Team JANUARY

I'm 38 weeks and 5days now. Sa tingin nyo mga momshies. Mababa na po ba or need pa ng more lakad? Nakakafeel na ako na sumasakit sa balakang pero nawawala naman. Close parin cervix ko. Ano dapat gawin para po makaraos na. Malaki rin po ba masyado ung tyan ko? Sa mga team january jan. Nakaraos na ba kau?

Team JANUARY
33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momshie mas maganda mag hike kapa ako nag hike ako jan 4 2020 that night around 10pm until 12am natapos ako sa pag hike ans then do the squat din nong matutulog nako nag lagay ako nang primrose sa pwerta ko mga tatlo .. Then in the morning i feel pain or cramp sa puson ko tapos may tumulo na tubig ayun punta agad sa hospital 5cm agad.

Magbasa pa
5y ago

2 cm npo ako ngaun momsh. Naglalakd pa tpos squat para tumaas daw ung cm

VIP Member

Ako sumuko na ko kakatry ng kung ano ano. Lalabas naman daw si baby pag gusto na niya. As per ob mas effective pa daw yung birthball para pumwesto si baby. Mas okay na mag ipon ng lakas para sa labor. Nature naman po ng katawan natin na maglabor pag time na tlaga. Until 42weeks safe pa po yan kaya wag po tayo mainip.

Magbasa pa
5y ago

Ang basis kasi namin is yung first transv eh. Hndi po sa lmp. Due date ko Jan 15. Pero again po 2weeks before or 2weeks after your due date safe pa po manganak kaya if ever hndi pa rin ako maglabor hanggang Jan 15 may 2weeks pa ibibigay sakin na palugit yung ob ko bago niya ako induce.

38 and 5 days din ako momsh.. niresitahan din ako ng evening primerose oil.. Walking2 tau at more exercise ... pra mkaraos na tau.. Goodluck po satin.. Praying for safe and normal delivery.. at healthy baby pra saatin lahat🙏🙏🙏.. Godbless 😇

5y ago

sakto lng po momsh..

36 weeks and 5 days ako sis. 2 cm as of today... Medyo masakit na pempem at balakang. Good luck team January. May God guide and bless us during our delivery day.

5y ago

Ganun ho ba, thanks mamsh... Sana hinay hinay na rin mag open cervix ko..

maglakad po kayo sa hagdan,. pabalikbalik po.. taas baba, . yun po kasi ginawa ko .. ginawa ko po yun ng morning nung gabi po ng ika 39weeks ko nanganak po ako. I hope mkatulong din po sa inyo

5y ago

😅 lalabas din si baby niyo po. Magdasal lang po kayo.

Aq hindi pa...waiting pa din... Niresetahan n q ng evening primrose 3x a day... Panay pananakit lng ng tummy at pempem with white discharge lng nararamdaman q. 38 weeks and 5days n q.

5y ago

Opo sissy... Based on LMP- jan. 15..... Based on 1st utz- jan. 17

36 weeks and 3 days plang. Wala pa namang nararamdaman kundi kalikutan ni baby sa tummy at pagsiksik niya sa puson ko. Feeling ko tuloy may natusok sa pempem ko 😊❤️

Sabi ni doc 36 weeks lang dw ako pero 38 weeks ako dto sa app 😂 close pa din ang cervix ko kelangan ko pa din mg gamot kasi taas ng uti ko sana mkaraos na Team January here!

5y ago

goodluck to us po sumasakit at sumusundot sundot na si baby 😊

37weeks po ako. Mababa na din po sakin pero no pain pa din or any sign of labor. Excited na kong makita si lo pero baka abutin pa ko ng 40 weeks.

Hindi pa😔gusto ko na manganak😁paopen palang daw cervix ko sabi ni ob. Pero neresetahan na ako ng evening primrose, 38 weeks na ako ngayon btw.😊