Anyone experiencing yeast infection?
Im 22weeks preggy and uncomfortable na talaga yung kati ng private part ko.. i’ve been using regularly yung Betadine feminine wash pero after some hours ganun pdin.. Any sugestion mga momsh??
Nako Momsh nakakairita yan sobra. Nagkaron ako nyan di pa ko buntis di ko pinapacheck up kala ko mawawala kasi nahihiya pa ko magpacheck up sa OB noon 😂 need mo iconcern yan kay OB wag ka magtiis napakasakit nyan, ang niriseta sakin GYNEPRO fem wash for sure pwede sayo yon sa mercury drug meron non para pag nangangati ka maibsan, pero dapat mo pacheck up kasi baka mamaya may bacteria ka pala yung lumalabas sayo baka yun nagtitrigger ng pangangati mo, ganon kasi case ko non, magkakaiba tayo kaya pa double check mo sa OB delikado yan sa Baby eh lalo na preggy ka
Magbasa paHi mommy nagpacheck up po ako last week lang sa OB ko kasi nangangati private part ko at natakot ako na baka may infection nireseta niya sakin is Canesten 2-3 times a day tapos dapat tutuyuin mo ng sobra yung part na lalagyan mo saka Setyl na feminine wash po saka kung maghuhugas ka ng private are warm water lang. Nawala agad siya pagkagamit ko. Buti naagapan :)
Magbasa paMay uti ka pacheckup ka. Yung akin noon mabaho sya pero di makati. Depende kung gaano kalala yung uti. Kasi yan yung dahilan bat may yeast infection. Niresetahan ako ng ob ko ng co-amoxiclav ayon nawala yung masangsang na amoy. May amoy pa rin sya pero lessen na di na nakakairita yung amoy kasi yung kepkep natin may good bacteria kaya may amoy pa rin sya.
Magbasa paWag po kayo magpanty liner, wag din po nuna kayo gumamit ng fem wash. Mild soap and maligamgam na tubig lang po. Pwede din mo hugasan ng tubig na may suka. Lagi yun. Wag ka muna mag panty lalo na kung di cotton. Kung di ka po sanay, palit ka ng panty kahit 3-4 times a day.
May ibibigay na safe na gamot for you from your OB. Then wash with water muna. Wag ka na lang muna mag Betadine Wash or any fem wash. Ako ang ginagawa ko, gumagamit ako cold water para maibasan kahit paano ang pangangati.
Ako merong uti pero wala namang inadvice na gamot sakin magbuko lang daw ako. Kase yung ihi ko daw may mix na dugo at nana. Yung dugo daw dahil mahilig ako magpigil ng ihi yung nana daw sa mga maaata na kinakain ko.
Vaginal suppository po mersozole/merozole ata di ko matandaan brand name pero ayan po nireseta sakin ng OB ko makati siya saka laging basa panty ko pero nagtake ako niyan effective namn mahal nga lng 100+ isa
Momsh ako binigyan ng suppository. On the 4th suppository dun palang nawala ang kati. Tinuloy ko nalang nun na magyogurt or yakult kasi nakakaprevent daw ng infections kaya til now di na sya nangati ulit.
Me too binigyan ng gamot na iniinsert sa pwerta. Its bacteria kase na nanggagaling lang sa ating mga babae sis. Kailangang maagapan para hindi makasama kay baby. Ask your ob sis.
20weeks po ako now, and I have that pero hindi nangangati private part ko, binigayan ako ng ob ko ng anti-biotic for the infection kaya no worries ako. Try to consult your ob po.