Natatakot ako magsabi sa lolo at lola

Hello im nami 19 yrs old opo murang edad palang buntis po ako.. Wag naman po sana mag judge pero alam ko pong kasalanan ko rin po ang nangyari.. Ako po ay single mom na sa dinadala ko ngayon almost 7 weeks and 2 days na po akong buntis.. Gusto ko po sana humingi sa inyo ng advice upang mapalakas amg loob kona magsabi na sa aking lolo at lola.. Naduduwag po kase ako magsabi sa kanila dahil nga po sa murang edad at nag aaral po ako ng second yr college expect Po nila na uunahin ko muna pag aaral ko bago ang lahat ..Pero baka magalit sila ng sobra sa nangyari kung aking sasabihin na dahil sobra po Sakripisyo nila sakin.. sa kanila po ako lumaki at magkahiwalay na Po ang mama at papa ko may Dalawa po akong. Kapatid na. Mas bata sakin na dapat ako ang magpapaaral pagtapos ko mag aral Ako po ay panganay.. pero nasira ko nagkamali ako kaya sana sa app na ito ay matulungan po ninyo kong lakasan yung loob ko kasi ang hirap po para sakin na may tinatago sa magulang? nahihirapan po ko magpaliwanag ?

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako dati takot magsabi. Lumaki na tyan ko kaya nalaman.Pero sabihin mo man o hindi, malalaman at malalaman nila yan. Yung mom ko hindi nagalit na nabuntis ako, nadisappoint? Oo. Ang ikinagalit lang nya e sa iba nya pa nalaman. Mas masakit yun sa isang magulang. I know maiintindihan ka nila, ‘cause that’s when you need them the most. Just a lesson learned nalang sayo. Hindi pa naman huli ang lahat para bumawi sa kanila.

Magbasa pa
5y ago

Parehas tayo mamsh di naman nagalit pero nadissapoint oo kase graduating ako pero syempre nanay yan e sila padin talaga unang makakaintindi saten kase magulang din naman sila.

Di ka natakot na gawin yan kahit alam mong mali at madidisappoint family mo sayo so now have the guts to face the consequences. Take responsibility for your actions. Besides, magiging ina ka na. You have to be stronger for your child. Saka di mo habang buhay maitatago yan. Tell them and accept ung mga sasabihin sayo. Sila pamilya mo, mas kailangan mo sila ngayon.

Magbasa pa
VIP Member

Mommy sabihin mo na kila lola at lolo mo ako nun 18 ako nung nabuntis yes nagalit parents ko sakin pero deserve ko naman yun kasi nag kamali ako pero sa huli natanggap parin nila ko at ang baby ko :) pag lumabas na yang baby mo mawawala lahat ng galit promise. Kaya sabihin mo na hanggang maaga pa.

Hi Nami, you can do it! 🤗 Maraming single-young moms ang nagiging successful basta mag pursigi lang. Hindi maiiwasan na magalit or madismaya ang grandparents mo pero in the end magiging okay din ang lahat. Alagaan mo sarili mo palagi, wag papabayaan ang baby mo. ☺️

Ako din nabuntis ako 19 yrs old natakot din ako nasabihin sa kanila na buntis ako pero unti unti nila nahahalata na lumalaki ung tyan ko kaya ayun pinagalitan ako pero nung lumabas na baby ko (19 days old na sya ngayon) ang saya nila kasi may baby na sa bahay namin

Sabihin mo sakanila ang totoo kase hindi mo habang buhay maitatago yan basta ipangako mo sakanila na hindi magiging hadlang si baby para sa pg tulong mo saknila in the future, tsaka mas magiging inspirasyon mo si baby para malagpasan lahat ng hirap sa buhay

Thank you so much po sa mga mommy dito na nag motivate sakin😍😍😍 laki po Ng naitulong nyo sakin😊 Sa ngayon po kabwanan Kona po😀😍 Support na support po family ko at nagsasama napo kami Ni partner😍

4y ago

Congrats mommy! Goodluck din sa panganganak 😊

I feel your fear..but your child is a blessing.😊 dont mind the bashers and haters and the tsismosas..single mother din ako..kinaya ko,kakayanin mo..paglabas ng baby mo sakania iikot ang buong mundo mo.😊

VIP Member

Kung ako sa iyo habang maaga mag tapat kna sa mga lolo't lola mo and exowct for the qorst at dapat mo g tanggapin kung anuman yun. Sna hanggang 1 lang muna ang anak mo hanggang makapag tapos mga kapatid mo

Tell them and face the consequences of your actions. Anuman ang maging desisyon nila, kung tumigil man sila sa pagsuporta sayo, pagsalitaan ka ng masama, tanggapin mo yon and magpakumbaba ka.