Pa RANT! Na sstress nako 😭

Im currently 33weeks preggy ngyon few more days nlg pra 34th weeks. Gsto ko lang mag share ng hinanakit..😞 May kapatid ako at ako yung bunso. Nabuntis yung ate ko when she was 18yrs.old & that time minor pako, nagtratrabaho ako sa palengke at the age of 16 kasi umalis ako s bahay ng tito ko kasi nga blacksheep ako kaya agang edad nagtrabaho nko at kahit papaano tumutulong ako sa knya ksi wala kaming parents. 2 lng kami lumalaban sa mundo ng katotohanan. Ginagawa ko lahat2 pra matulongan sya.. Ff. 18 nko at nakapag work nko sa SM as Archive Clerk sa EO ang saya ko kasi at young age naging independent nako. Pag anong meron ako nag bibigay ako sa kanya kahit papaano, grocery, pera at kng ano pa πŸ˜” Kahit onti2. Nong d nako nag work sa EO naging Brand Ambassador ako ng Nestle as part time kc malaki nmn yung per work nya. Hanggang naka pasok ako ng SM as Promidiser ng Sapatos. *2015* That time d ko nagbibigay s knya kc nag boboard ako ng matitirahan ko at d sapat sahod ko kahit lagi pa akng OT, na22 nadin kc ako mag gala at inom kaya ayan walang napala.. Year 2016 End ng contract ko sa SM, Natanggap ako sa Samsung as Sales Demo. Don medyo gumaan buhay ko kasi kahit ang litt ng sahod ko bawi nmn sa INCENTIVES ko. Yun nga binigyan nyako sakit ng ulo 😭πŸ˜₯ Sumali sya sa BITCOIN at na scam yung pera na na collect nya worth 25k yon at ako yung nag bayad pra d sya mapahamak πŸ˜” Inis na inis ako s knya pero nawawala din kasi ate ko sya. πŸ˜” Naaya ko sya kain s labas ksma anak nya, nabigy din ako pera pag nagkikita kami. Almost 2yrs ako sa work ko nong nag Resign ako. Dec.2017 I decided mag abroad papuntang SG kasi pinalad at may tumolong sken. 20 lng ako non πŸ˜” Dko alam yung pinasok ko hahaha! Btw, naging entertainer ako ng 7months don. Sa sobrang pagmamahal ko sa ate ko pinaaral ko sya kc gsto ko may marating sya, pero ginawa nya? Naging mapagmataas sya nag landi sa school kahit may asawa at anak na sya. Ang sakit kasi Imbis mg ayos sya nagpaka ewan sya πŸ˜” Iniyak ko nlg yoooon sabi ko sa kanya sana nlg yung pina aral ko sayo inipon ko nlg. Na stop kasi sya dahil s kalandian nya, d na sya pinapasok ng hubby nya. *FEELING KO KASALANAN KO PA KASI PINA ARAL KO SYA* Ff. ulit Yung perang naipon ko sa SG pinang down ko ng bahay at nagpaayos ako bahay lahat yun binuhos ko sa pangarap kong bahay.PERO WALA NA YUNG BAHAY KO KASI SINUKO ko dahil sa ate ko.PINAGKAKATIWALAAN KO PO SYA SA PERA KASI KADUGO KO SYA ATE KO SYA, ginawa nya? Lagi syang nakupit sken πŸ˜” After ko po kasing mg SG umuwi ako pinas at balik abroad din papunta DUBAI Archive Clerk ako don 1yr nadin gang umuwi ako kasi buntis ako bwal buntis don mkukulong. AYON nga 2020 na, Na rent kami ngyon buntis nga po ako. Yung atm ko sya pinahawak ko nong FEB.2020 may laman po yung 55Kpesos pgka march ang naiwan lng is 10k. nlg sabi nya nagamit nya yung pera pra s binyag ng anak nya at bayad nga sa renta ng dati ng nirerentahan tpos down ulit sa panibago naming nirentahan ngyon .SOBRANG SAKIT PO kasi PINAGHIRAPAN KO YUNG PERA πŸ˜” kung ano2 po gingawa nya sa pera ko, Naiyak nlg ako. Netong MARCH d2 nko samin kasama ko sya. AKIN PO LAHAT NG GASTOS, PAGKAIN,TUBIG, KURYENTE, BAYAD NG BAHAY, DIAPER NG ANAK NYA AT IBA PA. Imbes maka ipon ako wala ksi kargo ko lahat since wlng sahod hubby nya kc nasa Saudi Lockdown. Isipin mo yun MARCH hanggang ngyon akin lahat 😭😭 Kulang po yung 10k monthly umaabot po ng 20k gastos ko a month sa bahay 😞😞 Tapos ang TAMAD NG ATE KO 😭 Akin na po lahat ng work sa bahay πŸ˜” Inintindi ko sya kse may anak sya πŸ˜” LUTO,HUGAS,LABA akin po lahat ultimo panunupi ng damit akin. NAiinis ako s knya c Laging naka atupag sa cp kahit karga nya anak nya., Pinagsasabihan ko nmn sya pero prang labas sa kabilang tenga lng 😞 25 na po ate ko tapos ako 23 lng. Last month nangupit sya sken ng 4k πŸ˜” Binayad nya daw sa Paluwagan nya 😞 Naiinis ako.. Ksi bsta pera usapan lgi nlng gnitong scenario, pag inuutusan ko sya sa mga bayarin laging may sobra at Kupit lagi. Ngyon Nag utos ako pa withdraw 500 kasi Bili lng onte pra may makain kami kasi wed. pa ako mg grocery nangupit ulit sya 500 πŸ˜” Eh budget po eh kahit 500 lng yan okay lng sana kng may AMBAG? Eh akin lahat dto sa bahay 😞 D na naawa sken eh buntis ako walang ipon kahit 1 dahil sa gastusin 😭😭😭 Diko na alam Gagawin koooo 😭😭 ISA PANG kinakainisan ko po Lagi syang may ka VC na kahit na sino, Mga english paka pa 😞 Lagi na sya late mtulog kya late nadin gumising. Naiinis lng ako kc pg yung anak nyang 7mos old nag mamanya sa gbi pinapagalitan nya samantalang kng mg VC sya hanggang madaling araw nakaka inis! DONYA na DONYA po yung ate ko NAHIHIRAPAN NAKO! MENTALLY STRESS PA. SORRY MEDYO MAHABA TULONG PO!😭😭😭

92 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sis, suggest lang. dahil buntis ka na ah may binubuong bagong pamilya hindi mo na kargo ang ate mo --- yes kahit pa magkadugo kayo. may bago ka ng responsibilidad at yun and baby mo. kailangan mo ng magdesisyon na iwan o bumukod para sa ikabubuti mo at maging sa ikabubuti din nya (kase pag lagi kayo magkasama aasa at aasa yan ng ate mo sayo. turuan mo ng ate mong maging responsable, huwag mo i-spoil) opinion ko lang naman pero nasa iyo pa rin ang last word.

Magbasa pa

Sorry po a.. pero feeling ko kasi naging ganyan ate mo kasi nakikita nya sayu na kahit anung gawin nya e ok lng sa u. May family na po ang ate nyu dapat po may separate na po sila na life sa u.at may husband nmn db? Responsibilidad nya po mag ina nya hndi nyu po sila kargo. At the 1st place dapat ikw pa po tinutulungan nya kasi sya nakaka tanda.. i think hndi po mag babago situation nyu kung hahayaan mo... πŸ€¦β€β™€οΈπŸ€¦β€β™€οΈ

Magbasa pa

Hinahayaan mo dn kc eh! Awayin mo ilabas mo sa kanya yang pag rarant mo dto. Siya yung ate dapat sya yung gumagawa ng mga responsibilidad na ginagawa mo.. tas alam mo na pa lng kinukupitan ka na di ka pdn nadadala! kunin mo na atm mo at ikaw na mag hawak tutal ikaw dn lng pala mismo nasagot sa lahat ng bayarin nyo jan sa bahay eh.. Matanda kna' mas maalam ka pa nga sa ate mo eh ikaw lng dn makakaayos nyang problema mo..

Magbasa pa

Sorry sis ha? Pero dapat dati pa,itinigil mo ang pagtulong sa kanya. Hindi masama ang tumulong. Pero kung imbis na mapabuti,napapasama pa,wag mo na tulungan. Kasi kahit anong tulong ang gawin mo,pag ang tao mismo, ayaw niya tulungan ang sarili niya,walang mangyayari. Layuan mo ang kapatid mo. Minsan mas makakatulong pa tayo sa tao pag nilayuan natin. Kasi sila mismo magiisip ng diskarte nila sa buhay at di na aasa.

Magbasa pa

Kahit sabihin mo pa sis na sya nalang yung pamilya mo, darating din ang araw na need nyo maghiwalay dahil kanya kanya din kayong buhay.. Nasayang lang lahat ng pag hihirap mo.. sana after mong mabasa mga comment dito, makapag desisyon ka na ng tama.. Pero kung itutuloy mo lang yang ganyan.. wala din.. Lalo mong kinawawa sarili mo.. May chance pa.. bata kapa at kaya mo pang makaalis sa sitwasyon mong yan..

Magbasa pa

hayyss kawawa ka lang sis mag bukod ka nalang po may sarili n kayo parehong pamilya hayaan mo n matuto sa buhay kapatid mo pag tagal pareho lang magiging kawawa mga anak nyo yung sa kanya nagkaroon sya ng batugan n ina sayo nmn kawawa dn baby mo kc wala kana halos ipon para sa knya mag isip ka ng mabuti para sa sarili mo at magiging future ng anak mo, mahirap p nmn stress kapag buntis ramdam dn ng baby mo yan.

Magbasa pa
VIP Member

Better na bumukod ka na Lang. Kasi yang ate mo simula noon until now ganyan ginagawa sayo. Walang pag asa mag bago Yan sis. Depende na lang siguro kung makarma o ma realized nya lahat ng ginawa mo noon at ngayon para sa kanya. And besides I know mas kaya mong mabuhay ng Wala ka sa puder nya. Atleast matutunan nya pano mag hirap sa buhay ng walang inaasahan. Then para may maipon ka rin for the future ng baby mo

Magbasa pa

Alam mo ate, kunga ko sayo dahil independent ka naman at may kanya kanya na kayong pamilya at ganyan pa ang ginagawa nya sa sayo( β€œwalang utang na loob kapal pa ng mukha ng ate mo” ) IWAN MO NA SYA Kung nakayanan ka nyang lokohin ng paulit ulit dapat ngayon matuto ka nang tiisin sya dahil uulit ulitin nya pa yan.. sorry sa nasabi ko sa ate mo pero totoong kapal ng pagmumukha nya

Magbasa pa

Talk to your sister and tell her since lahat naman kayo kanya kanya na ng buhay, kailangan narin niya gumawa ng paraan para madagdagan yung pang gastos niyo. And yung 4k, karapatan mong kunin yun. Ipawithdraw mo sakanya. If she refuses, masakit man, teach her a lessons. This is the perfect time to learn the value of money especially if hindi naman galing sa pinaghirapan niya.

Magbasa pa
VIP Member

Alam mo mamsh,kapag ganyan katoxic na tao,kahit kapatid mo pa yan,iwan mo please. Maawa ka sa sarili mo. Hindi mo kelangan ng kapatid na hihilahin ka pababa. Kung mahal ka nyang ate mo,di nya gagawin sayo yang mga yan. Ang lagay e parang ginagamit ka na lang nya dahil mabait ka. Hay grabe. Nanggigil ako. Kung ate ko yan,matagal ko na yang tinalikuranπŸ€¦πŸΌβ€β™€οΈ

Magbasa pa