Natatakot ako magsabi sa lolo at lola

Hello im nami 19 yrs old opo murang edad palang buntis po ako.. Wag naman po sana mag judge pero alam ko pong kasalanan ko rin po ang nangyari.. Ako po ay single mom na sa dinadala ko ngayon almost 7 weeks and 2 days na po akong buntis.. Gusto ko po sana humingi sa inyo ng advice upang mapalakas amg loob kona magsabi na sa aking lolo at lola.. Naduduwag po kase ako magsabi sa kanila dahil nga po sa murang edad at nag aaral po ako ng second yr college expect Po nila na uunahin ko muna pag aaral ko bago ang lahat ..Pero baka magalit sila ng sobra sa nangyari kung aking sasabihin na dahil sobra po Sakripisyo nila sakin.. sa kanila po ako lumaki at magkahiwalay na Po ang mama at papa ko may Dalawa po akong. Kapatid na. Mas bata sakin na dapat ako ang magpapaaral pagtapos ko mag aral Ako po ay panganay.. pero nasira ko nagkamali ako kaya sana sa app na ito ay matulungan po ninyo kong lakasan yung loob ko kasi ang hirap po para sakin na may tinatago sa magulang? nahihirapan po ko magpaliwanag ?

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Be brave and tell them. 19 years old din ako at panganay na kapatid, ang pinagkaiba lang natin nabuntis ako nung malapit na ako grumaduate, pero hindi ibigsabihin nun ay may lakas akong magsabi dahil katulad mo wala parin akong napapatunayan nun. Takot din akong magsabi dahil sa laki ng extended family ko ay takot ako makarinig ng masasakit na salita sa kanila, at dahil dun ay imbis na sabihin ko ay kusa nalang nilang nalaman dahil unti unti ng lumaki tyan ko. Yun nga lang malapit na akong manganak ng malaman nila pero di sila nagalit dahil buntis ako pero dahil hindi ko sinabi agad sa kanila. Magkahalong galit at sakit ang naramdamanan nila pero ang tanong na diniin nila sakin ay "Bakit di mo sinabi agad?" at un ang bagay na wala akong masabi sa kanila na mas lalong hindi sila masasaktan. Tandaan mo 'to either way, malalaman at malalaman din nila 'yan kaya hanggat maaga pa ay ipaalam mo na para magabayan ka nila.

Magbasa pa