Deciding
I'm getting tired of my husband. For now he is our financial provider since I just gave birth a month ago. The problem is he is always lying even for a simple thing and I dont know why. Hindi naman rin ako yung babaeng sobrang babaw na magagalit agad kapag may ginawa sya. Last time na nagsinungaling sya dahil lang sa damit na ginamit nya sa pagbebest man nya. Tinanong ko kung saan galing sabi nya hiniram sa barkada then I found a receipt from a rental store worth 1k (500 deposits) tapos sinabihan ko sya na bakit pa sya kailangan magsinungaling di na lang nya sabihin yung totoo. Second yung Skin sa isang hero sa mobile legends, may binili sya noon which is worth 500 hinayaan ko sya parang pakunswelo kung baga pero after non binabawalan ko na syang bumili dahil mahal mga skin sa larong yon sayang ang pera then nakita ko may bagong skin na naman sya. He's keep on insisting na hindi sya nangungupit sa mga perang binibigay nya lagi nyang pinagmamalaki sa akin na buong sahod nya binibigay nya sa akin (Ako naman nagbibigay kapag hihingi sya basta bayad na lahat ng bills). Alam mo yun simpleng bagay bat kailangan pa nyang magsinungaling. Issue ko na dati sa kanya yan na lagi naming pinag aawayan, kapag may gusto sya hindi nya icoconsult sa akin go go na lang sya basta tapos kapag gipitan na doon nya sasabihin sa akin. Last year may cp sya nabasag ang screen dahil tinanggal nya yung case tapos kinukuliy nya akong ikuha sya sa home credit ng bago ( yung cp nya na nabasag halos 1 year pa lang at gumagana pa kahit basag) ako naman ayoko dahil marami pa kaming bayarin noon. Sabi ko tapusin muna namin mga hinuhulugan tapos ikukuha ko sya. Ngayon hindi nakapaghintay nagpakuha sa kaibigan nya which is sabi nya sa akin pinapahulugan daw ng kaibigan nya yun sa kanya kase binigay lang ng company nila at binenta sa kanya sa mababang presyo. (Hindi ko po sya kinuhana agad ng cp noon dahil ang dami pa po namin binabayaran na sya rin ang kumuha, pinagsabay sabay nya yung ref, aircon, washing machine, speaker habang may dalawa pa kaming motor na hinihulugan. Sinabihan ko sya na wag pagsabay sabayin baka di kayahin pero kaya daw kaya hinayaan ko) pero umabot kami sa point na kinakapos dahil sa dami ng bayarin sabi ko 3 months kukuhanan ko sya pero hindi sya nakapaghintay kahit okay pa naman yung cp nya may konting basag lang sa screen. Yung konting pagtitiis sana dahil halos 20k binabayaran namin per month non hindi nako makahinga sa mga kinuha nya pero yung gusto pa rin nya yung sinunod nya. Oh dba ang galing? Tapos kotse, sabi nya byanan ko raw maghuhulog, kumuha silang kotse ng mama nya, ang sabi ko kesa kotse bat di na lang tayo tulungan ipatapos bahay namin dahil may sari sarili naman kaminh motor hindi pa kailangan ang kotse pero kinuha pa rin nila. Tapos malaman laman ko halos kalahati lang pala binabayad ng byanan ko at sa boundary ng mga motor namin kinukuha yung kalahating panghulog. Cinonfront ko sya noon pero pinalampas ko na lang kase anjan na at para wala ng usapan. Hayy napapagod nako sa mga kasinungalingan nya. Tapos kapag nag aaway kami minumura nya ako which is ayoko ng minumura dahil may pinag aralan naman ako. Hindi ako laki sa pamilyang palamura kaya ayoko ng mura pero minumura nya ako kapag nagagalit sya kapag cinoconfront ko sya. Parang nanliliit ako sa sarili ko kapag minumura ako. Ayoko non. Nagpapasorry sya pero gagawin nya ulit. Parang gusto ko ng humiwalay. Hindi pa rin sya nagbabago. Ang nagbago lang sa kanya e binibigay na nya sa akin mga kita nya. Naghiwalay na kami noon ganitong ganito rin stay at home mom ako noon ngayon naman nakamaternity leave lang. feeling ko porke nagbibigay sya ng pera ginagawa na nya gusto nya. Madalang nya lang rin akong tulungan sa gawaing bahay kung hindi lang ako magpapatulong. Isipin nyo after ko manganak CS ako nakakapagwalis walis nako, wala pang isang buwan nakakapaglinis nako ng bahay, wala syang kusang gawin yon dahil nakikita nyang ginagawa ko. Parang give up nako. Pinagbigyan ko na sya last year na magsasama kami ulit kung magbabago sya pero ganito na naman. I know am financially capable even without him. He is getting worst. Hindi na sya yung taong nakilala ko. He can be a father to our children but most of the time he spend more time playing on his phone. I dont find him as a husband anymoe because if the things he's doing. He don't respect me anymore. Edit: Hindi rin ako mahigpit sa pera sa kanya. Kapag magreremit sya kukuha sya ng 200 per day para pang gastos nya. Binibigyan ko rin sya kapag humihingi sya. Nagiging mahigpit lang kapag inuuna ko mga bills. Hindi rin ako bumibili ng mga bagay na gusto ko kase nilalaan ko yung mga binibigay nya sa mga gastusin namin, needs kung baga. Hindi nga ako gumasgastos ng pangsarili ko galing sa mga binibigay nya dahil sanay akong gastusin ang perang pinagpaguran ko (may work naman kase ako, nakamaternity leave lang ngayon). Kahit sumasakto kami or kinakapos wala syang naririnig sa akin, kahit 100, 200 minsan naiuuwi nya hindi ako nagrereklamo, lagi ko pang sinasabi na malay nya bukas kumita sya. Pero sana sabihin nya yung mga dagdag expenses nya. Na minsan magugulat na lang rin ako na may naniningil na kaibigan nya dahil nangutang sya ng hindi ko alam, na hindi rin sa amin napaglaanan yung hiniram nya. May 4k, 3k, 2k pero ang narinig nya lang sa akin is tanong kung saan nya ginamit at sinabi ko na wag sya mang uutang ng hindi ko alam para di ako nabibigla. Hindi ko alam kung mali ba na unahin ang wants kesa sa needs? Mali ba na humingi ng palugit para mabigay ang gusto nya? Na alam naman rin nya na nagigipit kami ?