Advice
I'm 3months pregnant at 1st time ko lang mag buntis, and i'm 18yrs old grade 12 student. dipa alam ng parents ko kasi natatakot ako mag sabi sakanila. Sa paanong paraan kopo kaya pwedeng sabihin na buntis ako? Naiistress na kasi ako kakaisip.
Pasama ka sa BF mo. Magagalit sila sa una pero matatanggap dn nila yan. Ako 21 yrs old nagalit parin sila kasi di pa ko kasal nabuntis na.
Pray then sabihin mo na agad sa parents mo.. Natural lng na magkakaron sila ng sama ng loob pero matatanggap nila yan for sure..
Same tayo pero ako nasabi ko pagtapos kong grumaduate ng grade 12 and thankful ako kasi tinanggap nila :) kaya mo yan sis
Sabihin mo lang ng maayos. Siguro kung magagalit man, sa una lang. Madami naman maagang nabuntis. At nakapagtapos parin.
sa nanay mo muna ikaw magsabi nanay unang nakakaintindi sa anak eh.saka muna sabihin sa papa mo.wag ma stress
Isama mo bf mo pag sinabi mo sa parents mo, pag pinagalitan ka tanggapin mo matatanggap din naman nila yan :)
Biglaan ko lang sinabi sakin. At first syempre galit si Papa pero katagalan nagsusuggest na siya ng names.
Mas mainam po sis kausapin mo masinsinan parents mo, kasi mas masakit para sakanila pag nalaman pa sa iba.
Mas maganda sabihin muna kasama si bf.. at para makapag pa check up ka kaagad para kay baby ndin
Ako nga at 28 years old, nagtampo pa din ang tatay ko. Just say it sis. Tatanggapin din nila.
Ako 24 hahaha tas napagalitan parin talaga nung nabuntis na 😂😂😂
Chloe Skarlett