Unsupportive family members

Hi! I'm 27 years old. I had a miscarriage last June this year sa 1st baby namin ni partner. Luckily and always thanking God, binalik agad samin I'm currently 10 weeks pregnant. Laging sinasabi saakin na iwasan ko daw magpakastress kasi maselan ako magbuntis pero anong gagawin ko kung yung mismong nagpapastress sakin is yung mom ko na dapat naggguide sakin during my pregnancy. I'm still supporting my parents and older brother hindi ako nagkukulang sakanila na kahit wala na matira saakin. I'm working full time kahit na hirap ako sa pagbubuntis ko and nagsusupport si partner kasi need ko magprovide sa family ko and para mas mabilis maka-ipon for our future family. Today for the first time I asked for help sa parents ko for the expenses sa bahay dahil nagkulang yung pera ko kasi may di inaasahang bayarin pero ang dami na nasabi ng mom ko. Lagi niya din hinahanapan yung partner ko ng mali kahit na puro kabutihan pinapakita sakanila nung tao. Pag babatiin siya ng partner ko hindi niya pinapansin. Nalaman ko din na hindi niya tanggap na magkakababy kami. Lagi siyang galit sakin na wala namang matinong dahilan. Nalulungkot at nasstress ako sa trato niya saakin natatakot ako na magkaroon ng effect kay baby or baka makunan ulit ako dahil sa pinagdadaanan ko. Ano po ba dapat kong gawin?

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naalala ko tuloy ung kapatid ko na lalaki mas bata sakin. may sama ng loob kase bumukod nako. ginawang katatawanan ung nalaglag naming baby ni LIP na para bang di nya yun pamangkin. bukod pa dun dami nyang sinasabi na masakit ni hindi nya naman alam na nagaabot ako ng tulong kay mama. bukod pa dun, nung nahospital ako nun dahil nga emergency na pala ung miscarriage ko di ko alam, wala man lang isa sa knila ang pumunta at nagtanong ng kalagayan ko kahit nag 50/50 nako sa hospital. kaya masakit kung makapagsalita sya na para bang mali na nagpamilya nako. ngayon, masaya ako kase bukod nako sa kanila natotoxican nadin ako kase parang sakin na inasa lahat ng magulang ko bago pa ko bumukod. ngayon nga sinabihan ko ang mama ko na maghanda ng pera kase may utang sya sakin na 10k ginamit sa pang hospital ng daddy ko nung nadisgrasya. sabi ko any amount muna kase baka mamaya mashort kami ni LIP sa gastos lalo na next year manganganak nako sa rainbow baby namin. not sure pa kung normal or cs syempre need na ready. alam ko problemado ang mama ko na ibalik kse nga mahina ang kita sa sari sari store ayoko naman sana singilin ndin yun. kaso naiisip ko kase bakit pag ako na ung nagkakasakit or nahohospital wala naman may pake sa kanila, kargo ko parin sarili ko. inoobliga ako ng daddy ko na magprovide sa bahay pero wala naman silang plano na pagaralin ako ng college noon. maski nung naghahanap ako ng trabaho, online interview ko rinig sa likod walang consideration na tatay kase nagmumura pa. nakakahiya sobra sa interviewer. kaya nga wala nakong pake kahit ano pa sabihin nila sakin walang utang na loob or anuman dahil alam naman nila sa sarili nila na lagi ko silang inuna kesa sa sarili ko. neto lang ako nagdesisyon para sakin naman lalo na magkakaanak nadin ako. blessings para sakin si LIP at baby sa sinapupunan. di nila deserve ang ganung environment. kaya malayo kami sa knila.

Magbasa pa