First time Mom: To resign or not to resign?
I'm a first time mom to be and will be due on Dec. We're living together with my husband away from both our sides. Working po ako as an admin assistant and soon to be assigned as executive assistant sa highest ranked Manager ng aming company. Nangangamba ako baka mawalan na ako ng time for my baby dahil sa nature ng work ko. Gusto ko magresign at maghanap nalang nga WFH set up at least masupervise ko man lang yung magbabantay ng baby ko. Work din po kasi si hubby from 8AM-5PM same kami ng schedule. Tendency, if magpapatuloy ako sa work ko, bihira ko nalang makita at maalagaan si baby plus iiwanan pa namin siya sa yaya na sila lang dalawa sa bahay. Tama po ba na magresign nalang ako and hanap nalang ng ibang job na work from home?🤔😵💫
Hello I am also FTM. I decided to resign nung 6 months tyan ko dahil madalas inaadvise bed rest pero di naman super selan. After my baby turned to 1.5 y/o I decided to go back to work (temporary WFH) kumuha ako ng nag aalaga pero nababad sa gadget ang anak ko which caused delay na ma-reach ang milestones nya ex. Speech, payat din sya below average dahil mahina kumain, madalas magka sakit (ubo at sipon) at dahil nga same sched kmi ng asawa ko at hectic din kahit WFH naman kami, hindi namin natutukan ang anak namin. Sobrang nag sisi ako at ngayon nag usap kami na iprioritize muna ang anak namin until mag start na mag school don nalang kmi kukuha ng yaya kapag medyo malaki na sya at kaya na nyang maging independent. Kung di ka maselan sa pag bubuntis work ka muna.. Pero pag labas ni baby mo tsaka ka mag decide ano priority mo ung development ba ng anak mo or yung may maiambag kang pera sa inyo. Pag usapan nyo ng mister mo kung kaya naman nya ma provide mga needs nyo I suggest focus ka kay baby dahil walang ibang pwedeng mag bigay ng tunay na pagmamahal sa anak nyo kundi magulang.
Magbasa pahi po! 2nd pregnancy ko na to at 28 weeks. ung first ko mc. ganito din ang sentiments ko bago ko kinausap ang boss ko. willing na ako to give up everything para kay baby. naging major factor kasi ang stress ko sa work during my first pregnancy. same tayo ng work sis. admin assistant 7am to 4pm schedule. why not talk to your superior or boss first about it? they could give you options considering na ippromote ka nila. pero you have to be ready with their answer. kung di ka nila mabigyan ng other options na suitable sa situation mo, that's when you decide if you will stay or not. i am blessed na ung boss ko pinayagan ako magwfh. pero once na 6 months na si baby i need to go back to the office. di ko pa nadesisyunan ung after nun. 😅. pero if you opt to choose resigning, hanap ka muna ng malilipatan mo na before doing it. mahirap ang mabakante ka sa panahon ngayon. talk to your hubby din. he might have better opinions about this. good luck mommy!
Magbasa pashare ko lang din mii as a first time mom.. nung pregnant ako nagwowork parin ako hanggang 8 or 9 months yung tiyan ko.. after ko manganak at nagmaternity leave ng 3 months bumalik pa ako sa work. same din tayo na malayo sa relatives both sides, what happened was nung nagdecide mother ko umuwi ng province nagresign din ako sa work, that time na.promote na ako at anytime pwede ako mag apply ng mas mataas na posisyon (by the way, I was a call center agent that time). since mahirap maghanap ng yaya at takot din kami, my partner and I decided na magresign ako which is nakaka.happy kasi for me, mas maganda matutukan si baby kasi dun mas makikilala nya agad magulang nya, mas matutukan mo health nya.. pero depende parin talaga yan sa diskarte nyo mag asawa.. anything naman na you think work is fine as long as kayo dalawa magdedecide.
Magbasa paIn my case, I resigned from my job. My job is in sales and I was back and forth to the office and different buildings/sites. My pregnancy wasn’t smooth as others so I decided to resigned from my job and now my baby is 6 months old already. I’m a full time mom to her. I witnessed her first word, first tummy time, first closed open.. all her firsts. I realized that you can always build up yourself and the career that you always wanted to pursue. But you have to remember that your child needs you more than anyone. It’s important to be present to them all the time. Financially speaking, I think it is a matter of you and your partner’s decision.
Magbasa paFor me, Mas importante si baby kasi very crucial ang 0-5yrs old. dyan kasi tlaga ang foundation nila at mas need ng parents guidance esp sa 0-2 yrs old. Ako I never stop working at mag 2 na anak namin kasi tlaga want ko magwork. Bit good thing malapit ang parents ko dto sa bahay ng in law ko kaya ang mama ko taga bantay sa eldest ko habang naka duty ako (WFH). If meron kang kamag anak na pwd mo makuha na baby sitter mas ok, pra makapag work ka pdin. If wala tlaga then full time mom ka. As long as nabibigay naman needs ni baby at kaya financially na si hubby mo ang magwork for me magfocus ka nalang muna sa anak nyo.
Magbasa paHi, first time mom din ako planning to resign after my maternity leave this October edd ko. probably mag turnover lang ako ng mga works ko. My side hustle ako na VA which is mas malaki kesa sa current job ko now as an Admin Manager, pero same wfh set up. Pero next yr back to office na kaya nag decide kami ni hubby na mag reresign ako para tutukan si baby and para kampante siya na di ako bburn out kasi syempre iba din yung nagwwork ka tapos nag aalaga ng baby. Advice ko lang hanap ka ng side hustle mga freelance na wfh ang usual set up. Around 4 to 5hrs lang usually tinatake up ko sa side hustle ko.
Magbasa paHi you can download, indeed app thru play store or app store. Set up mo lang yung indeed pero dapat my naka pdf file ka na na resume para icoconvert nalang ni indeed app yung resume to fit in sa indeed application. You can select either full time or part time lang hanap mo and kung wfh. Madaming offer na wfh, mostly thru zoom and via phone calls lang din sila nag cconduct ng interview.
Hi momsh. Nasa level na lng cguro ng understanding yan ng magiging boss mo if bbgyan ka nya ng mabigat na workload considering na you just gave birth and may newborn to attend to. I am assuming also hindi ka ppayagan ng WFH ng current company mo kasi hindi ka naman magreresign if feasible sya. At the end of the day momsh, yung priority mo lng tlg magmamatter dyan. Matrabaho tlg ang first year of life ni lo. Lalo kung bf ka pa. Baka ma compromise din performance mo sa work kung di ka focused.
Magbasa pami, make sure na may WFH job ka bago ka mag resign mula march upto july nka bedrest ako gusto ko na din sana magresign at mag WFH permanently kaso wala talaga akong nahanap kahit maganda din credentials ko... kung may pera naman po na naipon at di mhhrapan khit ngresign ka go lang po, my husband is VA malaki ang sweldo nya pero hirap pa din kme kase ako walang snsweldo that full bed rest..kaya bumalik ako sa work ko para makatulong na kay husband kse wala tlga ako mahanap na WFH job.
Magbasa paNASA sa Inyo yan Sis dahil may kakilala Ako na mas ginive up Niya Ang profession Niya as a License Nurse at nag fill up na din Siya na mag abroad as Nurse sa ibang bansa pero ginive up Niya parin para lang sa mga Anak Niya until now 3 na baby Niya at Masaya Siya dahil sa mas nabantayan Niya baby Niya at napangalagaan Niya Ng maayos at Ang Asawa Niya Ang nag provide lahat para sa kanila Kasi gusto din Ng Asawa Niya na mabantayan Ng maayos Yung mga Anak nila.
Magbasa paFTM here, noong una gnyan din naisip ko. Pero mas malaki kasi ang income ko kaysa kay hubby. Kaya nagdecide kami na ako muna ang magwork, sya muna ang mag alaga. Mahirap pero kinakaya ko kahit once a week ki lang makasama si baby. Sobrang sakit, may time na umiiyak ako kasi ang layo ng work ko. Pero kinakaya ko pqra kay baby, para maibigay ko mga kailangan nya. Choice and nasa pag uusap nyo yan ni hubby mo. ☺️
Magbasa pa
mom of three wonderful boys???