I'm just worried

I'm 9 weeks pregnant and wala po akong nararamdaman na kahit na anong sypmtoms, nag-aalala ako...

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Normal po yan dont worry.. Iba iba naman po ang pagbbuntis ng mga babae.. Ung iba maseselan ung iba suka ng suka ung iba po walang nraramdaman na kahit na.. Like me po sa first born ko.. Wala lahat.. Healthy baby boy naman pagkalabas saken :)

wag po kayo magalala mommy may buntis po talaga na di maselan ang pagbubuntis. ako po kasi 4-6 months na nung nalaman kong buntis ako, bukod sa maliit ang tyan ko, walang sintomas except sa di ako nireregla.

Same lang tayo sis, kaya nga late ko na nalaman na preggy ako kasi wala ko nararamdman na symptoms 4months ko pa bago nalaman kasi medyo nabukol na ung tyan ko kaya nagtaka na ko nun. Ngayon 26 weeks na ko

Thank you po sainyo, hindi pala ako nag-iisa. Nakakapag-alala lang po lalo na at first baby 😊 Parang every week kasi naiisip ko magpa.ultrasound para lang macheck na okay si baby

Me mga nagbubuntis n walang nararamdaman, di sila maseselan like me.sa 2 kids ko wala ako naramdaman or di ako nagselan pero sa 3rd ko lahat ng pagseselan naranasan ko

VIP Member

Don't worry po. Ganyan din po ako at normal naman po ang lahat. Swerte nga po tayo kasi hindi natin naranasan ang mag suka at mahilo. Or maglihi ng kung anu-ano.

ano pong symptoms hinahanap nyo? morning sickness? pagkahilo? cravings? Swerte mo nga eh.. as long na healthy nmn yung baby sa tummy walang dapat ipagalala..,☺️

Nako be thankful po momsh. At di ka maselan at di ka nahihirapan. Sa part ko kasi 5 weeks u til now IM 11 weeks and 4 days eh sobra parin morning sickness ko.

Ganyan tlga mamsh embrace mo yan ganyan dn aq nung una ngaun 13 weeks na aq prmg ngccmula plang aq magka morning sickness and paglilihi.

Ang swerte nyo nmn mga sis, samantalang ako hanggang ngaung 4 months nag lilihi pa din, grabeng pag susuka ko nung 1-3 months ko.