Advice
Medyo mahaba po ito and sana may magbasa and magbigay sakin ng support which is hindi ko nararamdaman sa pamilya ko. I'm currently 35 weeks pregnant, 20 years old pa lang ako pero mag 21 na, nag aaral ako ng college and sa ngayon natigil kase buntis ako at mahihirapan ako. Nasabi ko na din sa mama ko na buntis ako and alam kong sobrang dissapointed sya sakin, minsan nakakapag chat sya sakin ng hindi magandang salita pero lahat tinatanggap ko kase feeling ko kasalanan ko lahat ng nangyayari sakin ngayon. Nakatira ako sa pamilya ng asawa ko, nasa ibang bansa naman ang mama ko. Ngayon sobrang dami ng problema ko at stress na stress na ako dahil yung lola ko may sakit hindi ako makapunta don sa bayan namin kase tinatago nga ang pagbubuntis ko, lolo ko pinalayas lola ko at sabi nila nambababae pa lolo ko tapos yung papa ko nakulong ngayon tapos wala akong maibigay na tulong, tapos yung stepfather ko nastroke at hindi sya makagalaw.😪 Naiinis ako sa sarili ko kase wala ako don at walang nag aalaga sa kanila at hindi ko man lang maipaglaba ng damit stepfather ko na palagi kong ginagawa nung hindi pa ako buntis. Ang daming problema at nagagalit na sila sakin kase hindi ko man lang matulungan pamilya ko dun kase hindi ako makauwi at buntis ako. Hindi nila alam na buntis ako. Parang sasabog na utak ko kakaisip. Sobrang gulong gulo na ako. Palagi akong sinisisi ng mama ko at pinapamukha nya sakin na mali ang ginawa ko. Wala akong mapag sabihan ng sama ng loob palagi pa akong solo kase nasa trabaho asawa ko. Hindi po ako nagdradrama gusto ko lang ng support at may magsabi sakin kahit isang tao lang na hindi mali ang ginawa ko ngayon tinanggap ko lahat ng to kase pinili kong buhayin baby ko sa tyan kahit alam kong magagalit sakin pamilya ko. 😔 Salamat po sa pagbabasa.