Unsupportive family members

Hi! I'm 27 years old. I had a miscarriage last June this year sa 1st baby namin ni partner. Luckily and always thanking God, binalik agad samin I'm currently 10 weeks pregnant. Laging sinasabi saakin na iwasan ko daw magpakastress kasi maselan ako magbuntis pero anong gagawin ko kung yung mismong nagpapastress sakin is yung mom ko na dapat naggguide sakin during my pregnancy. I'm still supporting my parents and older brother hindi ako nagkukulang sakanila na kahit wala na matira saakin. I'm working full time kahit na hirap ako sa pagbubuntis ko and nagsusupport si partner kasi need ko magprovide sa family ko and para mas mabilis maka-ipon for our future family. Today for the first time I asked for help sa parents ko for the expenses sa bahay dahil nagkulang yung pera ko kasi may di inaasahang bayarin pero ang dami na nasabi ng mom ko. Lagi niya din hinahanapan yung partner ko ng mali kahit na puro kabutihan pinapakita sakanila nung tao. Pag babatiin siya ng partner ko hindi niya pinapansin. Nalaman ko din na hindi niya tanggap na magkakababy kami. Lagi siyang galit sakin na wala namang matinong dahilan. Nalulungkot at nasstress ako sa trato niya saakin natatakot ako na magkaroon ng effect kay baby or baka makunan ulit ako dahil sa pinagdadaanan ko. Ano po ba dapat kong gawin?

25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sis dalawa lng ba kayo mgkapatid? Hnd ba kaya nung kapatid mo mghanap ng work? Ang ginawa namin nun pinagisip namin sila ng pwede nilang business. Bakery naman ung naisip nila kaya ngbigay kami ng puhunan. May mga parents kasi na ayaw mgasawa ang anak kasi takot sila na mwalan ng financial support. Ikaw naman may asawa na at takot sila ngkaanak ka kasi aagawin ng anak mo ung pera na naitutulong mo skanila. Advise ko sis habang maaga pa kausapin mo na sila na mgisip ng business na hnd naman mabigat ang puhunan para may source sila ng pera. Working kaming mgasawa dito sa province at may 2 years old twins. Nsa 45k ang monthly net income namin pero hirap kami mkapagbigay kasi halos hnd mgkasya sa gastusin namin sa gatas, yaya, kuryente, gas, at pagkain, plus monthly na binabayaran sa lupa na tinirhan namin. Kung hnd cguro namin nabigyan ng puhunan parents namin nun malamang hirap na hirap na sila at pati na din kami ngayun.

Magbasa pa
2y ago

Hello sis, thank you sa pagreply. Yes dalawa lang kaming magkapatid. Pero wala kasi ata siya kabalak balak magwork. Pag inoopen ko sa parents ko hanggang salita lang naman sila pero di nila mapagsabihan yung kuya ko. Mas okay pa nga sila makisama sa kapatid ko na di nakakapagprovide kesa saakin feeling ko ang unfair. May business sila sis na sari sari store na ako din nagbigay ng puhunan. Napag uusapan na nga namin ng partner ko na ibigay na din pati yung business namin na bigasan sakanila para kahit di na ako magbigay from salary ko. Thank you sa advise sis baka ituloy na lang namin yung balak namin na ibigay dn yung business namin sakanila.