Im single mom, please help me

Hi mommies. Sorry po kung dito ako magtatanong about sa ganto. Single mom po kasi ako, yung papa ng baby ko walang sustento kahit nung buntis pa ko 😔 May maisusuggest po ba kayong mapagkakakitaan kahit sa bahay lang? Gusto ko na sana magtrabaho kaso dumedede pa baby ko eh 1yr old na sya, pero kumakain naman na ng kanin kaso ayaw dumede sa chupon. Baka naman po may alam kayo. Wala po akong laptop, tanging cellphone at internet lang meron ako. Di naman po ako pwede maglabas labas kasi walang magbabantay ng baby ko, masyado syang clingy sakin kaya ayaw yung parents ko alagaan na magtatagal akong mawawala. Kaya sana may maisuggest kayo mommies 😢 Nahihiya nako sa parents ko. Nagpapa eload ako dito samin kaso di sapat yung kita, lalo na lumalaki na si baby. Gusto ko rin sana makaipon para sana kung pwede nakong magtrabaho, may pangpa asikaso ako ng mga requirements. Help me po please. Baka may alam kayong trabaho na pwede sakin. Thank you ❤️

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Mas okay po hindi kayo naka anonymous para makilala din po kayo ng gustong tumulong sa inyo