CS or Normal Delivery

I'm on my 7th month of pregnancy (specifically, pang-29th week). I am thinking to have a CS delivery rather than normal delivery. Me and my husband went to our midwife for a check up. I asked her my concern about having a CS delivery since panganay to at sa public hospital naman talaga ako manganganak dahil 28 years old na ko (kasi rule daw yun sa lying in eh). At isa pa, I am having a trauma (my sister tried to have a normal delivery 2 years ago but unfortunately, late minute, her doctor conducted a CS delivery on her) so I decided that instead of experiencing that kind of pain and labor stage, I prefer to have my giving birth being scheduled. Pinakita ko rin ang result ng last na ultrasound namin. Sabi ng midwife after seeing the result, maliit daw si baby with his weight of 1197 grams. Pero napakalakas lagi ng movement nya so sabi ng midwife and I quote, "Sa totoo lang, maliit ang baby mo, kung icoconvert natin yan, so far, nasa 4 pounds palang siya. Pero sabi mo nga, malakas naman ang movement nya. Mabilis naman lumaki ang bata. Ang mga naisi-CS ay yung mas matataas pa sa 2.5 kilos. So sa susunod na check up mo sa hospital, ganto ang gawin mo. Magheart-to-heart talk na kayo ng doctor. Pero since public hospital yan, feeling ko, pag ganto ka-normal ang results (hindi suhi ang bata kasi halos nasa posisyon na siya tapos maliit pa), hindi ka nila isi-CS. Unless makitang suhi ang bata, o sobrang laki or maliit ang sipit-sipitan mo. Kung private siguro yan, bibiyakin ka agad talaga kasi pera yun eh." Ganun ba talaga sa mga public hospital? Di agad papayagan kahit yung buntis na mismo ang gustong magpa-CS? ? Just asking lang po. Kinakabahan talaga kasi ako na naeexcite. Kinakabahan ako kasi baka di ko kayang umire tapos maipit ang bata, mga ganun ba ang nasa isip ko. Please enlighten me nga po and encourage me also. ? Anyway, I will be having a baby boy soon. ?

78 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sana all! Ako nga nangangarap na mag normal delivery at maliit lang ang bata kasi ayoko talagang ma cs. 🥺🥺🥺

5y ago

habang buhay mo kasi idadaing cs. pero ung normal, isang buwan lang normal kana ulit! pwde na ulit gumalaw galaw

Ako nga 18 years old nanganak sa panganay ko tapos 4kls pa ang baby ko nun. Kaya naman na normal delivery😁

31 y/o,ftm and will be giving birth nextmonth (schedule CS) as per my Ob' s discretion due to pandemic..

For me mas ok normal delivery since i gave birth to my children via normal delivery. mabilis din ang recovery

5y ago

Okay po. Salamat po sa opinion. Try ko na po mag-normal. Medyo naeencourage na po ako 😊😊😊

Mas mararamdaman mo ang pagiging nanay pag nag normal delivery ka promise. Worth it lahat ng pain 😊

5y ago

Normal o hindi. Worth it pa din. Stop the stigma!

Ako gustong gusto ko normal.pero dahil breech si baby at malaki siya na cs ako.

5y ago

Saken naman po, normal lahat

Ako sis 2.4 c baby maliit sipitsipitan ko kya emergency cs ako.

Mas mataas daw po chance ng postpartum pag CS