercises. Kaya tumatagal sila past due date. Kayo mommies, what do you think about waiting past your due dates?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

OB po kayo?