Milk Supply

Hello! I’m a first time mom and I have always been so enthusiastic about breastfeeding KASO I noticed na my milk supply is not enough for my baby. I’m taking M2 and Natalac. I also tried Galacto Bombs. May mga times na more than an hour na nakalatch si baby. Inoobserve ko pag swallow niya if may naiinom ba talaga siya and I know for sure na kulang. I’m currently mix feeding para naman kahit papaano fed si baby kaso my partner does not want me to mix feed kasi mas better daw breastmilk. Aware naman ako dun pero ano gagawin ko kung di talaga sapat yung milk supply ko? Lagi na lang namin pinag-aawayan ‘to. As for me, I don’t mind mix feeding. Kasi nakabreastmilk pa din si baby and I’m confident na busog din siya through formula milk pag lang kulang breastmilk. To be honest, sobra na akong nappressure about breastfeeding. I also feel discriminated sa sinasabi ng ibang tao about me giving formula milk to my baby. Kung sapat naman milk supply ko, di na ako magfoformula eh. Any advice? 😔 #FTM #firsttimemom #firstbaby #pleasehelp #breastfeeding

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy. Malalaman po kung may nadedede si baby based on their output-- pupu, wiwi and pawis. Also remember na ang pag-iyak ni baby is not always dahil sa gutom sya. And breastfeeding is not just for food ni baby but also for comfort kaya expect na lagi nya itong hahanapin specially kapag newborn stage nya. Remember na 9 months si baby sa loob ng comfy and quiet tummy natin kaya super comfy rin sya on our breast, hearing our heartbeat ☺️ Ang best na "pampadami" ng breastmilk ay Unlilatch/ feed on demand lang po and keep yourself healthy and well-hydrated ☺️ Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Hindi yung hihintayin munang magkagatas bago padedehin si baby ☺️ Again, ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's output at hindi sa dami ng napu-pump. And again, remember na kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️ If extra fussy than usual, consider Baby Growth Spurt.

Magbasa pa