Pa RANT! Na sstress nako 😭

Im currently 33weeks preggy ngyon few more days nlg pra 34th weeks. Gsto ko lang mag share ng hinanakit..😞 May kapatid ako at ako yung bunso. Nabuntis yung ate ko when she was 18yrs.old & that time minor pako, nagtratrabaho ako sa palengke at the age of 16 kasi umalis ako s bahay ng tito ko kasi nga blacksheep ako kaya agang edad nagtrabaho nko at kahit papaano tumutulong ako sa knya ksi wala kaming parents. 2 lng kami lumalaban sa mundo ng katotohanan. Ginagawa ko lahat2 pra matulongan sya.. Ff. 18 nko at nakapag work nko sa SM as Archive Clerk sa EO ang saya ko kasi at young age naging independent nako. Pag anong meron ako nag bibigay ako sa kanya kahit papaano, grocery, pera at kng ano pa 😔 Kahit onti2. Nong d nako nag work sa EO naging Brand Ambassador ako ng Nestle as part time kc malaki nmn yung per work nya. Hanggang naka pasok ako ng SM as Promidiser ng Sapatos. *2015* That time d ko nagbibigay s knya kc nag boboard ako ng matitirahan ko at d sapat sahod ko kahit lagi pa akng OT, na22 nadin kc ako mag gala at inom kaya ayan walang napala.. Year 2016 End ng contract ko sa SM, Natanggap ako sa Samsung as Sales Demo. Don medyo gumaan buhay ko kasi kahit ang litt ng sahod ko bawi nmn sa INCENTIVES ko. Yun nga binigyan nyako sakit ng ulo 😭😥 Sumali sya sa BITCOIN at na scam yung pera na na collect nya worth 25k yon at ako yung nag bayad pra d sya mapahamak 😔 Inis na inis ako s knya pero nawawala din kasi ate ko sya. 😔 Naaya ko sya kain s labas ksma anak nya, nabigy din ako pera pag nagkikita kami. Almost 2yrs ako sa work ko nong nag Resign ako. Dec.2017 I decided mag abroad papuntang SG kasi pinalad at may tumolong sken. 20 lng ako non 😔 Dko alam yung pinasok ko hahaha! Btw, naging entertainer ako ng 7months don. Sa sobrang pagmamahal ko sa ate ko pinaaral ko sya kc gsto ko may marating sya, pero ginawa nya? Naging mapagmataas sya nag landi sa school kahit may asawa at anak na sya. Ang sakit kasi Imbis mg ayos sya nagpaka ewan sya 😔 Iniyak ko nlg yoooon sabi ko sa kanya sana nlg yung pina aral ko sayo inipon ko nlg. Na stop kasi sya dahil s kalandian nya, d na sya pinapasok ng hubby nya. *FEELING KO KASALANAN KO PA KASI PINA ARAL KO SYA* Ff. ulit Yung perang naipon ko sa SG pinang down ko ng bahay at nagpaayos ako bahay lahat yun binuhos ko sa pangarap kong bahay.PERO WALA NA YUNG BAHAY KO KASI SINUKO ko dahil sa ate ko.PINAGKAKATIWALAAN KO PO SYA SA PERA KASI KADUGO KO SYA ATE KO SYA, ginawa nya? Lagi syang nakupit sken 😔 After ko po kasing mg SG umuwi ako pinas at balik abroad din papunta DUBAI Archive Clerk ako don 1yr nadin gang umuwi ako kasi buntis ako bwal buntis don mkukulong. AYON nga 2020 na, Na rent kami ngyon buntis nga po ako. Yung atm ko sya pinahawak ko nong FEB.2020 may laman po yung 55Kpesos pgka march ang naiwan lng is 10k. nlg sabi nya nagamit nya yung pera pra s binyag ng anak nya at bayad nga sa renta ng dati ng nirerentahan tpos down ulit sa panibago naming nirentahan ngyon .SOBRANG SAKIT PO kasi PINAGHIRAPAN KO YUNG PERA 😔 kung ano2 po gingawa nya sa pera ko, Naiyak nlg ako. Netong MARCH d2 nko samin kasama ko sya. AKIN PO LAHAT NG GASTOS, PAGKAIN,TUBIG, KURYENTE, BAYAD NG BAHAY, DIAPER NG ANAK NYA AT IBA PA. Imbes maka ipon ako wala ksi kargo ko lahat since wlng sahod hubby nya kc nasa Saudi Lockdown. Isipin mo yun MARCH hanggang ngyon akin lahat 😭😭 Kulang po yung 10k monthly umaabot po ng 20k gastos ko a month sa bahay 😞😞 Tapos ang TAMAD NG ATE KO 😭 Akin na po lahat ng work sa bahay 😔 Inintindi ko sya kse may anak sya 😔 LUTO,HUGAS,LABA akin po lahat ultimo panunupi ng damit akin. NAiinis ako s knya c Laging naka atupag sa cp kahit karga nya anak nya., Pinagsasabihan ko nmn sya pero prang labas sa kabilang tenga lng 😞 25 na po ate ko tapos ako 23 lng. Last month nangupit sya sken ng 4k 😔 Binayad nya daw sa Paluwagan nya 😞 Naiinis ako.. Ksi bsta pera usapan lgi nlng gnitong scenario, pag inuutusan ko sya sa mga bayarin laging may sobra at Kupit lagi. Ngyon Nag utos ako pa withdraw 500 kasi Bili lng onte pra may makain kami kasi wed. pa ako mg grocery nangupit ulit sya 500 😔 Eh budget po eh kahit 500 lng yan okay lng sana kng may AMBAG? Eh akin lahat dto sa bahay 😞 D na naawa sken eh buntis ako walang ipon kahit 1 dahil sa gastusin 😭😭😭 Diko na alam Gagawin koooo 😭😭 ISA PANG kinakainisan ko po Lagi syang may ka VC na kahit na sino, Mga english paka pa 😞 Lagi na sya late mtulog kya late nadin gumising. Naiinis lng ako kc pg yung anak nyang 7mos old nag mamanya sa gbi pinapagalitan nya samantalang kng mg VC sya hanggang madaling araw nakaka inis! DONYA na DONYA po yung ate ko NAHIHIRAPAN NAKO! MENTALLY STRESS PA. SORRY MEDYO MAHABA TULONG PO!😭😭😭

92 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

dont give men fish, teach them how to catch fish... akala mo lang tama ung ginagawa mo, pero sa palagay ko kinunsinti mo sya kaya tatamad tamad na ngayon.. kung awa lang man ang dahilan, mas maawa ka sa sarili mo.. hayaan mo sya maging independent.. humiwalay kana sakanya ate..di biro manganak, Baka madepress ka lang sa ganyang situation ,kawawa ung maging anak mo

Magbasa pa

bumukod ka nlng po kesa magwaldas ka ng pera pra sa ate mo, pwde mo pa naman po syang tulungan kung ano nalang maitutulong mo. isipin mo dn po sarili mo preggy ka po tapos gawain ng bahay ikaw lahat gumagawa kung tutuusin nga po kayang kaya mo na pong buhayin sarili mo na wala yang ate mo, balang araw maghihiwalay dn po kayo kase may sarili na kayong pamilya.

Magbasa pa

Since my pamilya n dn nman yung ate mo, bumukod k n dn..Mtgal k n pla knkupitan, bkt k p ngttiwala s kanya? Sana mging aral sayo yan momsh, alang-alang s baby mo ngayon p lng bumukod k n. Hayaan mo n yang kapatid mo, hindi mo nman cgro obligasyon n buhayin ang pamilya ng ate mo. Mgfocus k s baby mo, ang sarili mo at yung needs ng baby mo ang iprioritize mo.

Magbasa pa

Alam mo naman palang ganyan bakit pinagkakatiwalaan monpa siya sa ganyang bagay!? Ewan ko pero nakakainis ka sis. Bumukod ka may asawa naman pala yang ate mo ee. Di ko alam kung bakit pinapahaba mo pa yung stress mo kung pwede ka namang umalis dyan at magsarili diba!? Nakaya ko ngang maging independent bakit di mo ulit kayanin ngayon? Ikaw lang kawawa

Magbasa pa

Kahit ate mo pa siya sis it doesn't justify ang lahat nang ginagawa niya. Okay lang naman tumulong sa family pero pag nasobraan magkaka problema talaga. advise ko, mag bukod ka na. Siguro darating din ang time magtino ate mo, ikaw lang kasi kawawa. atleast hindi ka nag kulang sa pag tulong, God knows all your sacrifices. Self mo naman isipin mo!

Magbasa pa

You get out of there. She is taking advantage of you. Nakakainis na Yung mismong inaasahan natin Ang toxic pa sa buhay natin. Don't feel guilty. Ginawa mo na part mo. Sa Banda huli kapag hinayaan mo siya, kapag Hindi mo sininop Ang pinaghirapan mo, ikaw Ang magiging kawawa. You have to manage your resources wisely lalo na at magiging mommy ka na.

Magbasa pa

Feeling ko may kasalanan ka din, alam mo ganyan na ugali ate mo, di mo pa binukuran, at pinagkatiwala mo pa atm mo eeh una palang nagawa ka ng lokohin, akoy naiinis aah.. kong ako jan nako kahit kapatid kong ganyan ugali , magkalimutan nalng.. matututo namn yan eeh pag binigyan leksyon tignan natin san sya maghahagilap ng pera at presensya mo.

Magbasa pa

Cut off mo yung mindset na porket pamilya kailangan mo tumulong palagi. No!! Kawatan, tamad, malandi, selfish at walang respeto kapatid mo. Huwag mo e tolerate ganyang ugali. Isipin mo ha, ang laki na ng binigay mo sakaniya tapos gaganyanin ka? Kailangan movmag-isip for yourself, malaki na siya at may asawa na. Huwag mo santahin ugali nua.

Magbasa pa
VIP Member

You have a good heart sis,I salute you.maybe it's time for you na iwanan siya at magsarili since ikaw Naman iyong breadwinner,teach her na matuto sa buhay.Even ate mo siya dpat maging responsible siya,and Kong may mangyari mang di okay sa knya dhil sa ginagawa niya you have no fault.Makakayanan mo ulit nagumpisa KC masipag kng Tao.

Magbasa pa

Bumukod ka nalang Sis. Halos buong buhay mo, binigay mo na sakanya. Sana, matuto kana since buntis ka. wag mo na antayin dumating sa point na, pagkapanganak mo eh, ganyan padin yung mararanasan mo at baka ma depres kapa. mahirap yun. kaya, ikaw nalang lumayo. mag dahilan ka nalang. saka, para alam nya yung tama sa mali.

Magbasa pa
Related Articles