Sama ng loob sa asawa / stress

Hello, i'm 36 weeks pregnant. Maglalabas lang po ng sama ng loob. Bakit parang di ako naiintindihan ng asawa ko? Wala talaga ako maisip na dahilan para bigyan nya ako ng sama ng loob. Sa tingin nya kasi lahat ng daing ko ay pag iinarte. Napakasakit sakin na maririnig ko na ang arte ko. Masakit naman talaga ang likod ko, balakang ko, pag humihiga ako kahit anong posisyon masakit parang laging may ugat na naiipit, nahihirapan na rin akong huminga lalo na sa gabi. Tinitiis ko lahat ng nararamdaman ko at pinapalakas ko na lang loob ko para sa anak ko. Pero bakit pakiramdam ko sa bawat daing ko wala syang pakialam. Ayoko naman talaga mag utos para kunin ang mga kelangan ko eh, hanggat maaari gusto ko ako gagawa pero tuwing sasabihan ko sya lagi syang pasinghal at sinasamaan pa ako ng tingin. Sa totoo lang stress na stress na ako,iniiyak ko na lang sa gabi at tuwing akoy mag isa. Kelangan ko lang naman talaga ay ang maramdaman ang support nya,alalayan man lang nya ako tapos sa gabi sa tuwing masama pakiramdam ko sana andyan man lang sya para tulungan ako mabawasan, tanungin man lang nya ako ng nararamdaman ko, mas inuuna nya pa magpuyat kakacp. Naaalala ko noon nung di pa ako nabubuntis lagi nya sinasabi sakin na aalagaan nya ako pag nabuntis ako, pano na lang kaya pag lumabas na ang anak namin. Kelangan ko talagang tatagan ang loob ko bawat araw na lumilipas dahil ayoko maapektuhan ang anak ko, gusto ko syang maipanganak sa tamang araw. Ayoko masaktan ang anak ko, dahil alam ko sa tuwing nalulungkot ako naaapektuhan din sya. Hindi pala madali ang pagbubuntis, mas kelangan pala ang emotional support ng mga taong nakapaligid sayo lalong lalo na ang asawa mo. Nagpapasalamat na lang ako dahil andyan ang mama ko at kapatid ko na bawat oras nakaalalay sakin. Mahal ko naman ang asawa ko eh, hindi ko alam bakit ngayon pa sya nagkakaganyan kung kelan malapit na akong manganak. Matagal naming hiniling kay God na magkaanak kami, malaking blessing sakin ang anak ko. Kaya nagtataka ako bakit? Bakit ngayon nya pa pinaparamdam sakin na parang bawat galaw ko ay mali at lalo na pambabalewala nya sakin. Hindi nya ako magawang kausapin, ni tingnan man lang, hindi na rin kami magkatabi sa pagtulog ilang gabi na. Siguro nga may kasalanan ako, pero dapat sabihin nya sakin. Di naman ako manghuhula. Sana mawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko, ang bigat bigat sa dibdib. Kaya ko pa tiisin lahat ng physical pain pero eto yung parang araw araw na lang parang may tumutusok na karayom sa puso ko, parang kelangan ko pa ng tripleng tatag ng loob hanggang makalabas ang anak ko. Umiiyak po talaga ako habang tinatype ko to. Pasensya na po sa mga makakabasa kung mahaba. Wala kasi ako makausap about sa problema ko. Ibibigay ko na lang buong atensyon ko sa anak ko. Mamahalin ko sya ng sobra at aalagaan ko sya. #1stimemom #advicepls #pregnancy #firstbaby

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thankful talaga ko at blessed na hindi ganyan mapapangasawa ko. minsan ako pa yung nagsasabe sa kanya na wag nya kong intindihin kase kaya ko nmn at ayokong nag aalala sya samin ni baby pero gusto nya pag may masakit saken sinasabe ko palage sa kanya tapos hihilutin nya ko. palage nyang tinatanong kung kamusta ko kame ni baby kung may kailangan ba ko kahit sa gabe sinasabe nya na kapag may masakit saken o tatayo ako gisingin ko sya pagtulog sya sampalin ko daw sya pag di sya magising hahaha pero di ko ginagawa kase alam ko na pagod din sya sa trabaho at kailangan nyang magpahinga. Kaya hindi ako nagsisisi na sya yung pinili ko. Kaya ikaw po mii tama ka po tatagan mo lang loob mo ang palage mo nalang isipin kayo ni baby kung ngayon palang ganyan na yung partner mo na parang walang pakealam sayo/sa inyo what more paglabas ni baby mas ok po kung dun nalang kay sa mama nyo para may aalalay sa inyo palage. Mag iingat po kayo ni baby

Magbasa pa
2y ago

Yun nga sana mii ang gusto ko, yung tanungin man lang nya ako sa gabi kung may masakit sakin. Ngayon lang talaga sya nagkaganyan nung malapit na ako manganak. Dati pinaliliguan nya pa ako kasi hirap nga sa pag abot ng paa. Minamasahe nya din ako. Bigla na lang nagbago. Naririnig ko din sa kanya na hindi lang din naman daw ako ang nahihirapan. Pero wala naman kaming work pareho, nasa bahay lang kami simula ng mabuntis ako.

Buti. nlng ako mommy lahat Ng iutos ko kaseaselan din ako sinusunod nia Kasi excited Po cia ulit na magka anak kami lagi nia kinakausap SI baby sa tiyan ko tuwang tuwa sya pag nakikita niang umuumbok at gumagalaw iba Iba talga pala Ang lalaki hindi pare parehas SI baby Kasi planado 7 years old na ksi panganay namin

Magbasa pa
2y ago

oo nga Po hinihilot Po nia ung mga kamay kopo Kasi masakit mga Buto pag ginagalaw gawa ata Ng manas