Wala ka din ibang choice muna ngayon dahil sa pandemic, parents lang talaga una malalapitan natin. Hayaan mo muna mga kapatid mo, darating ang panahon hihingi din sila ng tulong sa parents mo. For now, si baby muna isipin mo dahil pag yan lumabas may problema sa kanya buong buhay mo na dadalhin kaysa isipin mga sinasabi ng mga kapatid mo..
May masasabi parin talaga ang tao kahit pa tumulong ka o iba sitwasyon mo ngayon.
Sa ama naman ng dinadala mo, kung magmamatigas sya. Hayaan mo nalang pero kung gusto mo ipaglaban ang karapatan ng bata, pwede sya makasuhan sa pagtanggi suportahan mga kailangan ng kanyang anak. May batas tayo jan kung ipupush mo talaga sya magsuporta..
Lakasan mo muna loob mo mommy para sa inyo ni baby. :)
Momma F.